Chapter 6

76 1 0
                                    

“ano kamo? Kaklase mo na yung future boyfriend mo? Woooow! Tadhana na ang gumagawa ng moves ah!!” 

“HOY WELLA! BAKIT ANG SAYA MO ATA?”

“aba! Magkakalovelife ka na ulit, anong hindi ko dapat ikasaya?”

“tigilan mo nga ako! Dapat ang sinasabi mo sakin ngayon eh ‘ay bwisit nga yung taong yun, naku! Talunin mo yun, Kaizen!’ ganyan. Hindi kung ano-anong bad words”

“dude, mahal naman kita eh. Pero seriously, you have to stop being rude to men” tinaasan ko naman sya ng kilay nun kahit na late yung feedback ng skype. 

“hoy, hindi ako rude sa mga lalaki no!”

“neknek mo! Nakalimutan mo na bang may super Bluetooth na nagkokonek sa atin kaya kahit na andyan ka sa manila, alam ko kung ano talaga ang meron sayo 24/7.”

“ang dami mong sinasabi. Nababaliw ka na ba? Sabi sayo wag kang kukuha ng psychology eh.

“sira! Best friend, kung hindi mo naman kasi napapansin, akala mo lang na wala naman talagang nagbago sayo. Pero malaki, sinlaki ng earth.”

“nagbago? Sa pananamit? Pananalita? Ang drama mo! Iba kasi ang culture dito sa manila, madame”

“hindi. Masyado ka nang distant ngayon sa mga lalaki, friend. Kung hindi mo sila tatarayan, iisnob-in mo naman. I understand na siguro nga natrauma ka nung nangyari sayo few years ago. Pero ice age pa yun!”

“hoy! Hindi ako man-hatter ah!”

“sus! Deny pa! eh si Sir Carlos, tinatarayan mo palagi. Dati naman botong-boto ka dun para sa mama mo ah! Eh bakit ngayon parang biglang naging strict ka ata? Isa pa itong kapartner mo sa pagdDJ, palagi mo nalang inaaway na para bang may SARS sya at hindi mo dapat maging kaibigan”

“eh basta, hindi ako man-hatter!”

“Kaizen, ito naman payong awesome friend lang, may 30 years ka pa bago magmenopause. Enjoy your youth. Wag masyadong mataray. Oo nga, sabihin natin na may mga lalaking nabuhay lang para manakit ng babae, pero hindi lahat. Sige ka, sa sobrang pag-iwas mo nyan baka malagpasan ka nalang ng happily ever after partner mo nang di mo namamalayan!”

“at saan mo naman nakuha yang mga pinagsasabi mo ha?”

“sa common sense ko, and I believe na meron ka rin nun so better use that bago mangalawang. Kung gusto mong sumasaya, you have to learn how to love again. And you’ll only be able to love again if you are ready to take a risk and accept the possibility of getting hurt”

[b]“oo na! oo na, mother superior! Pag iisipan ko tong lecture mo sakin”

“aba dapat lang! ginto yang words of wisdom ko, milyon ang halaga nyan kung ibebenta mo no!”

“echusera! O sya, thanks best friend. Ang ganda mo talaga”[/b] kumaway lang sya tapos inend na nya yung video call. 

Ayoko talaga ng ganitong pakiramdam eh. Yung pagtapos kang sermonan tapos yung sermon eh tagos sa buto tapos para kang binuhusan ng malamig na tubig kasi ngayon mo lang narerealize na parang totoo nga yung sinabi sayo. All this time akala ko ok ako. 

Bakit ba palagi nalang tama si Wella? 

***

Pumunta ako ng sobrang aga sa booth para maghanda dahil turn ko naman na magsalita ng mahaba-haba today. 

“good morning manong! Yung susi po sa booth?” ngumiti naman sakin si manong sabay lapit.

“bukas na yung booth pumunta ka nalang doon, anak”

“ganun po ba? Thanks, manong!” siguro nga maaga ring naglinis si manong kaya nabuksan na nya. 

Pagpasok na pagpasok ko palang sa booth, tumayo na yung mga balahibo ko. Naka-on na kasi yung aircon tapos sobrang lamig pa ngayon dahil palapit na rin yung pasko. Pero mas kinilabutan pa ako sa nakita ko.

“good morning!” bati nya agad sakin tapos tuloy lang sya sa pagbabasa ng script nya. 

Sasagutin ko sana sya ng pabalang kaso lang naisip ko naman yung sinabi ni Wella

morning” tinignan ko naman yung paligid. Nakaset up na lahat ng mga gagamitin namin. Could it be na sya na ang nag-ayos?

“nabasa mo na yung script?” tinignan ko lang sya. Di ba obvious na kararating ko lang at kahahawak ko lang ng script?

“ngayon palang” geez. Dapat akong magkaroon ng award dito. Most patient!

Tumawa naman sya pero hindi malakas. 

“bait natin today ah?”

“sayang ang oras ko kung makikipag argue pa ako sayo” tuloy pa rin ako sa pagbabasa. 

“may sakit ka ba today?” tinaasan nya pa ako ng kilay.

“I’m good. Thanks for asking” 

“wait, gumaganti ka ba sakin ngayon?”

“ba’t naman kita gagantihan?”

“sinabi ba sayo ni Dr. Mattias na maging mabait din sakin?” napatingin naman ako sa kanya nun. 

“say what?”

“did he told you to be nice to me as well?”

“si Dr. Carlos Mattias? Yung media professor?”

“wait, hindi nya sinabi??”

“so he told you to be nice to me to win over me, ganun?” aba! Aba! Lagot ka sakin Carlos!!

“hahahahaha! I guess you caught me by my own mouth” 

“if you’re trying to be nice just because someone told you so, ibahin mo ako”

“so naisipan mo na ngang maging mabait sakin for good?” 

“naisipan, oo. Sinusubukan, oo. For good? We’ll see”

“whoa! Napaaga naman ata yang New year’s resolution mo?”

“nagsalita? Eh ikaw, new year’s resolution mo ba ang pumasok na ng maaga?” woops. Sorry. Di ko na natiis eh.

“yan! Yan! That’s more like you”

“bwisit!”  Nginitian nya naman ako nun kaya mas lalong tumindig yung balahibo ko. “ba’t sobra atang lamig ng aircon?”

“o? wait, pahinaan ko muna” tumayo sya tapos kinuha yung remote at tinaasan yung temperature para uminit ng konti. 

Sinundan ko lang sya nun ng tingin at parang nagets nya naman ata yung pagkagulat ko at nagsalita.

“bakit? Ayaw mo bang pahinaan ko?”

“sa tingin ko dapat tigilan mo na yang pagiging mabait mo dahil alam ko na yang tactic mo at hindi na magwowork yan. So please? Nakakakilabot ka eh” tinawanan nanaman lang nya ako. Bwisit na langgam to!

“eh akala ko ba magiging mabait ka na sakin? Bakit nagtataray ka pa rin?”

“sabi ko nga diba, I’m trying. Saka paki mo ba?” 

“Concerned lang ako na baka hindi mo matupad yung new year’s resolution mo”

“sinabi nang hindi ko nga yun—geez! Kausapin mo nalang nga yung sarili mo!” tumayo naman sya sa upuan nya at pumwesto sa tapat ng microphone sabay tumingin naman sakin.

“just so you know, dahil alam mo naman na pala yung sikreto ko, titigil na akong magpretent na mabait sayo”

“hallelujah! salamat kung ganun!” 

“yeah. Like I said, just so you know, 

I’ll be doing it for real now, block mate” nahanginan na ba ang utak ng isang to?

I Haven't Gone Too Far (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon