Chapter Nine

971 61 3
                                    

Edward's POV

Mas doble ang sakit na nararamdaman niya sa tuwing nasasaktan niya si Kisses, sa tuwing pinipilit nitong ngumiti kahit naiiyak na.

Hindi niya gustong gawin iyon, ngunit iyon ang nararapat. Alam niyang darating ang panahon na kailangan niya itong iwanan at mas lalo itong masasaktan kung ngayon pa lang ay hindi na niya ito lalayuan.

Alam niyang makakalimutan din siya nito. Hindi nga lang siya sigurado kung magagawa din ba niyang alisin ito sa puso niya. Pero wala na siyang magagawa dahil planado na ang buhay niya.

I missed you so much baby...
I'm so sorry for causing you pain, for letting you think that i don't love you, for letting you think that i don't care for you.
But i do baby, i do.
I'm only doing this for you.
Even if i want to die, everytime i see you cry.

***

Kisses's POV

Hindi nawala sa isip niya ang nakitang lungkot sa mga mata nito kanina. Gusto sana niya itong balewalain, pero sa tuwing ipipikit niya ang mga mata ay ang malungkot nitong mukha ang nakikita niya.

Walang pagmo move-on na mangyayari Kisses, kung pati maliit na bagay tungkol kay Edward ay pinapansin mo!

Para lang kasing labag sa loob nito ang ginagawa nito sa kanya. Hindi niya alam kung bakit, ang alam lang niya ay hindi siya ang pinili nito.
Gustuhin man niya na tuluyang magalit rito ay hindi niya magawa dahil mas nangingibaw ang damdamin niya para rito kaysa galit.

Ano bang gagawin ko sa puso ko. Bakit ba ayaw makinig nito..

***
Six months later...

Kisses's POV

Ilang buwan na rin ang lumipas, tuluyan na talaga siyang iniwasan ni Edward. Nagkakasalubong sila minsan pero hindi naman nagpapansinan. Minsan din nagkakasabay sila sa elevator ng apartment pero hindi nagkikibuan. Mas gusto pa niyang nasa malayo ito dahil mas malaya niya itong natitingnan. Kaysa malapit nga sila isa't-isa pero para namang hindi sila magkakilala.

Marami na ring nangyari sa loob ng anim na buwan. Pagkatapos ng nangyari sa canteen ay nagsimula na ring magparamdam si Marco sa kanya na gusto siya nito. Sinabihan niya itong wala pa siyang planong pumasok sa isang relasyon. Ayaw niyang gawin itong panakip butas. Hanggang nasa puso pa niya si Edward, hindi niya kayang makipag relasyon sa iba.

Kapalaran ko na talaga siguro ang tumandang mag-isa.

Pero mapilit si Marco, kaya hinayaan na lamang niya ito. Hindi rin naman daw kasi ito nagmamadali. Kung pwede lang sanang diktahan ang puso niya.

Hindi mahirap mahalin ang binata dahil napaka-sweet nito sobra and napaka gwapo rin. Pinay ang ina at italiano naman ang ama. Palagi siya nitong ipinagluluto, binibigyan ng mga flowers at chocolates. Magkaiba man sila ng schedule dahil fourth year na ito at siya ay first year pa lang, ay wala pa rin itong palya sa paghatid at pagsundo sa kanya. Kung may personal man siyang lakad, ay nagiging driver niya ito.

Ano pa bang kulang kay Marco? Bakit hindi niya ito kayang mahalin?

Because he's not Edward....
Sagot ng puso niya.

***
Edward's POV

Hindi niya alam kung saan siya kumuha ng lakas para tuluyang iwasan si Kisses. Dahil na rin siguro sa pagnanais niyang mas mapabuti ito. Dahil alam niyang masasaktan lamang niya ito pagdating ng panahong kailangan na niya itong iwan.

Nakatali na siya sa isang kasunduan, na wala naman sanang problema, kung hindi lang dumating si Kisses sa buhay niya. Maraming madadamay kung hindi niya itutuloy, maapektuhan hindi lang mga magulang niya kundi pati na rin ang negosyo nila.

I Love You Always Forever ( BOOK 1 ) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon