Kisses POV
Hindi pa rin nawala sa isipan ni Kisses ang nakitang eksena kanina. Na shock talaga siya ng malaman niyang may girlfriend na pala si Edward at nai kwento nito ng pahapyaw kung paano ito nagkakilala.
Sana hindi na lang ito bumalik ng Pilipinas. Hindi sana nito nakilala si Heaven at naging girlfriend. Wow...within a week lang ang mga ito nagkakilala at sila na agad? It's so unfair...ten years ang hinantay niya at ito nga bigo pa rin.
Nasa dining table na sila at kasalukuyang kumakain ng breakfast/lunch (brunch). Para sa apat na tao lamang ang mesa nila sa apartment, so nasa leftside niya ang kuya niya, rightside si Edward at nasa harapan niya si Heaven.
Marunong pa lang magluto ang girlfriend nito kaya nag offer ito na ito na lang ang magluto.
"Hindi ba masarap Kisses?" Nag-aalalang tanong ni Heaven sa kanya, tunusok-tusok niya lang kasi ang ulam na nasa plato niya.
Galing sa pagkakayuko ay wala sa sariling napatingin siya rito. "Excuse me?" Hindi niya narinig ang sinabi nito.
"Parang wala ka kasing ganang kumain, ayaw mo ba ng caldereta?" Si Heaven.
"Ay naku, hindi. I mean masarap ang pagkaluto mo." puri niya rito.
Masarap naman talaga. Nalulungkot lang siya dahil ilang beses din niyang sinubukang matutong magluto nito pero wala talaga. Hindi niya makuha-kuha. Pinangarap kasi niyang ipagluto si Edward ng caldereta pagkabalik nito ng Pilipinas. Ito kasi ang pinaka paboritong pagkain nito.
Nainggit tuloy siya kay Heaven dahil hindi lang ito maganda at sweet, magaling rin itong magluto.
Wala na talaga akong pag-asa. Mas lalo siyang na lungkot.
"Don't worry Heaven, nagda-diet kasi yan dahil malapit na ang pasukan. Pero normally ay walang hindi kinakain yang si bunso, puro masarap sa kanya lahat." Pang-aalaska ng kuya niya.
"Nah...hindi ah!" parang batang sagot ni Kisses, natawa na lang si Christian.
"Ah...kaya pala. Actually niluto ko talaga yan dahil alam kong paborito yan ni Edward." At sweet na ngumiti sa boyfriend.
Alam ko...! Ilang taon ko yang prinaktis...hindi ko lang talaga talent ang pagluluto!
Himutok ni Kisses.Tiningnan niya si Edward, nakangiti ito kay Heaven. Then biglang tumingin sa kanya, dali-dali siyang yumuko at nagsimulang kumain. Alam niyang namumula ang pisngi niya, nahuli kasi siya nitong tumitingin.
"Alam niyo bang naii-stress na sa kanya ang cook namin sa bahay? Do you remember Nanay Selma Edward?" Tanong nito sa kaibigan.
"Yeah, what about her?". Curious nitong tanong.
"Nagpaturo kasi itong si bunso kay Nanay Selma kung paano magluto ng caldereta. Eh, hindi talaga niya makuha-kuha kaya tinakot niyang ipatatanggal niya ito dahil di daw marunong magturo" at humagalpak ng tawa.
Tawang-tawa naman si Heaven habang si Edward ay nakatingin lang sa kanya, hindi niya mabasa ang mukha nito. Parang ang lalim ng iniisip nito. Umiwas uli siya ng tingin.
Inis na bumaling siya sa kapatid. "Kuya...!" saway niya rito.
"Kasi naman bunso hindi namin gets kung bakit ganun na lang ang pagnanais mong matutong magluto ng caldereta, Nanay Selma suggested other dishes na mas madali pero ayaw mo naman. Ano ba talaga ang dahilan bunso at gustong-gusto mong matutong magluto ng caldereta?" Nagtatakang tanong ng kuya niya.
BINABASA MO ANG
I Love You Always Forever ( BOOK 1 ) COMPLETED
Fiksi Penggemar"I loved you once, love you still, always have and always will."