Chapter 30

48 1 1
                                    

There seems to be a buzz around the communications building today. Ako naman itong walang clue kaya binilisan ko namang umakyat papunta sa classroom para malaman kung ano yun.

True enough, pagkapasok na pagkapasok ko sa classroom nalaman ko agad. Pang grand entrance ba naman yung pagkakabukas ko ng pinto kaya nagtinginan sila sakin.

"uh, Good morning!" then they all went back to their business... and what is it?

tumakbo naman sakin si Tal. Sobrang taas pa nga ng ngiti nya eh.

"Kaizen, favor please? pwedeng switch nalang kayo ng upuan? para tabi kami ni Nikko, please? tinulungan naman kitang mapalapit kay Clarence, ito nalang hihingiin kong kapalit. Please?"

"p-pero, Tal lahat ng files ko nasa computer na yan"

"ililipat nalang natin, tutulungan kita, promise!" napatingin naman ako nun kay Nikko. Gusto ko sanang ngumiti kaso lang sobrang plastic naman nung kinalabasan kaya tumingin nalang ako sa ibang direksyon.

"Fine. Fine." pumunta naman ako sa bakanteng upuan sa kabilang row nang may bigla namang tumabi sakin

"Nakipagpalit din ako syempre!" tapos kinindatan naman nya ako. Napatawa nalang ako. At least the world's not as awkward anymore. Nikko's out of my sight.

From my chair, nakikita ko naman si Tal. Kaya kapag nakikipagtawanan sya kay Nikko, nakikita ko rin. Ang bilis nga nilang maging close eh. Hindi na ako magtataka kung isang araw sila na.

Okay, I'm taking it back, distracted pa rin ako. Geez.

***

Lunch time.

"Mahal, hindi ka pa ba maglalunch?" tinignan ko lang si Clarence nun ng masama. "ito naman, pinapangiti ka lang eh. Kanina ka pa intense na intense dyan sa... kakaclick ng folders?!?"

"m--ma-may hinahanap lang akong file" tapos tumigil na rin ako.

"andyan lang yan, bakit hindi mo nalang isearch?"

"nalimutan ko kasi yung filename"

"mamaya na yan. You have all day. Free cut naman tayo sa business comm. Kumain ka na ha. Ayain mo nalang si Tal. Aalis muna ako, magpapagwapo para sayo" nagsmirk nalang ako

"oo na. chupi na!"

"love you!" sabi nya naman pero mahina lang.

lumapit na rin ako kay Tal after kong mashutdown yung computer ko para maaya na rin syang kumain.

"Tal, tara lunch na tayo?"

"pass muna ako" sabi nya habang nakatitig pa sya sa sarili nya sa salamin. "maglalunch kami ni Nikko today" nagwink naman sya sakin.

"kayo?" agad-agad lang?

"oo, pumayag sya!"

"oh--wow! oh. good! yeah. Have fun! Sige. Bye!" wow kaizen! that was so natural

Nagmadali naman akong lumabas sa room kaso nakasalubong ko naman si Nikko. Nag-hi lang ako tapos umalis na...

For sure sa cafeteria sila kakain kaya lumabas nalang ako sa campus.

I have to get rid of this crazy feeling as soon as possible. Medyo wala akong nagagawa eh. Sumasakit lang lalo yung ulo ko. Isa pa, ano rin naman kung sakaling maging sila? Eh matagal naman na kaming wala ni Nikko. After effects nalang to sabi nga nya. Baka masyado lang talaga akong napapraning.

I Haven't Gone Too Far (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon