Chapter 31

51 0 1
                                    

It took me minutes para lang mapakalma yung sarili ko. Kaizen Guia Santiago, wala lang yun! Sudden burst of emotions. Yeah...

Binilisan ko namang lumabas ng restroom kasi baka may kung sino pang makakita sakin at isipin pa nilang nababaliw ako. Well, sa tingin ko naman din kasi eh nababaliw na talaga ako.

"How are you feeling now?" halos mapatalon ako sa sobrang gulat ko kay Clarence.

"What the--??!?"

"kumusta ka na?"

"why are you here?"

"nakita kitang tumatakbo papunta rito, I thought something's wrong. And something is." lumapit naman sya nun sakin "you know what, know that you can always count on me. And now, I'm going to hug you, not for my pleasure, but for your comfort"

kahit na ang hirap pigilan nung pag iyak ko nagawa ko pa rin syang taasan ng kilay

"syempre it's for my pleasure as well. Sinisira mo yung momentum eh" tapos hinila na nya ako at niyakap. Tuloy-tuloy nalang yung pag-iyak ko nun.

Clarence knows me too well. Alam nya kung paano ako mapapatawa, mapapatahan. Alam nya kung kelan ako masaya, at kung kelan may problema. I did not realize this until now. But I think people are right when they say soulmates exist.

Mine's hugging me right now.

***

"So anong balak mo sa Monday?" tanong naman sakin ni Ate Jam nung nakita nya ako palabas ng building

"Monday? the usual. Papasok ako ng maaga para sa station duty."

"You're not planning anything special?"

"what do you mean?"

"Birthday ni Clarence sa Monday. Don't tell me nakalimutan mo?"

"I didn't know. Oh my."

"Buti nalang pala nakasalubong kita. Oh well, goodluck lovebirds!" tinapik naman nya ako sa balikat saka sya umalis.

So birthday ni Clarence sa Monday, ano bang pwedeng iregalo?

"ang matamis mong oo" sabi naman ni Wella

"yourself" that's according to Carlos

"sagutin mo na yung tao" sabi naman ni Tal.

then I went to the last person I'd ever want to ask

"roommate mo sya eh, sa tingin mo ba anong hilig nya?"

"you already know the best gift you can give him, Kaizen. That is if, you really want to give it." sabi naman sakin ni Nikko habang nakatingin pa sya sakin.

"it's kinda creepy. Lahat ng tinanong ko yan yung sagot. I think it's unanimous. Did Clarence talk to you guys?" tapos pineke ko naman yung tawa ko. Nagsmile lang sya then tumungo. "o sige pala. Bibili na ako ng malaki-laking gift wrapper" joke ko naman pero mas lalong naging awkward. "thanks, Nikko... bye"

"t-teka, Kaizen!" napahinto naman ako. Pero nakatalikod pa rin ako sa kanya "k-kasi... yung... kung..."

"ano yun?" sabay humarap na ako sa kanya. Nagulat ata sya kasi napaatras sya bigla.

I Haven't Gone Too Far (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon