Chapter 32

40 1 0
                                    

Hindi ako makapagconcentrate sa pagbabasa ng script ko for that day. Naghalo halo na lahat ng mga iniisip ko. Nung binrowse ko pa yung script, I saw a familiar card in it. It was the one that Nikko put at my door one time. It says 'I LOVE YOU'. Kaya pala hindi ko makita kasi kinuha nya. Now I am even more distracted.

Ang ganda-ganda na ng plano ko para sa araw na to tapos bigla namang magkakaganito.

Kung kelan naman handa na akong pagtuunan ng pansin si Clarence, saka naman papasok si Nikko sa eksena.

Kung kelan desidido na akong magmove on, saka naman guguluhin ni Nikko yung utak ko.

Kung kelan naman handa na akong mahalin si Clarence, saka naman sasabihin ni Nikko na mahal nya pa rin ako.

Where should one put herself in a situation like this? And what the hell was he thinking? Asking me to choose between him and Clarence?

Eh sino bang dapat? Sino bang tamang piliin?

“Lord, help please.”

“why? Kailangan mo ng tulong sa pagkakabisado dyan sa script mo?” napastiff nalang akong bigla tapos ang bilis ng tibok ng puso ko. “Good morning, mahal” humarap naman ako sa kanya bigla

“Clarence…”  seryoso siguro masyado yung mukha ko kaya naman

“sorry, joke lang.” napangiti naman ako nun.

“nope, I mean to say, good morning din” ang taas naman ng ngiti nya.

“aaaa! I predict this day’s gonna be fun!”

“yeah…” binulong ko lang sana kaso napalakas ata at narinig ni Clarence.

“I think may problema ka. Meron pa naman tayong” tumingin sya sa relo nya “five minutes para isolve yan. What is it?”

“problema? I think I need less than 5 minutes to solve that. Later sir.” Tinignan naman nya ako as if naghihinala. Nginitian ko nalang sya para hindi na maghinala.

In the middle of the show, nagulat nalang sya nung bigla akong nag-announce na kakanta ako. Yes, I planned to sing for him. 

“Ang araw na 'to, ay araw mo,

Pagdating mo sa ating mundo,

Natatandaan, di malilimutan,

Kailan man, kailan man

Lahat nagbago sa araw na 'to,

Pagdating mo sa buhay ko,

Lahat sumaya, buhay ko'y nag-iba

Happy birthday

Ang saya ng mundo, ngayong ikaw ay narito, oh

I wish you a happy birthday

Ang araw na 'to, ay araw mo,

Pagdating mo sa ating mundo,

Natatandaan, di malilimutan

I wish you a happy birthday

Happy birthday”

“ehem.. ehem… Happy birthday, dear Clarence” tapos nagpalakpakan naman. Narinig ko na rin na may tao sa labas ng station namin kasi sobrang ingay talaga.

I Haven't Gone Too Far (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon