Kisses' POV
Huni ng mga ibon at preskong simoy ng hangin ang nagpagising sa kanya. Gusto niya pa sanang matulog ulit pero mas nangibabaw ang kuryusidad niya sa lugar na kinaroroonan.
Nang ibuka niya ang mga mata ay tumambad sa kanya ang isang nakabukas na malaking bintana. Tama nga siya, nasa ibang lugar nga siya dahil walang matataas na punong kahoy sa labas ng bahay nila sa Quezon City, habang may mga ibong kampanteng nakapatong sa mga sanga.
Kung hindi siya nagkakamali ay para siyang nasa probinsiya. Pero saan? at paano siya napunta roon? Ang taong huli niyang nakasama kagabi ay si Joao. Laking pasalamat niya dahil aside from Maymay ay mayroon pang isang tao na maituturing niyang isang tunay na kaibigan, si Joao. Dahil sa pag-uusap nila kagabi ay medyo gumaan ang pakiramdam niya.
Hindi niya mapigilang mapa-isip minsan kung bakit may kakaiba siyang nararamdaman sa tuwing kasama niya ito. Pero gaya ng parati niyang ginagawa ay hindi na lamang niya ito binibigyan ng ibang kahulugan.
Kumunot ang noo niya ng makita ang mga larawang nakasabit sa dingding ng kwarto. Pictures niya ba yun?
Ano bang nangyayari? Panaginip ba ito, pero bakit parang totoo?
Maya-maya ay may napansin siyang isang maliit na card na nakalagay sa mesang malapit sa kanya. Kinakabahang kinuha niya iyon at binasa.
"Press Play..." napatingin siya sa remote control na katabi ng card. Kinuha niya ito itinutok sa TV na nasa harap niya.
Napakunot ang noo niya ng may makita siyang batang babae na umiiyak. Para itong isang lumang video kung pagbabasihan ang quality. Marami mang katanungan ay hindi niya mapigilang mapangiti dahil sa ka cute-tan ng batang babae habang umiiyak. If she's not mistaken ay around 2 to 3 years old ang edad ng bata.
"Why are you crying?" boses ng isang babae na sa palagay niya ay siyang may hawak ng video camera. Ramdam niyang naaaliw rin ito sa itsura ng batang babae.
"Because daddy said I'm not allowed to have a boyfriend." sabay pahid sa mga luha nito.
Natawa siya sa narinig.
"Why? do have a boyfriend?" Tanong ulit ng babae habang pinipigilang tumawa.
Seryosong tumango ang cute na batang babae.
"What's his name?"
"Edward." Agad nitong sagot habang cute na naka-pout ang mga labi.
Humagikhik ang babaeng may hawak ng camera.
Biglang nawala ang ngiti niya sa labi habang nakatutok sa telebisyon.
Siya ba ang batang nasa video? Ang mommy ba niya ang may hawak ng camera?
"Sorry sweetie but you're not allowed to have a boyfriend..." boses ng isang lalaki na sa palagay niya ay ang kanyang daddy na mukhang naaaliw rin sa tantrums niya.
Mas lalong umiyak ang batang nasa video o mas tamang sabihing "SIYA". May ibang videos pa siyang nakita, medyo malaki-laki na siya pero puro Edward pa rin ang bukambibig niya.
Ganoon na ba niya katagal minahal si Edward? Tanong niya sa sarili at mapait na ngumiti.
Maya-maya ay may narinig siyang instrumental na kanta kasabay ang isang bagong video. Nakita niya si Maymay na mahimbing na natutulog pero biglang nagising dahil sa sunod-sunod na pagkatok. Inis na tumayo ito at naglakad palabas ng kwarto ng hindi man lang nag-ayos. Napakunot ang noo niya ng mabasa ang pangalan niya sa tag na suot nito. Nang buksan nito ang pinto ay nakita niya si Luis na may suot ding tag kung saan ay nakasulat ang pangalan ni Edward. Naitakip niya ang kamay sa bibig habang, hindi niya alam kung matatawa sa reenactment na ginagawa ng dalawa o maiyak dahil sa samot-saring emosyong nararamdaman.
Ito ba ang ilan sa mga alaala nilang nalimutan na niya?
Tanong niya sa sarili habang tahimik na umiiyak.May ipinakita ring mga masasayang litrato nila ng binata. May litratong siyang nakangangang habang natutulog. Meron din silang litratong dalawa na nakaupo sa isang sofa, may hawak siyang gitara habang nakasandal ang ulo niya sa balikat nito.
Marunong pala siyang mag gitara? manghang tanong niya habang patuloy sa pagtulo ang mga luha.
Ni minsan ay hindi siya nagtampo sa Diyos, sa kabila ng nangyari sa kanya.
Ngayon lang...
Maya-maya ay isang mensahe ang lumitaw sa video. Pinahid niya muna ang mga luha sa pisngi bago iyon binasa.
"Hindi lahat ng alaala natin ay masaya, mahirap mang aminin pero karamihan nun ay malungkot at masakit. Pero ang mga alaalang ito ang parati kung kinakapitan tuwing nawawalan ako ng lakas ng loob. Nawala man ito sa iyo lahat, hindi ako magsasawang ipaalala ang lahat ng ito ng paulit-ulit. Hindi man bumalik ang memorya mo, papalitan ko naman ang mga iyon ng panibago. Hindi man iyon masasaya lahat, pero ipinapangako kung simula ngayon ay hindi na ako mawawala pa sa tabi mo...Will you spend the rest of your life with me?"
Naitakip niya ang kamay sa bibig. Hindi niya inasahan ang tanong nito. Maya-maya pa ay nag-uunahan na sa pagpatak ang mga luha niya habang tumatango.
Lumipas ang ilang segundo ay biglang bumukas ang pintuan ng kwarto niya. Pumasok ang matalik niyang kaibigang si Maymay at mahigpit siyang niyakap.
Naguguluhang napatingin siya sa kaibigan.
"Everything will be fine..." nakangiting sabi nito habang naluluha.
***
to be continued...
BINABASA MO ANG
I Love You Always Forever ( BOOK 1 ) COMPLETED
Fanfiction"I loved you once, love you still, always have and always will."