Chapter 44

41 0 1
                                    

The culminating activity was a week ago. Sinundo lang si Nikko the same night. He insisted na sumabay na ako sa kanila pero tumanggi naman ako kasi sabi nina mama sila raw magsusundo sakin. It seems like everything's back to their places kasi sabi naman ng doctor ni Nikko eh okay na okay na raw sya.

Kinausap naman na ako nina mama tungkol sa engagement nila. Hindi pa man completely nawawala yung sama ng loob ko sa kanila pero tinanggap ko na rin naman yung sitwasyon kasi wala na akong mababago pa. Isa pa, I love my mother more than anyone else in this world and I want her to be happy. Therefore nagsorry na rin ako sa kanila dahil sa inasal ko nung nakaraan. Nagpromise naman sakin si Carlos na papatunayan nyang deserving sya para kay mama and I am actually counting on that before I actually give my full consent.

Tungkol naman sa amin ni Nikko, hindi ko pa sya nakikita since nung culminating activity night. I tried calling him to ask if he's okay pero hindi nya sinasagot yung phone nya. Ayoko namang mag-overthink kaya nagdecide akong maghintay nalang muna sa tawag nya once he's actually ready to speak with me.

"1 week, bestfriend, 1 week? Maghihintay ka ba ng isang linggo bago pa kausapin yung taong mahal mo? to say na katatapos lang nung nangyari sa kanya. Hindi ba normal lang na ikaw yung isa sa mga tao na gugustuhin nyang makasama given na sobrang haba ng panahon na nawala na sana eh kasama ka nya?"

"will you please stop polluting my mind?"

"Bestfriend mo ako, that's my job."

"Wella, he must have his reasons" napasnap naman sya nun tapos tumalon sya sa kama at tumabi sakin

"now that you mentioned it, hindi kaya may kinalaman ito kay Tal?" oo nga pala, nakalimutan ko na andito rin pala si Tal at kina Nikko sya nagsstay "hanggang kailan nga yung bruha na yun dito?"

"ang mean mo, alam mo ba yun?" hindi naman nya ako pinansin "hindi ko alam kung kelan, but I don't think it's anytime sooner"

"hindi ko gusto ang vibes nung taong yun. Teka nga" kinuha nya naman yung phone nya saka nagdial sya. Mamaya lang din nakilala ko naman kung sino yung kausap nya "Bianca! Anong problema ng bestfriend mong hilaw?" tahimik naman sya nung nakikinig. Medyo matagal din nga syang walang imik hanggang sa binaba na nya yung phone "uh-oh!"

"anong meron?"

"that stinky clingy feeler bi--" napatigil naman sya "witch"

"Si Bianca ba ang tinutukoy mo? Anong problema?" napaupo naman ako ng diretso

"hindi si Bianca, yung Tal na mapagpanggap!"

"eh ano ngang--"

"okay! Makinig ka, at wag mo akong ikacut hanggat di pa ako tapos" huminga naman sya ng malalim nun, kulang nalang umusok yung ilong at tenga nya sa galit eh "Sabi ni Bianca, kinabukasan after makaalala ni Nikko, ang unang taong nagpakita sa kanya ay si Tal. Hindi pa nya alam nun na bumalik na yung memories ni Nikko. So she did everything para raw makabawi sa time na nasayang during the camp" niroll naman ni Wella yung mata nya "Nikko then asked everyone to give him the chance to tell Tal about everything pero nasabi nya lang kay Tal kinabukasan. Then everyone's expecting everything to go back to normal dahil alam na ni Tal, but Tal insisted to stay. Kinausap nya si Nikko na bigyan daw sya ng chance na patunayan na deserving sya para kay Nikko more than anyone, including you. She asked for 10 days to prove herself, that includes Nikko having no contact with other girls during those days. Yan lang daw kasi yung paraan para pumayag si Tal na umalis ng mas maaga. Sa lagay ngayon, obvious na pumayag si Nikko" humarap naman sya sakin nun "now, tell me what's the plan?"

I Haven't Gone Too Far (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon