Chapter 11

63 0 0
                                    

The bus ride on our way home was okay. Pinilit pa ni Clarence na tumabi sakin kasi raw sya yung nurse ko. As if naman kailangan ko ng nurse.

Dahil na rin sa pareho kaming puyat that night, nakatulog lang kami sa buong byahe.

“umuwi kayo agad ha! At kayo love birds, may surprise kami sa facebook!” sabi naman ni Ate Jam pagkababa naming sa bus. Di ko nalang pinansin kasi inaantok pa rin ako.

Nagsimula na akong maglakad papunta sa sakayan ng jeep kahit na pakiramdam ko lumulutang ako.

“paano ka uuwi?”

“gagapang siguro?”

“wala kang sundo?”

“meron, katabi ko nga eh” tinuro ko naman yung hangin sa kaliwa ko. Ba’t ba kasi masyadong obvious naman yung mga tanong nya. 

“tara!” hinila nya naman yung backpack ko, binatukan ko nga sya dahil muntik pa akong matumba.

“umayos ka! Bagong gising ako!”  

“sabi na kasing sumabay ka nalang sakin. May dala akong kotse”

“nagdadrive ka?”

“hindi, itutulak natin”

“well sorry. Magtulak ka mag-isa”

“haaaay! Kulit!” sunod nalang na alam ko, kinuha nya yung isan pang bag na dala ko. Hahayaan ko sana kaso narealize ko na puro underwear ko yung nakalagay dun kaya hinabol ko sya. In the end, napapayag nya rin ako.

Naghalungkat naman ako sa minibox nung sasakyan nya. 

“sige ka, makakita ka dyan ng nakakakilabot”

“picture mo? Immuned na ako. Halos everyday na kitang kasama. It’s like living in a horror house”sa kakahalungkat ko, nakakita nga ako ng picture nya pero may kasama syang girl.

“this is her” nag-iba bigla yung expression ng mukha nya

“yeah, that’s her”

mahal mo pa?” di sya umimik “mahal mo pa no?”

“hindi na” tumingin sya sakin nun. Nakared pala yung stop light. “Hindi na” then ngumiti sya “that picture makes me smile and stops me from hating her” hindi na ako umimik. Nagdrive sya ulit tapos tinuloy nya yung sinasabi nya.

“we were still best friends there. How can you hate your best friend?” so ganun pala. I looked at the girl. She’s pretty, pero mukhang mataray at mayaman

“trust me, sometimes, you can”

“kayo rin ba?”

“nope. It’s a different story”

“must’ve been tough, huh?” nginitian ko lang sya

“must’ve been tough, huh?”

“mukhang okay ka naman na ngayon eh. Ano bang secrets ng mga babae sa topc na ‘moving on’?”

“I don’t know about secrets pero” itinaas ko yung picture nila nung ex nya “we don’t keep these things around, all-the-time”

“you’re suggesting na itapon ko yan?”

“hoy! Di ah! I am not telling you to do anything. You manage your own feelings kaya bahala ka”

“pero dapat itago ko yan sa hindi ko makikita?”

“feelings may come and go kapag nakakaalala ka”

“ahh… you’re jealous” nabitiwan ko naman yung picture.

“say what?!?! Ako??? Magseselos?? At bakit naman? Wala akong gusto sayo no!! asa ka pa!! ang kapal lang—“ hahampasin ko na sana sya kaso lang…

*ringggggggggggggggg* *riinggggggggggggggggggggggg* tumatawag si mother

“oh ma, nice timing!”

“bakit, anong meron? Asan ka na? nagcommute ka ba?”

“malapit na kami ma, may naghatid sakin”

“sinong naghatid sayo?” narinig ko namang tumahol si Aikin kaya inilayo ko yung phone sa tenga ko

“nakaspeaker phone ka ma? Ang sakit sa tenga ng tahol ni Aikin. Ilayo mo yung phone ma” tapos tumahol ulit si Aikin. Anak ng!

“sige, dito na tayo sa bahay mag-usap. Ingat kayo sa byahe!”

“aikin? Yung asong makulit? For a dog, that’s really a unique name”

“ah, binaligtad lang yun na combined names namin ni Nikko” sabi ko naman casually tapos bigla nalang akong natigilan  

“so… his name’s Nikko? Not bad” dumating naman na kami sa tapat ng bahay kaya pinatabi ko na yung sasakyan sa kanya. 

“yey! We’re here. Thanks ha!”

“at your service. I’m such a really good nurse!”

“asa ka! It’s your roommate, sya ang good nurse” bumaba na ako tapos lumabas naman si mama…with Carlos.

Nanlaki bigla yung mata ni Clarence pero parang wala lang kay Carlos.

“o Clarence, hinatid mo pala si Kaizen! That’s very sweet, thoughtful and kind of you” kinailangan nya talagang sabihin yung sa tenga ko no?

“ikaw pala itong si Clarence. Salamat sa paghatid sa anak ko. Gusto mo bang pumasok muna?”

“hindi na po, tita. Kailangan ko na rin pong umuwi” sinenyasan ko sina mama na pumasok na muna sa loob.

“you’re really surprising me. You actually never failed to surprise me.”

‘I’ll explain everything some other time. It’s not what you think”

“now you care about what I think. Kinikilig naman ako”

“HOY! ANG KAPAL—“

“on a Monday then, pagtapos ng shift. Looking forward to it, it’s a date” DATE?!?

“anong date ka—“

“oo nga pala, talk about keeping and not keeping memories. I think di lang ako ang kawawa. I think we both haven’t figured out how to forget them yet. It have this“ tinaas nya yung picture “you have your dog” then he drove off.

Geez this guy. Ang kapal na nga ng mukha at feel na feel pa maging feeler, tapos palagi pa akong kinokontra.

Ako? May gusto pa rin kay Nikko? Dahil lang sa nag-aalaga ako ng asong binigay nya? At ikumpara pa ang aso sa litrato nya??

You can’t just get rid of the dog. May buhay din yan.

Just as you can’t just forget the feeling, dahil naging masaya ka rin naman.  

I Haven't Gone Too Far (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon