Chapter 48

49 1 0
                                    

Hindi naman ako makatulog ngayon. Pagkatapos kasi ng nangyari kanina tapos yung pwede pang mangyari bukas, gising na gising yung utak ko kakaisip sa lahat ng worst case scenarios na meron sa mundo. Nakutuban na rin ni mama na may pinagdadaanan ako sa ngayon kaya hindi nya muna ako kinukulit tungkol sa wedding voodoos nya. Tinatawagan naman ako nina Bianca at Wella pero wala talaga akong energy para makipag-usap sa kanila. Ayoko ring malaman nila yung plano ko para bukas kasi baka pigilan lang nila ako.

Nagpaalam na rin ako kay mama na mawawala ako ng buong araw bukas. 3pm pa ang schedule ng flight pero gusto ko nang pumunta doon ng mas maaga.

Hindi naman talaga ako sigurado sa kung anuman yung mangyayari pero may tiwala ako kay Nikko.

Past 4am na nung antukin ako and next thing I know, mataas na yung sikat ng araw.

"Anak? akala ko ba aalis ka? Tanghali na, bakit tulog ka pa rin?" napatayo naman ako bigla. Pagtingin ko sa desk clock ko 12nn na!!

Hindi ko na napansin si mama at dali-dali na akong naligo at nagbihis.

Sa dinami-dami ba naman ng oras na malelate ako ng gising, ngayon pa? Nung nakapaghanda na ako, nagvolunteer naman si Carlos na ihahatid daw ako, pero alam kong sinabihan sya ni mama para malaman nila kung saan ako pupunta. Humindi naman ako agad at sumakay ng tricycle. Ayokong may makaalam maliban sa amin ni Nikko. Ayokong mabago ng kahit na sino sa kahit na anong paraan yung desisyon ko ngayon. Maghihintay ako at aasa akong darating sya.

Now, it's my turn to wait for him.

***

Pagdating ko sa restaurant, tinanong ko agad kung may pumunta na doon na lalaki at naghanap sakin, sabi naman nila wala pa raw. Nag-order lang ako ng konting meal nun kahit na hindi ako nagugutom dahil sa sobrang kaba, kahit papaano kailangan ko ng energy para makapaghintay ng mas matagal.

Yes, nasa MunchPunch ako ngayon. Dito ko unang nakilala si Nikko. Bago man kami magkita sa school nun, una kaming nagkita rito, grade 6 kami pareho at isang table lang yung pagitan namin. Kasama ko si mama na kumakain habang sya naman sina tito, tita at Angel. Aksidenteng tumakbo nun si Angel papunta sa table namin kaya nung nadapa sya, itinayo ko naman agad. Doon ko nakilala si Nikko, I thought I've met him somewhere pero hindi ko matandaan, although hindi ko na rin sya masyadong pinansin. Kaya naman nung first day of classes nung highschool, namukhaan ko sya agad.

Para akong sira roon na patingin-tingin sa paligid at tingin ng tingin sa relo ko.  Pakiramdam ko nga lahat ng tao rito eh pinaghihinalaan na may masama akong balak. Pero wala naman akong pakialam sa kanila, masyado nang pre-coccupied yung utak ko para alalahanin pa yung kung anuman ang iniisip nila tungkol sakin. Kinausap ko na rin yung mga waiter na magtatagal ako rito, nung una ayaw pa nilang pumayag pero nung nakilala ako ng isang waitress at sinabi na matagal na raw akong customer, saka naman sila pumayag.

Nakakailang baso na ako ng tubig pero ang bagal ng takbo ng oras, 2pm palang.

Sa ganitong pagkakataon pala talaga, kahit sino mapaparanoid. Darating ba sya o hindi? Kahit na sobrang fixed na ng desisyon ko kanina, sobrang tempted pa rin ako na isipin na baka hindi ako yung piliin nya.

Nung makita ko na 10 minutes nalang at 3pm na, sobrang bilis na ng tibok ng puso ko. Nanlalamig na rin yung kamay ko. Siguro nga masyadong obvious yung kaba ko kasi nilapitan naman ako nung waitress na nakakakilala raw sakin.

"Ma'am, okay lang po ba kayo? namumutla po kayo"

"kinakabahan lang kasi ako. Pahingi nalang ng tubig, please?" agad naman nya akong binigyan ng tubig.

"wala na po ba kayong ibang kailangan?" umiling nalang ako. Nakita ko naman na Michelle yung nakalagay sa name pin nya "Thanks, Michelle"

"walang anuman po. Hindi naman po sa nakikialam ako pero may hinihintay po ba kayo?"

"ah, oo."

"parehong lalaki po ba?" nagulat naman ako sa sinabi nya "dati po kasi palagi rin kayong may hinihintay, tapos umuupo rin kayo sa parehong table so naisip ko baka sya pa rin"

"oo, nakakatawa nga kasi sabi ko dati hindi na ako maghihintay pa ulit sa kanya. Pero few years after, ito ako. In the Same place, same table waiting for the same guy. Siguro dapat na rin to para hindi na bago sakin kung sakaling hindi man sya dumating"

"Malay nyo po dumating sya. Things don't happen the same way twice." ngumiti lang sya sakin.

"thank you" dahil sa sinabi nya, mas gumaan yung pakiramdam ko at hindi na ako masyadong tensyonado.

3pm na. Nilibot ko lang yung paningin ko pero wala pa rin akong nakikitang Nikko.

4pm. Wala pa rin sya

5pm.

tinatawagan na ako ni mama. What now? Kung sakaling umalis man sya, baka nasa Manila na sya sa oras na to. Game over na ata talaga, Kaizen.

Sunod-sunod namang nagtext sina Wella, Bianca at Mama. Pareho-pareho naman yung laman ng messages nila.

'umuwi ka na bestfriend'

'kaizen, where are you? You should go home how'

'anak, umuwi ka na'

Nung nainis na ako kasi tawag sila ng tawag, sinagot ko naman na.

"Wella, ang kulit mo"

"I don't think staying there is a good decision, Kaizen. Kung nasaan ka man. Pwede ba umuwi ka na. Nag-aalala na kaming lahat dito o."

"Ayoko, mahihintay ako kay Nikko rito" bago pa man sya makasagot, binaba ko na agad yung phone tapos pinatay ko na yung cellphone ko. Should've done this kanina pa. Oh well.

6pm na pero wala pa ring Nikko. Nagsisimula na akong madisappoint. Nakatungo nalang ako nun. Ayoko nang tumingin sa paligid ko.

"Excuse me, ma'am?"

"kuya, wala akong order"

"kahit po merienda? mukhang di pa po kayo kumakain eh. Parang kanina pa po kayo naghihintay, paano nyo naman po nasigurado na darating pa yung hinihintay nyo?" nainis naman ako. Pakialamerong waiter to ah!

"eh sa alam kong darating sya" With matching mataray na expression at nakakatunaw na tingin, tumingala naman ako "paano mo naman nasabing mali a--"

.................

.............

.........        

....

..

.

heart literary skipping beats? totoo.

"you silly" nakangiti lang sya sakin. Hindi ko na nacontrol yung sarili ko. Niyakap ko naman sya agad. Tuloy-tuloy na rin yung pag-iyak ko nun.

Dumating sya, dumating si Nikko.

I Haven't Gone Too Far (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon