Epilogue

113 5 3
                                    

The big day has come! Ikakasal na ang mama ko mamaya.

Sa totoo lang, parang mas kabado pa ako sa nanay ko. Hindi nanaman ako makatulog kagabi kaya pakiramdam ko may sobrang laki akong dalawang itim na bilog sa mata. Bago pa man ayusan si mama, may last destination muna kami. Kasama si Nikko kasi part na raw sya ng family, pinuntahan namin ang pinakaunang lalaking minahal ko at patuloy kong mamahalin ng sobra-sobra.

"Pa! Ikakasal na ulit si Mama! Kahit na weird kung sasabihin ko na sana andito ka, well... sana andito ka. I miss you so much, Pa. I-highfive mo ako kay God dyan ha. Tsaka si Nikko, multuhin mo kung sakaling maisip nyang saktan ako ulit." tumawa naman sina mama. Kinausap lang nilang dalawa ni Carlos si papa habang inobserbahan ko naman si Nikko. Masyado kasi syang tahimik at nakatingin lang sya sa lapida ni papa.

"uy! anong iniisip mo?"

"Shhh... kinakausap ko si Tito"

"hahahahaha! You seemed... nervous?"

"tara nga rito" inakbayan nya naman ako "Tito, ngayon hawak ko sa tabi ko yung babaeng pinakamamahal nating dalawa." nakatingin lang ako sa kanya "Mahal na mahal ko po ang anak nyo kaya sana po payagan nyo ako, sa tamang panahon, na patunayan ko pa kay Tita, Tito Carlos, Kaizen at sa inyo kung gaano ko sya kamahal gamit yung lahat ng natitirang araw sa buhay ko. I want to marry your daughter, once I made myself the perfect man for her, I will marry your daughter. Pero ngayon, sana po pumayag kayo pati na rin sya, na maging boyfriend nya ako"

"ako hindi mo tatanungin" sabi naman ni mama

"at pati rin ako?" sabi naman ni Carlos

Tinawanan ko naman yung expression ni Nikko kasi magkahalong kaba at hiya siguro yung nararamdaman nya.

Bumalik naman na kami sa hotel nun para magpaayos. Natapos naman ako agad ayusan kasi pag masyado nila akong pinaganda edi matatalbugan si mama, unfair yun! Pagtapos kong maihatid si mama sa Bridal Car, sumakay naman na ako sa kotse kasama nina Nikko. Kailangan kasi mauna kami sa simbahan. Tinignan lang ako ni Nikko pero hindi naman nya ako inimik kaya hindi ko rin sya pinansin. Kinakabahan ako kaya mababawasan sana kung kakausapin nya ako pero parang ayaw nya naman so wag nalang.

Nung malapit na kami sa simbahan saka nya naman ako kinalabit.

"pusa lang? pakalabit-kalabit lang?"

"sorry" pasimple naman syang umakbay kaya nagparinig naman sina Bianca.

"hoy ha! hindi nyo wedding, wag mang-agaw ng spot light" sabi naman ni Bianca. Wala lang imik si Wella sa tabi.

"ang ganda mo kasi, natulala lang ako for a while" patago naman akong napasmile. Kasi medyo gasgas na iba pa rin talaga pag galing sa kanya.

Sa simbahan, habang naghihintay kami kay mama, nilapitan ko nalang si Wella

"Anong problema? Bakit parang lamay ang pinuntahan mo at hindi kasal?"

"sa lahat ng bridesmaid, ako lang ang walang kapartner. Forever alone na talaga. Tapos kayo pa ni Nikko, masyadong nilalanggam"

"I told you I got that part covered, o nakalimutan mo?"

"anong sinasabi mo?"

"may partner ka" tumingin naman ako sa mga escorts. "special delivery yan, express. So take care of him for me, okay?" sakto namang napatingin si Clarence sa side namin, lumapit na rin sya.

I Haven't Gone Too Far (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon