Chapter 33

48 0 2
                                    

Nung dumating ako sa hospital nun, hindi ko talaga alam kung anong gagawin ko. My whole body was shaking and I could do nothing but cry. I am with Clarence and he told me that Nikko's still in the operating room. Unconscious na raw sya nung dinala sa emergency room. I asked him what happened but he seemed not to know anything about it. Ang sabi nya lang sakin, it was Clarence on the most recent list ng phone ni Nikko kaya sya yung tinawagan agad.

On the other hand, I tried to contact his parents but since I am not in my sane self, Clarence was the one who had to talk to them about the accident.

Maya-maya lang konti, may police officer na lumapit sa amin regarding sa accidentkaya naman dun ko na rin tinanong kung anong nangyari. He told us it was a counterflow accident. It's not Nikko's fault kundi nung car na kasalubong nya, umiwas daw sana sya kaso lang sumayad naman yung likod ng kotse ni Nikko sa may poste kaya umikot raw yung sasakyan hanggang tumama sa pader yung driver's seat side. Hinala nila, natapakan ni Nikko yung gas instead of the break. Medyo matagal pa nga raw bago nakarespond yung mga police kasi wala raw agad na tumawag sa kanila. Sinabi nalang nila na kapag dumating na yung parents ni Nikko, icontact nalang daw sila or pumunta sa presinto para sa case nung isang driver.

After more than an hour sa operating room, nilabas na rin si Nikko. He's still unconscious at may nakalagay na oxygen mask sa bibig nya and some other equipments kasama pa nung bandage sa ulo nya at neck brace. May sugat din sya sa mukha nya at kamay. Seeing him like that, nanlambot nalang yung tuhod ko at natumba ako. Next thing I know, I am lying in the emergency room and it's already morning.

"ma?"

"o, gising ka na? hindi ka muna papasok today. Si Carlos nang bahalang magpaliwanag sa professors mo. Tinawagan ako ni Clarence at inexplain nya na rin lahat ng nangyari. Hindi mo muna kailangang magpaliwanag ngayon, umuwi muna tayo at doon ka magpahinga" o-oo sana ako kaso lang iba naman yung unang lumabas sa bibig ko.

"Si Nikko, ma?"

"he's fine. He's still under observation kasi hindi pa nga sya nagigising until now. His parents are there and God knows how painful it is to see their son in that state"

"si Clarence po?"

"pinauwi ko na sya kagabi nung dumating yung parents ni Nikko. It's a luck that they are here in Manila kaya nakapunta sila agad. Nung una ayaw pa ngang umalis ni Clarence, hihintayin ka raw magising, but then I insisted kaya pumayag naman nang mauna"

"ma. Gusto ko pong makita si Nikko, pwede po ba?" tinignan lang ako ni mama nun. Parang ayaw nya pa nga akong payagan pero nakita nya siguro na sobra talaga akong nag-aalala kaya sinamahan nya na rin ako sa kwarto ni Nikko.

On our way there, sobra yung tibok ng puso ko. Ayokong ientertain lahat ng possibilities pero hindi ko maiwasan. But geez, I hope I'm just being paranoid.

I saw Nikko's mom crying beside his bed, and then I saw the same Nikko last night. Hindi ko nalang napigilan ulit na mapaiyak.

"I'm sorry, tita" yun yung una kong nasabi nang makalapit na ako sa kanila. "It's my--"

I Haven't Gone Too Far (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon