Chapter 40

44 0 1
                                    

Dumating kami sa camp ng medyo maaga, 7PM pa kasi ang opening pero sobrang naiinip na kami sa bahay kaya kahit 4PM palang andito na kami. Nagtext lang ako kay mama na mawawala ako for a while para iabsorb lahat ng mga pangyayari.

Nakakatuwa ngang makita yung mga dati naming kaklase. As usual, sobrang kukulit pa rin nila. Sama-sama pa kami habang tinitignan yung mga estudyante kasi hanggang ngayon may klase pa rin sila. Tumawag naman samin si Bianca at papunta na raw sya. Hindi pa makapaniwala yung iba na si Bianca yung kausap ko at na kinausap ko nga sya hanggang sa dumating na nga mismo si Bianca at tumabi sakin.

Magsisimula naman na daw yung camp with a bonfire in a while kaya inayos muna namin yung tents namin.

"Ang laki naman ata ng tent mo, Bianca?" sabi naman ni Wella habang pinapanood kaming nahihirapang magtayo ng tents.

"at ang liit ng tent nyo" joke nya naman samin.

"maglalagay sya dyan ng closet tapos bathtub, wag ka nga" gatong ko naman.

"actually, hindi. Syempre, tatlo ang matutulog dito, kailangan kasya tayo" napatingin naman kami sa kanya ni Wella

"tayo? ito ang tent namin."

"nope, ito" tumayo naman nun si Wella tapos nameywang sa harap ni Bianca.

"lumalabas na ba yung kontrabida side mo ngayon?" tinawanan naman sya ni Bianca nun. "at tumatawa ka pa ngayon. Nice play!"

"you are paranoid, Wella. Dito tayong tatlo matutulog, may ibang matutulog dyan sa tent nyo" Tapos may tinuro naman sya sa likod namin.

"you've got to be kidding me!" syempre nagwalk out ako.

"hey, Kaizen! Wait!" Sigaw naman ni Wella pero tuloy-tuloy pa rin ako sa paglalakad nun hanggang sa naabutan nya ako tapos tumayo sya sa harap ko at hinawakan yung mukha ko.

"bakit andito si Nikko?!? Sabi nyo hindi sya pupunta?!?"

"anong 'nyo'? si Bianca lang yun! Tsaka hindi naman masama na nandito sya" binitiwan nya naman ako nun tapos ngumiti sya ng nakakainis

"gosh, wala talagang makakapigil sa inyo no?" umiling sya. Hinampas ko naman tapos naglakad na kami pabalik sa tent.

Naabutan ko naman sina Bianca nun. Nakangiti pa ang bruha nung nakita kaming papunta sa direksyon nila. Tinaas ko naman yung fist ko dahil patay talaga sya sakin mamaya.

"Nikko! Nakapunta ka! That's good!" siniko ko naman pasikreto si Wella.

"Bianca insisted. Sa tingin ko rin makakatulong to sakin"

"Paano si Tal?" tanong ko habang nag-aayos ako ng gamit.

"hindi naman sya alumna ng school so hindi sya pwede sumama" sabi naman ni Bianca agad.

"yeah, I guess I have to check on her for a while. Excuse me" tumayo naman nun si Nikko at naglakad palayo tapos nagdial sa phone nya.

"hmmm... baka masunog yan. Ingat" sabi naman ni Wella.

"don't worry. Nagsuggest ako ng 'no phone' policy so last na yan" sabi naman ni Bianca.

Lord, hindi ko na po alam ang gagawin. Tulong please!!

Di rin nagtagal tinawag na kami para sa campfire. This is a student organized event kaya naman medyo carefree kaming lahat. Si Laya naman ang nagfacilitate ng lahat kasi sya yung Student Body Government President ng batch. Si Rico naman na boyfriend na pala nya, yung isa sa mga breakdancer sa batch kung matatandaan nyo yung nagpaapoy nung bonfire. Sinabi na rin naman ni Laya yung mga gagawin namin for the next days. Tomorrow's campus demo kung saan pupunta kami sa mga classroom at org rooms ng past organizations namin para magpakilala sa mga bagong member at students. Then the free day para makapagcatch up kami sa isa't isa, tapos yung culminating activity sa last day.

I Haven't Gone Too Far (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon