Chapter 14

69 0 0
                                    

“oi! Bestfriend. Ang tahimik mo ata?”

“kumain ka nalang dyan. Badtrip ako”

“Dahil kay Nikko?”

“kumain ka nalang”

“seryoso” hinawakan nya naman yung ulo ko nun para tignan ko sya “dahil pupunta sya mamaya sa vet at baka magkita kayo o dahil sa nakita mo syang may kasamang iba?”

“syempre dahil sa pupunta sya kahit na hindi naman sya invited. Aso ko naman na si Aikin, hindi na nya kailangang magkunwari pa na concerned”

“paano kung hindi sya nagkukunwari? Tsaka wala namang mali dun eh. Can’t ex-es be friends again? May pinagsamahan naman kayo ha. Tsaka nakalimutan mo na bang ikaw yung—“

“oo na, Wella! Hindi ko nakakalimutan yan. But I don’t think that ex-es can be friends again, at least hindi pa ngayon. And I’d be honest, hindi pa ako ready na makita sya.”

“akala ko ba nakamove on ka na?”

“well, alam kong hindi ko na sya mahal, pero kung wala na akong gusto sa kanya? Hindi ko sigurado. Pero hindi naman yun yung problema ko, hindi ko lang talaga alam kung anong gagawin ko oras na magkita kami. Maghehello ba ako? Makikipagkamay? Ngingiti? Ako bang unang magsasalita? Gets mo?”

Sumubo naman si Wella nun kaya tumango-tango lang sya sabay thumbs up. Nung malunok na nya yung laman ng bibig nya saka naman sya nagsalita. Parang nakonsensya ata bigla.

“Best, sorry ha! Parang ang insensitive ko kasi eh. Hindi ko man lang inisip yung nararamdaman mo. Ang tackless ko kasi e. Sorry bestfriend. Sige na, batukan mo na ako” natawa nalang ako sa kanya imbis na mainis. Alam na alam nya talaga kung paano ako mapapatawa.

“baliw ka talaga. Hindi bagay sayo ang drama”  

Pagkabalik namin dun sa vet, sinabi naman nung secretary na maghintay pa raw kami ng another 30 minutes kasi may biglang kumplikasyon daw na nangyari sa isang aso bago si Aikin. Akala ko pa man din makakaalis na agad kami rito hangga’t wala pa si Nikko. 

Hindi na ako mapakali nun lalo na’t alam kong any minute pwedeng dumating si Nikko. Nainis naman sakin si Wella pero dahil kasalanan nya tiniis nya nalang yung pagiging malikot ko.

Pero sabi nga nila may hangganan ang bawat pasensya, lalo na yung kay Wella. 

“IMA-MIGHTY BOND KO NA YANG PWET MO PARA NAMAN PUMIRMI KA NA SA IISANG UPUAN LANG!” nagtinginan lahat sa amin kaya hininaan nya naman yung boses nya. “Mas malala ka pa sa asawa ng buntis na nanganganak! Hindi ka naman mamamatay nang makita lang si Nikko. Hindi mo naman pwedeng iwasan yung tao habambuhay. Kung hindi man today, balang araw magkikita rin kayo. It doesn’t make a difference kung sakaling magkita man kayo ngayon o next year. Gustong mong makamove on completely? Well hindi mangyayari yun kung iiwas ka nang iiwas”

Natahimik lang ako nun at naupo sa upuan. Tama naman si Wella. Hindi na sana ako magtatatayo roon kaso lang nakita ko naman mula sa transparent glass si Nikko na paparating. Tumayo ulit ako at naglakad papalabas.

“oi! Kasasabi lang eh!”

“ano kasi… magc-CR lang ako” tinuloy ko na yung paglabas ko nun. Medyo malayo pa si Nikko pero alam kong nakita nya ako pagkalabas ko. Hindi ko naman na sya tinignan. Dumaan nalang ako sa opposite direction para hindi ko sya makasalubong. 

Total si Aikin naman yung gusto nyang makita, edi go. Sana lang pag nakita na nya umalis na sya.

Let me tell you something true. Maliban sa mga alalahanin na sinabi ko kay Wella, may isang bagay kasi na hindi ko na binanggit sa kanya dahil baka hindi rin nya maintindihan.

I Haven't Gone Too Far (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon