Chapter 36

37 0 0
                                    

Habang ginagamot ako ni Clarence, may bigla naman pumasok sa isip ko. This has happened before!

Remember nung nasugatan ako sa paa after ng isang org meeting noon kung saan kaming dalawa ni Nikko yung naghost? Kaya ba ganun nalang sya kung makapagreact? reflex? is that what you call it? or talaga lang bang matulungin sya?

Tito and tita had to go and buy stocks for food kasi magsstay pa sila rito for the next three days bago sila uuwi sa probinsya. Clarence had to drive them kasi hindi naman nila kabisado yung lugar. Ako naman makikisabay na sana para makauwi na rin ako kaso hindi naman ako pinayagan ni tita. Magluluto raw sya at tatalunin si Clarence so dapat daw akong magstay for dinner. Nung una ayaw ko pa nga kasi maiiwan lang akong kasama sina Tal at Nikko at magiging sobrang awkward talaga nun, so I volunteered to help them shop, pero di nga pala pwede kasi injured yung paa ko. I even tried calling my mom kaso nung nalaman nyang nakina Nikko ako, binabaan naman ako ng phone.

what a great life!!!!!

so now we're all here in the living room. Nanonood yung dalawa ng pelikula na hindi ko na matandaan yung title, habang ako naman eh nagbabasa ng magazine... kunwari.

"Kaizen, anong plano mo for summer?" tanong naman ni Tal.

"uuwi kami sa province. My mom insisted. She told me she needs to so wala naman akong magawa"

"saan ba province mo?" kung saan ka rin pupunta.

"malayo"

"yeah, pero saan--"

"nakakauhaw naman, kuha lang ako ng tubig ha" sabi ko nalang para matigil sya. Nung saktong hakbang ko naman sa kanang paa kong injured napasigaw ako ng sobrang lakas.

"OUCH! SHIZ! GEEZ!" sa sobrang wirdo ng sitwasyon ko nakalimutan ko pang injured ako. At masakit pala talaga yung sugat.

Napatingin lang silang dalawa sakin. Pero hindi naman ako makatayo agad tapos nung finally eh nakahanap na ako ng paraan para makarating sa kusina, bigla namang may nag-abot ng tubig sa harap ko. Si Nikko.

"ha?"

"bakit ba ang clumsy mo?" sabi nya lang sakin tapos binaba nya sa side table yung baso then binuhat ako pabalik doon sa inuupuan ko kanina sabay bigay ng baso.

"hindi mo naman na--"

"a thank you would've suffice" tapos tumalikod na sya at bumalik sa panonood nung palabas. Oh right!! I remember! It's 50 First Dates.

"Wait, what a co-incidence! medyo relatable pala yung movie no?" sabi ko naman para wala lang, makapagcomment lang at maipaalala sa kanila na andito pa ako.

"you didn't just say that" sabi naman sakin ni Tal as if sinasaway nya ako. Ah, yes I did. "hindi naman ganyan yung kay Nikko. Not as worse"

"di ko naman sinabing pareho eh"

"still that's not something you just say" sino kayang namili ng movie? That's not something that you could've just randomly picked, I guess.

"she can't remember anything beyond that day so she repeats everything she does every day. Eh paano kapag nag-asawa na sya?" tanong naman ni Nikko. Usong patapusin yung movie para malaman yung sagot.

"She kept a diary about her day. That's how she tried to update herself whenever she cannot remember anything"

"but she didn't know that she wrote them too?"

I Haven't Gone Too Far (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon