Chapter 9

66 0 0
                                    

Dalawang bus yung nirentahan ng university kasi sa narinig ko, may 90+ na students ang nakapagpalista para sa retreat. Sa laguna raw kami so isa’t kalahating oras din ang magiging byahe. 

Sampu lang kaming sumama sa section, at di pa kasama roon si Tal kaya naman di ko alam kung paano hahanapin yung mga yun sa sobrang crowded ngayon dito habang naghihintay pa kami sa iba pang mga estudyante.

“KAIZEN! Uy! Kasama ka rin pala?” nagliwanag bigla yung mukha ko nung makita ko si Ate Jam. Sa wakas may kakilala na rin ako.

“pinayagan ako ni mama eh! buti nalang ate nakita mo ako! para na akong timang na nakatunganga lang dito”

“wala kang kasama? okay pala eh! dun kami sa blue bus sasakay, magkakasama kami ng Continuum staffers. Andun din yung ibang DJ. Sama ka nalang” nakahinga talaga ako ng maluwag nang makita ko yung mga staffers and DJs. Nasa loob na sila ng bus at ang iingay pa nila.

“Kaizen! kasama ka rin? Uy cool oh!” nakipag-arpir lang sila sakin tapos sinali nila ako dun sa dugtungan game nila.

yun yung kakanta yung isa tapos titigil sya sa isang salita tapos yung katabi naman nya eh kakanta ng ibang kanta na yung simula ay yung huling salita na binanggit nung huling kumanta. 

humindi naman ako. Matagal na akong di kumakanta eh. Kinalawang na yung vocal chords ko.

Naghanap na ako nun ng mauupuan kasi lang di naman nila ako tinantanan. Hinatak lang nila ako dun sa second to the last row ng upuan at doon ako pinaupo, nagsiupuan din sila sa paligid ko kaya nailang ako bigla. Nung tumingin ako sa kaliwa ko, saka ko nalang nagets kung bakit.

Nakaupo sa kaliwa ko si Clarence. Natutulog.

“bakit andito to?” tumawa naman sila na may halong kilig pa.

“malamang magreretreat din. nakita din namin, hinahanap ka kaso lang sobrang inaantok sya kaya nakiusap na hanapin ka raw namin. Ewan nga at di ka nalang itext.” sabi naman nung senior ko.

“naku kuya, wala akong number nya and vice versa”

“ang weird nyo talagang dalawa. Ang cute DJ partners para sa listeners at and aso’t pusa para sa staffers. Grabe and lambingan nyo, di namin reach.”

“lambingan? with him?” umarte naman akong nasusuka.

sige, mamaya nyan malaman nalang namin kayo na!”

“oi! dear brothers and sisters, may that never come true, I, thank you! I really like him you know, gustong-gusto ko sya--” 

“well, I like you too” 

“UUUYYYYYYYY!! KAYO HAAA!!” kiniliti-kiliti pa ako nina ate Jam habang ginulo namna nila yung bagong gising na si Clarence.

yeah. gustong gusto ko syang itapon sa Mars!  

Nung napagod na sila kakukulit sa amin, sinimulan na nila yung game at nakitawa nalang ako sa kaingayan nila.

Nagsimula na yung byahe. Hindi naman kami nag-iimikan ni Clarance, hindi rin ako makatulog kasi nga nakakailang. Pero ang pinakaproblema ko talaga eh yung motion sickness ko na sa tingin ko ay nagsisimula na ngayon.

A candy would help right now. Kaso lang di ako makatungo kasi feel ko masusuka ako pag ginawa ko pa yun. pumikit nalang ako tapos sumandal sa upuan. 

“hey hey!” kinalabit ko si Clarence pero hindi sya sumasagot kaya inulit ko “hey!” pero wala pa ring response.

“Clarence? pwedeng favor naman o” minulat ko yung mata ko kaso lang pinigilan nya ako.

“sumandal ka lang muna dyan” sinunod ko naman. Naramdaman ko na umalis sya. Oo lang! sabing kailangan ko ng tulong dito, sir!

“kaizen” humawak sya sa balikat ko kaya tinignan ko naman

pakuha naman ng candy sa bag ko sa ilalim ng upuan o”

“inumin mo muna to. tama pala ang payo ng roommate ko na magdala ako ng gamot eh” ahhhh. kinuha nya pala yung gamit nya kaya sya umalis.

Tumabi na sya ulit sakin at inabutan pa ako ng mineral water.

“thanks” habang iniinom ko yung gamot sya naman nakatingin lang sakin na para bang binabantayan nya ako at baka mabulunan ako.

“bakit hindi ka nagsabi na nahihilo ka na pala?”

“akala ko kasi di naman ako mahihilo agad-agad”

“dapat kasi uminom ka ng gamot bago bumyahe”

“pasensya, Itay! nakalimot po!” tumawa naman sya nun at binigay sakin yung candy”

“may kailangan ka pa ba? food? ointment? sorry. wala akong alam sa ganito eh” natuwa naman ako sa concern nya.

“nope. okay na rin siguro ako mamaya. itutulog ko nalang to” tumango lang sya sakin nun then umupo sya ng maayos “salamat, Clarence ha”

“not yet.” tinap nya naman yung balikat nya at bumalik naman ako sa pagpikit nun.

not long enough, naramdaman ko na tinaas nya yung arm rest sa gitna namin, hindi ko nalang sya kinontra kasi wala ako sa mood.

Next thing I know, he grabbed my right hand kaya napatilt ako papunta sa kaliwa.

“oi! anong ginagawa mo?” tapos binawi ko naman yung kamay ko. Akala siguro nito tulog na ako ako gusto nanaman akong pagtripan

“hindi ka makakatulog ng ganyan, trust me” he grabbed my hand again. “you can rest your head on my shoulder para mas komportable ka” hinawakan nya yung right cheek ko gamit yung right hand nya tapos nilagay nya yung ulo ko sa balikat nya.

Nasa state of shock pa ata ako nun plus yung nausea na nararamdaman ko kaya medyo naglapse yung utak ko at after a few minutes pa ako nakapag-react.

“te--teka... Clarance” saka ko lang narealize na hindi ako makagalaw. He’s holding my right hand with his left tapos yung right hand nya naman eh nasa right cheek ko pa rin at para pa syang nakaakbay sakin.

in short, it looks like he’s hugging me.  

“kung sasandal ka, mas mahihilo ka. mababawasan na maramdaman mo yung paggalaw ng sasakyan kung ganito ka lang”

“hindi na. Okay na talaga ako” pero nafeel ko na mas humigpit yung hawak nya sakin.

“okay lang din” tapos bumulong pa sya pero dahil malapit yung ulo ko sa kanya narinig ko pa rin 

“okay na okay”

I Haven't Gone Too Far (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon