Chapter Thirty-Four

492 30 7
                                    

Kisses' POV

Mahihinang pagkatok sa pinto ang nagpabalik sa isipan niya na kanina pa naglalakbay habang nakahiga sa kama. Kilala niya ang kumakatok. Ilang buwan na rin siyang sinasamahan ng yaya niya sa bahay nila sa Maynila simula ng magising siya sa ospital. Parati niya itong kasama saan man siya magpunta kung wala ang mga magulang o ang kuya niya. Minsan ay hindi na lamang siya lumalakad dahil ayaw niya itong mapagod, medyo matanda na rin kasi ito at sobrang tigas ng ulo tuwing sinasabi niyang kaya na niyang lumakad mag-isa. Katulad rin nito ng mga magulang at kuya niyang kung ituring siya ay parang isang musmos na bata. Nakakasakal man minsan ang sobrang kahigpitan ng pamilya niya ay nagpapasalamat pa rin siya dahil ramdam niya ang labis-labis na pagmamahal ng mga ito sa kanya.

"Come in yaya..." agad na bumukas ang pintuan ng kwarto niya.

"Hindi ka pa rin ba nagbibihis? Kanina pa tawag ng tawag ang mga magulang at kuya mo. Kung bakit ba naman kasi hindi ka pa sumama sa kanila kanina. Tuloy ikaw na lamang mag-isa ang pupunta sa hotel. Paano ba naman kasi itong mga binti ko, ngayon pa sumakit ng husto." Nag-aalalang sabi nito.

"Yaya, I can do this okay? At tsaka ihahatid naman ako ng driver, so relax..." kampanteng sagot niya.

Wedding anniversary kasi ng mga magulang niya at sa Kirsten Hotel idadaos ang okasyon. Nauna na ang mga ito sa kanya dahil sa pag-aakalang masasamahan siya ng yaya niya. Tinatamad kasi siyang mag-ayos kanina ng malamang dadalo si Edward at ang pamilya nito sa pagtitipon.

Isa rin sa mga rason kung bakit nagdadalawang isip siyang dumalo ay dahil ayaw niyang maging sentro na naman ng atensyon. Naiinis siya sa tuwing makikita niyang kinakaawaan siya. Na para bang isang matinding karamdaman ang dumapo sa kanya.  Pero importante ang gabing ito para sa mga magulang niya. Kaya niyang isantabi ang sariling damdamin alang-alang sa kaligayahan ng pamilya niya.

"Oh siya, magbihis ka na at ipahahanda ko na sa driver ang sasakyan. Bilisan mo at kanina pa naghihintay ang mga magulang at kuya mo sa iyo. Baka balikan ka pa nga mga iyo rito para sunduin o hindi kaya ay ipa-cancel ang event dahil wala ka. Alam mo naman ang mga iyon..."

Knowing her family, alam niyang posibleng mangyari iyon.

"Opo, magmamadali na po..." nakangiting sagot niya sa matanda.

***

Habang naglalakad sa may entrance ng hotel ay nandoon na naman ang pagnanais niyang sana ay bumalik na ang alaala niya. Kung kaharap lang niya ang dating siya ay babatiin niya ito sa lahat ng naabot nitong tagumpay sa pagpapalakad ng hotel. Simula ng magising siya ay ni minsan ay hindi niya binalak na pangasiwaan ulit ang pagpapatakbo nito. Ang kuya niya muna ang namamahala sa Kirsten Hotel. Although willing naman sana itong turuan siya, pero parang takot siyang hindi niya mapantayan ang galing niya noon sa pagpapatakbo ng sariling negosyo. Mas nanaig ang insekyuridad niya sa sarili. Kailanman ay hindi ipinaramdam ng pamilya at mga taong nakapaligid sa kanyang pabigat siya. Handa palagi ang mga itong umunawa at magpasensiya sa kanya. Kaya pinili niyang magpakatatag at pilit na sinasarili ang takot na madalas niyang maramdaman. Takot na baka magsawa ang mga ito sa kanya at iwanan siya. Gaya na lamang ng ginawa ni Edward sa kanya.

Binati siya ng mga empleyado niya sa hotel na sinagot naman niyang ng isang matamis na ngiti. Nang mag-angat siya ng paningin ay nakita niya si Joao sa may lobby, may kausap itong isang magandang babae na biglang ikinawala ng ngiti niya. Huminga siya ng malalim at agad na inalis ang damdaming hindi niya alam kung ano at wala siyang balak na alamin.

Nang makita siya nito ay sandali itong natigilan pero agad din namang napangiti. Lumapit ito sa kanya habang siya ay naglakad rin palapit rito.

"Hi beautiful, miss me?" Habang pilyong nakangiti.

I Love You Always Forever ( BOOK 1 ) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon