Chapter Four

1K 65 6
                                    

Kisses's POV

After five days...

Pagkatapos nang araw na iyon ay sinikap niyang iwasan ito. Hindi siya umuwi ng gabing iyon, sinabi niyang sa boarding house na lamang nila Maymay siya matutulog. Wala namang naging problema sa kuya niya dahil matagal na ring kilala ng pamilya niya si Maymay.

So far ay naging matagumpay naman ang pagsisikap niyang iwasan ito.

Kinuha niya ang susi ng apartment na nasa bag niya. Ngayon pa lang siya nakauwi mula ng araw na iyon, ilang araw din siyang tumambay kina Maymay, hindi pa naman kasi nagsisimula ang klase. Nagpahatid siya ng mga gamit niya sa kanyang kuya para sa ilang araw na pamamalagi niya sa boarding house. At ngayon nga, dahil pasukan na sa susunod na araw ay nagpasya na rin siyang umuwi.

Nang makuha na niya ang susi ay hindi na muna niya ito binuksan. Inilagay muna niya ang tenga sa pinto, gusto niyang maka siguro na walang tao sa loob. Nasa Masbate pa ang kuya niya at bukas pa ang balik nito. Baka lang kasi nag offer ito kay Edward na pwede itong mag stay sa apartment nila. Mahirap na.

Nakahinga siya ng maluwag ng masigurado niyang wala ngang tao sa loob, nakangiting ipinasok niya ang susi sa key whole.

Thank you Lord, at least for now makakapag relax na muna siya.

"So your back..."

Halos maghiwalay ang katawan at kaluluwa niya sa gulat. Nabitawan tuloy niya ang susi.

Saan ba ito dumaan? Wala naman siyang kasabay kanina ah. Kinabahan siyang bigla. Ano nang gagawin niya ngayon.

Huminga muna siya ng malalim tsaka humarap sa binata.

"Tell me, naglalaro ba tayo nang taguan ng hindi ko alam?" seryoso ang mukha nito habang tinitingnan siya.

Oh yes, taguan ng feelings!

Natawa naman siya sa ka corny-han niya. At least medyo nabawasan ang kaba niya.

"Kissesss..!" Si Edward na parang nawawalan na ng pasensiya.

Agad naman niyang itinikom ang bibig.

"Alam mo bang nag-alala ako sayo? And yet, here you are making fun of me.!"

"It was not about you, okay? i was just...thinking about something." Paliwanag niya, trying her best not to smile.

"So your thinking about someone while i'm talking to you. Great! Just...great." mas lalo ata itong nagalit.

Ano bang problema nito?

"I said something Edward, not someone." pagka-clarify niya.

Bakit ba kailangan niyang magpaliwanag rito? At bakit na naman ba ito narito sa apartment nila?

"Bakit ka nga pala nandito? I'm sure you know na bukas pa ang balik ni Kuya." Tanong niya rito. Then, bigla siyang kinabahan sa naisip. "Oh no, don't tell me maghihintay ka na naman sa kanya dito hanggang bukas?" Nag-aalala niyang tanong at wala sa sariling napaatras.

Seryoso siya nitong tiningnan.
"Hindi mo alam?" Tanong nito.

"Ang alin?" Napaatras siya uli, ramdam na niya ang pinto sa likod niya.

"Hindi ba nasabi ni Christian sayo?" Tanong uli nito.

"Ang ano?" Kinakabahan na talaga siya.

Lumipat na ba ito sa apartment nila? Oh no, magsasama sila sa iisang apartment! Teka, wala ang kuya niya, paano kung...

Natawa ito sa reaksiyon niya.
"Hey! Relax...ano bang pinag-iisip mo diyan?"

Mali ba ang hinala niya? Pinagtitripan ba siya nito? Kung ano-ano pa kasi ang sinasabi nito at hindi pa siya deretsuhin.!

Inis na tiningnan niya ito ng masama.
"Ano ba kasi ang gusto mong sabihin.!?"

"Na magkapit-bahay na po tayo." Itinuro nito ang pintong nasa likod nito. Katapat na pintuan nila.

Nakahinga naman siya ng maluwag sa nalaman.

"Ano ba kasi ang tumatakbo diyan sa isip mo at may paatras-atras ka pa diyan." Natatawang tanong ni Edward.

Nahiya siya sa inasal niya. Alam niyang namumula ang pisngi niya sa pagkapahiya. Ni hindi niya ito matingnan sa mata.

Natigilan ito saglit then unti-unting ngumiti parang nanunukso.

Maya-maya ay lumapit ito sa kanya. Inilagay nito ang kanang kamay sa ibabaw ng ulo niya at inilapit ang mukha.

Nanlaki ang mga mata niya sa ginawa nito. Biglang hindi siya na makagalaw.

"Hmmm...iniisip mo bang titira ako sa apartment niyo?" Bumaling ito sa tainga niya tsaka bumulong. "Gusto mo ba?" Nanunukso ang boses nito.

Nanayo naman ang balahibo niya sa ginawa nito.

Ano ba itong nararamdaman ko? Bakit ang lakas ng tibok ng puso ko? At bakit ang init ng pakiramdam ko na halos hindi ako makahinga.?

"Do you have any idea how much i want to claim that real kiss you promised to me ten years ago?" Bulong uli nito.

Oh my Gosh! Is he going to kiss me now?
Wala sa sariling ipinikit niya ang mga mata, parang naghihintay sa sinasabing halik si Edward.

Nang tingnan ito ni Edward ay napangiti ang binata.
"God know's how much i want to kiss you right now baby but we both know this is not the right time."

Disappointed man ay natuwa siya sa sinabi nito. Sa pag bigay ng respeto sa kanya.

Isinandal nito ang noo sa noo niya. Parang kumukuha ito ng lakas upang pigilan ang sarili nito na halikan siya.

"At the right time baby, at the right time" sabay yakap sa kanya.

Wala siyang maisip na isagot, ninamnam na lamang niya ang mga sandaling yakap siya nito.
Sana lang talaga ganito na lang sila palagi. But gaya ng sabi nito, may tamang panahon para sa mga ganoong bagay. Well, nakaya nga niyang mag hintay ng ten years kahit na walang kasiguraduhan kung gugustuhin rin ba siya nito o hindi. Ngayon pa kaya na ito na mismo ang nagsabi.

I'll wait for that right time Edward...

At niyakap din niya ito ng mas mahigpit.

to be continued...

***

I Love You Always Forever ( BOOK 1 ) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon