Chapter 47

43 0 0
                                    

Maaga akong gumising the next day. Hindi naman na nagtanong si mama kung anong nangyari kagabi. Hindi ko na rin muna siguro sasabihin sa kanya kasi tama na yung stress na dala-dala nya sa ngayon sa paghahanda.

"Anak, buti naman at gising ka na. 10am tayo aalis ha. Tumawag na ako sa boutique na nirecommend ng Tita Cora mo, kumain ka na ng breakfast at maligo." pero diresto lang ako sa banyo nun

"hindi na ako magbebreakfast, kailangan ko ma ng lakas ng loob. WOOOOO!" tinawanan naman ako ni mama "hahabol lang ako ma, promise! may pupuntahan lang muna ako"

Hindi naman na ako sinagot ni mama. Binilisan ko naman yung paghahanda ko nun. Sobrang kabado na ako na hindi ko na kaya pang magpaganda man lang. Kung ano nga yung unang damit na panlakad na makita ko eh yun nalang agad yung sinuot ko. Lakas ng loob. Kailangan ko ng lakas ng loob!

9:30 palang ready na akong umalis.

"Saan ka pupunta? sigurado ka bang susunod ka?"

"sa gera ma. Sasabak ako sa gera. Susubukan ko nalang sumunod" nung maisuot ko na yung sapatos naglakad na ako palabas.

"Good luck, nak." feeling ko naman nagets na nya.

Naninigas na yung kamay ko sa nerbyos habang nakasakay ako sa tricycle. Maliban kasi sa malamig at bagong ligo pa ako, hindi ko pa rin alam kung anong sasabihin ko.

Nung makarating na ako sa Coffee Beans, nakita ko naman yung itsura ko sa salamin. Nakamaong pants lang ako, doll shoes na blue tapos black t-shirt na 'I love Palawan' ang tatak. Ngayon tuloy nagsisisi na ako kung bakit ba ako nagmadali.

Sasabak ako sa gera pero mukhang di naman sineryoso yung suot ko. Sige, bahala na sa convincing power ko.

Matapos kasi nung pag-uusap namin ni Tal kagabi, tinext ko agad si Nikko na makipagkita sakin kahit sandali lang dito sa Coffee Beans. 10:30 pa yung sinabi kong meeting time so may 30 minutes pa ako para pakalmahin yung sarili ko.

Sa totoo lang, sobrang hirap nitong gagawin ko. Pero wala naman talagang madaling gawin sa mundo, lalo na yung mga bagay na importante para sayo. Hindi mo naman nakukuha nalang yung mga yon ng basta-basta hanggat hindi mo pinaghihirapan. At dahil pinaghirapan mo, kaya sila mas lalong nagiging importante para sayo.

Mahirap ang pumili kasi naranasan ko na yan, pero kailangan kong ipagawa sa kanya ngayon. Masakit para sakin na papiliin yung taong mahal ko, kasi para sakin hindi naman na dapat, kasi ang alam ko, dapat ako, kasi dapat hindi ko ito kinaikailangang gawin. Pero hindi lahat ng dapat ay tama.

Dati akala ko kapag nagmamahal ka, lalo na kapag babae ka, ikaw yung princesa na pinagsisilbihan ng taong mahal mo pero mali ako. When you love, you don't only receive, you also give, equally. Sa kondisyon ko ngayon, tama na yung mga nagawa ni Nikko para ipaglaban ako. Tama na rin yung mga ginawa nya para mapatunayan nya na mahal nya ako. Kung sakaling tama man si Tal at nagbago na nga yung nararamdaman nya, edi tatanggapin ko, pero hindi nang wala akong ginawa. Sa tignin ko kasi kung talagang mahal ko sya, kailangan ko rin yung ipakita, kailangan ko rin yung ipaalam sa kanya, kailangan ako rin handang ipaglaban sya kahit na ikatalo ko pa.

Hindi nagtagal, dumating na rin si Nikko. Nataranta pa ako nun hanggang sa umupo na rin sya pagtapos nyang umorder. Nakatingin lang ako sa kanya. Una naman syang nagsalita

"Sinabi sakin ni mommy na sa June na raw pala ng kasal nina Tita"

"ah, oo. Pangarap kasi ni mama na maging June bride. Tsaka gusto nya rin kasing ikasal sa simbahan kung saan sila ikinasal ni papa"

"pero parang ang bilis naman ata? Less than two months lang yung preparation?"

"March pa raw sila nagsimula mag-asikaso ng mga documents so ayos na nila bago pa mag-april. Ayaw na rin ni mama yung bonggang celebration kasi matanda na raw sila para dun"

"I'm glad pumayag ka na rin"

"someone talked me into it" sya naman yung tinutukoy ko. Napangiti sya nun pero hindi na sya sumagot. "Pinuntahan ako ni Tal kagabi." lumingon sya sakin bigla. Gulat pa yung expression nya "sabi nya sakin nasabi mo na raw sa kanya. She also told me na hinid naman daw sya panghihinaan ng loob ng dahil lang doon. Nasabi nya na rin sakin na inaaya ka raw nyang sumama sa Manila sa kanya." ngumiti naman ako sa kanya "Pinag-isipan ko nang mabuti lahat at narealize ko na tanggap ko na lahat. Yung nangyari noon, at yung nangyayari ngayon, I know there's a reason for these. Kaya nagdesisyon na rin akong sabihin 'to sayo kasi siguro mas kaya ko nang harapin yung kung anuman yung magiging desisyon mo. Mahal kita, Nikko. Ay hindi, sobrang mahal kita." natawa naman ako sa sarili ko nun "ang tagal ko rin yang itinanggi sa sarili ko pero hindi ko na kayang itago eh. Mahal kita at gusto kong magsimula ulit kasama ka. Kakalimutan na natin yung lahat at susubukan ulit nating kilalanin yung isa't isa. Dati sabi ko parang hindi ko kayang mabuhay nang wala ka, ngayon sa totoo lang kaya ko na. Hindi man ako yung piliin mo sa huli, kaya kong pakawalan ka ng maluwag sa puso ko at walang pinagsisisihan kasi sinubukan kitang ipaglaban. I may be able to live by myself  now without you in my life but it'll be so much easier if you'll be there. Yan yung gustong gusto kong sabihin sayo dati pa man. At kung si Tal, hihintayin kang sumama sa kanya, kung sakaling ako man ang piliin mo, maghihintay ako kung saan una tayong nagkita, kahit gaano katagal." sinubukan nya namang hawakan yung kamay ko pero iniwas ko lang

"Kaizen--"

"wag, Nikko. Ayokong malaman. Bukas, bukas na."

"pero--"

"Makinig ka nalang please? Kung saan-saan ko hinugot lahat ng lakas ng loob na meron ako ngayon so please?" hindi naman na sya nagsalita nun. Tumayo na rin ako para umalis "sige pala, bye Nikko" ngumiti lang ako ulit sa kanya tapos binilisan ko nang lumabas ng coffee shop.

Good job, Kaizen! Now, good luck!

I Haven't Gone Too Far (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon