Chapter Nineteen

1K 62 17
                                    

Joao's POV
3:00 am

Pagkalabas niya kanina sa elevator ay sa bar agad siya dumeretso. Mag a-alas tres na ng umaga ng magpasya siyang bumalik na sa kwarto niya. Medyo marami na rin kasi siyang nainom.

Nang makapasok na siya sa loob, ay isa-isa niyang hinubad ang suot niyang damit. Nag shower saglit at paglabas niya ay naka white sleeveless and boxer shorts na lamang siya. Dahil hindi pa naman siya inaantok ay nagpasya siyang tumambay muna sa may veranda ng kwarto niya. Pinatay muna niya ang ilaw sa kwarto bago lumabas. Ayaw niyang may makapansin sa kanya.

Sumalubong sa kanya ang malamig na hangin mula sa dagat. Medyo gumaan ang pakiramdam niya. Isa ito sa mga na miss niya sa resort, ang sariwang hangin. Maliwanag pa rin ang buwan kahit na mag-uumaga na. Ilang minuto muna ang pinalipas niya bago nagpasyang pumasok sa loob.

Papasok na sana siya ng mapansin niyang bumukas ang sliding door ng veranda ni Kisses. Napahinto siya sa paglakad ng makita niyang lumabas mula roon ang dalaga. Nakita niya kung paano nito niyakap ang sarili ng maramdaman nito ang malamig na hangin. Naglakad ito palapit sa balustre at tahimik na pinagmasdan ang karagatan habang inililipad ng hangin ang nakalugay nitong buhok.

Bigla siyang natigilan, nag-iba kasi ang tibok ng puso niya habang pinagmamasdan niya ito. Nang tingnan niya ulit ang dalaga ay nakita niyang umiiyak na ito.

Siya ba ang dahilan kung bakit ito umiiyak? Ang hindi niya pagpayag?
Bumigat ulit ang pakiramdam niya. Nahihirapan kasi siyang tingnan ito habang umiiyak.

What the hell! is happening to me!!?
Hindi kasi niya maintindihan kung bakit bigla na lang bumilis ang tibok ng puso niya habang pinagmamasdan ito, kung bakit parang gusto niya itong lapitan at yakapin para lang huminto ito sa pag-iyak.

Why do i have this feeling that i'm not going to like the answer, to my questions.

***
Kisses's POV
7:00am

Kahit na inaantok pa ay bumangon pa rin siya ng maaga.

Get up Kisses! You're not on vacation!
Aniya sa sarili.

Tumayo siya at sinuot ang robe. Nakita niyang hindi pala niya naisara ang sliding door ng veranda.

Naalala niya ang nangyari kanina.

Stop it Kisses!
Huwag mo munang isipin si Edward. Kailangan mo munang mag focus kay Joao, kung paano mo siya madadala pabalik ng Manila.

Pumunta siya sa veranda, kailangan niyang mag-isip ng mabuti. Hindi niya alam kung saang kwarto ito naka check-in and worst wala ring info si Precy tungkol sa schedule ni Joao simula sa araw na yun. Ang tanging sinabi ni Precy ay magtatagal pa raw ito rito, kung hanggang kailan ay hindi nito alam.

"Saan ko ba siya hahanapin?" Aniya habang tinintingnan ang buong resort.

Sa laki nito ay tiyak mahihirapan siyang makita ulit ito, lalo na at wala itong balak na magpakita sa kanya.

"Joaaaaaoo!!!" Napasigaw siya sa sobrang inis.

Nabigla siya ng may kumalabog, napatakip siya sa bibig niya

May tao yata!

Hinanap niya ang pinanggagalingan ng ingay. Nang tingnan niya ang katabing veranda ay may nakita siyang katawan na nakahiga sa sahig, katabi nito ay isang natumbang upuan.

Oh no!
Nagulat ba ito sa ingay niya, kaya nahulog ito sa upuan!?

Nasa may banister siya ng veranda na nakaharap sa kabilang kwarto. Hindi niya makita ang mukha ng lalaki dahil natatakpan ito ng natumbang upuan.

I Love You Always Forever ( BOOK 1 ) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon