Chapter Twenty-Five

830 61 11
                                    

Joao's POV

"Hey, are you okay?" Untag niya kay Kisses na kanina pa tahimik na nakatingin sa labas ng bintana ng kotse.

Kanina pa niya ito na napapansin na parang may malalim itong iniisip. Napansin rin niyang magmula ng makita nito sina Heaven at Edward sa airport ay biglang nag-iba ang kilos nito, lalo na ng malaman nito ang nangyaring aksidente at pagka amnesia ni Edward. Iniisip na lamang niya na baka masyado lang itong naapektuhan sa sinapit ni Edward.

"Kisses...?" Tawag niya ulit rito ng wala siyang makuhang sagot mula sa dalaga.

"H-hmmm...? M-may sinasabi ka?" Medyo gulat na sagot nito sa kanya.

"Are you okay? Kanina ka pa kasi tahimik diyan. I'm just worried." Aniya rito.

***

Kisses's POV

"Sorry, medyo masakit lang kasi ang ulo. B-but i'm fine." Sagot niya rito.

Ang totoo ay hindi pa rin maalis sa isip niya ang sinabi ni Edward kanina tungkol sa pagkakaroon nito ng amnesia. Hindi siya makapaniwalang na aksidente pala ito noong araw na dumating ito sa Germany. Parang piniga ang puso niya ng malamang na comatosed pala ito ng dalawang taon, pagkatapos ay nagka-amnesia ng magising. Kung sana ay naroon siya sa tabi nito ng mga panahong iyon. Noong mga panahong kinailangan siya nito.

Noon pa man ay ramdam na niyang may hindi magandang nangyari kay Edward. Kung nakinig lang sana siya sa sarili niya. Di sana ay siya ang nasa tabi ni Edward ngayon at hindi si Heaven.

Napapikit siya ng maramdamang nagsisimula na naman siyang maiyak. Gustong-gusto niya itong yakapin kanina, pero pinigilan niya ang sarili. Baka hindi niya mapigilan ang sariling bumigay sa harap ng mga ito. Kung mayroon man siyang dapat gawin ngayon, iyon ay ang magpakatatag. Hindi pa huli ang lahat, kaya pa niyang mabawi si Edward.

Pwedeng nakalimutan na nga siya ng isipan nito, pero hindi ng puso nito. At iyon ang panghahawakan niya para muli itong mabawi kay Heaven.

Napaigtad siya ng hawakan ni Joao ang kamay niya.

"Kahit hindi mo sabihin sa akin, alam kung affected ka sa nangyari kay Edward. And it's normal, dahil kaibigan siya ng kuya mo at magkaibigan ang mga pamilya ninyo. Hindi mo kailangan na itago sa akin ang nararamdaman mo Kisses, because i understand. Okay?" Nakangiting sabi nito sa kanya pagkatapos ay ibinalik na ang tingin sa daan.

Bigla siyang nakonsensiya sa binata, kung kanina ay ready na siyang sabihin rito ang tungkol kay Edward, ngayon naman ay nagdadalawang isip na siya. Magiging komplikado kasi ang sitwasyon knowing na pinsan nito si Heaven. Kailangan niya munang pag-isipang mabuti kung paano niya ito sasabihin kay Joao.

***

Nang makarating sila sa resort ay hindi siya nito pinag check-in sa hotel. Instead ay sa bahay nito na malapit lang sa resort siya nito idiniretso.

Napakalaki ng bahay ng pamilya Constancia. Very modern ang concept ng loob at labas ng bahay nila, na may tatlong floors. Lima ang kwarto sa ikalawang palapag at apat naman sa pangatlong palapag, na may malaking veranda na nakaharap sa dagat.

Aside sa napakalaki at napakagandang staircase ay may elevator din sa loob ng bahay, na siyang sinakyan nila nang umakyat sila patungo sa mga kwarto nila na nasa third floor. Inihatid siya ni Joao sa magiging kwarto niya na katabi lang din ng kwarto nito.

Matapos mailagay ang mga dalang damit at gamit sa walk-in closet ay nagpasiya siyang humiga muna sa kama. Kahit hindi naman ganoon ka haba ang biyahe niya ay parang pakiramdam niya ay pagod na pagod siya. Gusto niya munang ipahinga hindi lang ang katawan niya, kundi pati na rin ang isipan niya.

I Love You Always Forever ( BOOK 1 ) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon