Chapter Eighteen

889 44 3
                                    

Kisses's POV
@ Shangri-La's Mactan Resort & Spa, Lapu Lapu
10:00 pm

Kisses's POV@ Shangri-La's Mactan Resort & Spa, Lapu Lapu10:00 pm

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Namangha siya sa kwartong napili niya. Hindi siya makapaniwalang naka promo ito, less 50% daw kasi ito sa ngayon. Ayaw sana niya itong kunin ng malaman ang orignal price nito per day. Kahit kayang-kaya naman niyang bayaran ito sa orihinal nitong presyo ay nanghihinayang pa rin siya. Pinalaki kasi sila ng kuya niya ng mga magulang nila na maging maingat sa pag gasta ng pera. Lalo na sa mga bagay na hindi naman talaga kinakailangan. Andito siya sa Shangri La hindi para mag bakasyon kundi para kausapin si Joao. Sayang ang ganda ng kwarto at view kung hindi naman niya ito ma e-enjoy dahil paniguradong wala na siyang panahon para doon. Pero sayang din naman kung hindi niya ito kukunin kung naka promo naman pala ito. Mantakin mo 50%? Ano ba ang nakain ng may-ari at nagbigay ng ganoon kalaking discount?

Napangiti na lamang siya, may natitira pa palang swerte para sa kanya sa araw na yun. Puro na lang kasi kamalasan ang nangyayari sa kanya simula kaninang umaga.

Nilibot niya ang buong kwarto, panghuli ay ang veranda na nakaharap sa kulay asul na dagat. Napakapayapa ng pakiramdam niya habang nilalanghap ang sariwang hangin na galing sa dagat.

Alam niyang kasisimula pa lang ng Kirsten Hotel, pero darating din ang araw na makikilala rin ito hindi lang sa Pilipinas kundi pati na rin sa buong mundo. Kaya naman hindi niya hahayaang sirain ni Joao ang pangarap niyang yun. Masisira ang pangalan ng hotel oras na hindi ito dumating sa event. Wala na silang sapat na panahon upang mag hanap ng iba, na release na ang ads at halos sold out na ang mga tickets.

"Joao...Joao...Joao..."
Paulit-ulit na tawag niya sa pangalan nito habang banayad na minamasahe and sentido.

Sumasakit ang ulo niya tuwing naiisip ang posibleng problema na kakaharapin ng hotel oras na hindi ito pumayag. Tiyak na maraming fans ang magre-reklamo, nakakatakot pa naman ang mga ito sa panahon ngayon. Hawak kasi ng mga ito ang social media. Tiyak trending na sila hindi pa man natatapos ang event.

Napatingin siya sa relo niya, 11:00pm kasi magsisimula ang event ng resort na dadaluhan ni Joao. Maybe magpe-perform ito sa event na yun. Kahit gusto pa sana niyang ipahinga muna saglit ang katawan ay wala na siyang oras. Kailangan pa kasi niyang maligo at mag-ayos. Mula kaninang umaga pa kasi ang damit niya at nangangamoy pawis na rin siya.

Nagpasya siyang bumalik na sa loob para makapaghanda na. Yakap niya ang sarili habang naglalakad papasok dahil sa lamig ng hangin galing sa dagat. Hindi niya na napansin na may lihim na nagmamasid sa kanya.

***
Joao's POV

"I know, i am looking at her right now." kausap niya ang detective, naka check-in na raw si Kisses sa resort. "Ako na ang bahala sa kanya, may ipinahanda akong reservation para sa iyo, sabihin mo lang sa receptionist ang pangalan mo at sila na ang bahala sa iyo. Okay...bye." at tinapos na niya ang tawag.

I Love You Always Forever ( BOOK 1 ) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon