Edward's POV
11:45 pm
Tapos na niyang e-park ang kotse sa basement ng apartment. Sasakay na sana siya ng elevator papunta sa floor ng kwarto niya ng may mapansin siya sa front entrance ng apartment.
Kalalabas lang ni Kisses sa kotse ni Marco, medyo nakayuko ito habang nakikipag-usap kay Marco na hindi na bumaba ng kotse.
Matagal ng bumalik si Marco sa bahay nito na malapit lang din sa PBBU. Bumisita lamang ito noon sa apartment niya at nag stay ng ilang linggo dahil na rin sa matagal na silang hindi nagkikita ng kaibigan.
Nagkakilala sila ni Marco ng magbakasyon ito kasama ng pamilya nito sa Germany, pamangkin kasi ito ng napangasawa ng Tita Jenny niya, na pinsan naman ng daddy niya. Naging close agad sila nito and that was five years ago. Through chat and online call lang ang naging kumunikasyon nilang magkaibigan, pero nanatili pa rin silang malapit sa isat-isa.
Laking tuwa nito ng malamang sa Pilipinas na niya tatapusin ang kursong Business Management. Lumipat na rin kasi ito kasama ang mga magulang nito sa Pilipinas from Italy, dahil nag click ang negosyong Italian restaurant ng mga magulang nito sa Pilipinas.
Napatingin ulit siya sa labas ng marinig niyang tumawa si Kisses. Matagal na ring hindi niya naririnig ang tawa nito. Masakit nga lang dahil hindi siya ang dahilan ng pagtawa nito.
Alam niya ang mga kalokohan noon ng kaibigan pagdating sa babae. Pero sa nakikita niya ngayon ay malaki na talaga ang ipinagbago nito.
Siguro nga mas magiging maligaya ito sa piling ni Marco.
Huminga muna siya ng malalim, gustong pagaanin ang nararamdaman.
Nang bumukas ang elevator ay pumasok na agad siya. Kung maaari rin lang ay gusto niyang iwasan si Kisses. Maraming beses na rin sila nitong nagkatagpo at nagkasabay at hindi biro ang ginawa niyang pagpipigil sa sarili na huwag bumigay. Hindi niya alam kung hanggang kailan niya mapipigilan ang sarili, kaya habang kaya pa niya itong iwasan, mas mabuti.
Magsasara na sana ang elevator ng may isang kamay na biglang pumigil.
"Wait!"
Oh shit...!
***
Kisses's POVNakayuko siya habang humihingal, ang isang kamay niya ay nasa tuhod habang ang isa naman ay nasa pinto ng elevator para mapigil ang pagsara nito.
Mabuti na lang at naabutan niya, pagod na pagod na kasi siya at gusto na talaga niyang magpahinga.
Nang medyo bumalik na sa normal ang pag hinga niya ay tumayo na siya ng maayos. At lumakad papasok sa elevator.
"Whoah!" Gulat na napasigaw at halos ma upo na siya sa sahig dahil sa mabilis pag-atras. Mabuti na lang at naka hawak siya agad sa pinto ng elevator.
Papatayin ba ako ng taong ito sa nerbiyos!?
Tiningnan ng lalaki ang relo nito pagkatapos ay tumingin sa kanya.
"Good morning Kisses!" Nakangiting bati nito sa kanya.
Hindi niya alam kung ang "good morning" nito ay isa talagang pag bati o gusto nitong ipamukha sa kanya na umaga na bakit ngayon lang siya umuwi.
Inirapan niya ito.
Ano bang pakialam nito kung anong oras siyang umuwi!?Muli na naman sanang sasara ang elevator pero pinigilan ito ni Edward.
"Tutunganga ka na lang ba diyan!? O gusto mong buhatin pa kita!" Galit na tanong nito.
So, tama nga siya galit nga ito.
BINABASA MO ANG
I Love You Always Forever ( BOOK 1 ) COMPLETED
Fanfiction"I loved you once, love you still, always have and always will."