Chapter 37

45 0 1
                                    

It's officially summer for me!! Kaso lang medyo boring yung summer ko kasi nasa loob lang ako ng bahay these past few days. I stopped seeing Nikko kasi naawa na rin ako sa sarili ko and I did the right thing. I can say I am sane again. And in three days, uuwi na rin kami sa province.

Si mama naman, medyo creepy for the past few days. Masyado syang nagiging magugulatin at palaging tulala, actually, pareho sila ni Carlos. Nung una aminado akong nanghinala akong buntis si mama, pero sinigawan ba naman ako at sobrang bata ko pa raw para mag-isip ng ganung bagay.

Madalas ko na ring nakakausap si Wella at finally eh nasabi ko rin sa kanya yung lahat ng nangyari. She was shocked at first kasi hindi talaga sya nakaimik for two minutes over the phone. But after that, she kept on asking me about how I am handling things. I told her I don't think about it too much coz it is really making me sick.

"so give up ka na? Akala ko pa man din si Clarence na yung pipiliin mo"

"I actually did. Naiba lang nung last minute na"

"can you go home already? alam kong kailangan mo ng warm hug ko"

"no thanks, Clarence did that for you already"

"hoy lalakero ka! Pinagpapalit mo ba ako sa taong kakakilala mo palang?"

"selos ka! hindi ako pumapatol sa tomboy!"

"I love you bestfriend"

"ANAK! MAY BISITA KA!"

"I love you too, manyak. Sige, may naghahanap ata sakin sa baba"

"baka si Mr. Right na yan. Sige, hindi na kita aabalahin! Babush!" Nagmadali naman ako sa pagbaba. I am still on my pajamas at 2pm, who cares?

Nung makarating na ako sa may hagdan binagalan ko naman na yung lakad ko. Kala ko naman kung sinong importanteng dumating.

"O? naligaw ka ata?"

"Pajamas? talaga?"

"summer attire ko to, tara nga sa kwarto. Naglilinis pa si mama eh" Sumunod naman sya sakin. "kung mangungutang ka, wala akong pera"

"I haven't seen you around lately"

"TADA! Welcome to my room!"

Nilibot nya naman yung tingin nya sa paligid. "okay, I'll give you time to be amazed"

"wow, babae ka ba talaga? ang kalat ng kwarto mo"

"Baliw! Nag-iimpake ako malamang! Three months din akong mawawala so kailangan itago tong mga gamit para hindi bahayan ng alikabok"

"Kelan ka aalis?" bigla namang naging malungkot yung aura nya

"Hoy, Clarence Jayson Bautista, anong drama yan?"

"is there a chance that I can spend summer with you?" ang taas pa ng ngiti nya. Para bang asong naglalambing.

"none" sagot ko naman agad ng hindi mang lang humihinga.

"ouch! hindi mo man lang pinag-isipan?!?"

"you told me you're going to states this summer. Wag ka nga!"

"so nalulungkot ka?" asar nya naman sakin "uy! uy! gusto nya akong makasama! yeeeha! kinikilig ako"

"nakakalimutan mo ata kung nakaninong bahay ka? I can make your death look like an accident" Binato nya lang ako ng unan.

I Haven't Gone Too Far (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon