Chapter 23

71 0 0
                                    

“Bro, pahiram muna kay Kaizen ah! Magdedate lang kami!” napatingin naman ako kaagad kay Clarence, tignan mo to, kung ano nanaman ang iniimbento.

“hoy! Anong date ka dyan?? Tsaka bakit ka nagpapaalam? Lumapit na nga ako sayo. Ikaw ha! May atraso ka pa sakin! Hindi pa kita nabubugbog!”

“what? Mukhang intense yung pinag-uusapan nyo eh. Diba, aikin nakita mo rin?” tinahulan naman sya ni Aikin. 

“see? Pati yung aso disagree sayo!” binuhat ko naman si Aikin

“saan ka galing? Buong hapon mo ata kaming tinaguan? Yan tuloy ako lang yung nasabon ng mga tanong. LALO NA NG MAMA MO” napahinto naman ako agad

“omg, si mama”

“don’t worry, I told her the truth. Kung may pagsisinungalingan tayo, it definitely should not be your mom” ngumiti naman ako

“sa lahat ng kalokohan mo simula nung dumating ka rito at ginulo yung Christmas vacation ko, finally you’ve done something right. Congrats!” 

“aba syempre! Clarence ata ang pangalan ko” sabay akbay nya sakin. “so date tayo?”

“haha! Asa ka, tigilan mo nga ako!” tinanggal ko naman yung kamay nya sa balikat ko. 

you owe me one date, remember? On a Monday after shift? Well why not do it now? Hindi man after shift, Monday naman” tumaas taas pa yung kilay nya. 

“NO! tsaka anong I owe you one? wala akong natatandaan na pumayag ako dyan okay?”

“sabi mo ieexplain mo yung tungkol kay Dr. Mattias and your mom?”

“Chismoso ka talaga no?”

“Look, it’s gonna be really weird kung magdedate tayo pero hindi naman tayo. But since girlfriend kita hanggang bukas, I wanna make the most of it.”

“fine, I’ll explain pero sa resto and bar nalang sa tapat ng inn, and it is not a date!”

“date isn’t just about romantic going out, it’s any kind of appointment with someone” 

“whatever, Mr. Dictionary” tumawa lang sya sakin.

***

“bakit dito mo gustong makipagdate sakin?”

“isa pa talagang sasapakin na kita!”

“ang init ng ulo nito. Try mong makijive kaya?”

“asa ka! Masarap daw yung Chicken Kebab nila rito. Tsaka ayan o! live acoustic band!”

“narinig ko nga na may open mic dito starting 7pm. 10 minutes nalang. Kakanta ka ha”

“no! I’m afraid you’re missing the point of why we’re here” ngumiti lang sya sakin

Nag order muna kami ng food. Libre nya raw kaya go lang! Habang naghihintay kami sa food saka ko naman sinimulan yung kwento ko.

teacher ko si Carlos nung highschool ako. Sya rin yung adviser ng club na sinalihan ko. Without me knowing, he and my mom were old aquaintances back in College. Nung isang araw na nagkaroon kami ng camping at inihatid ako ni mama, she and Carlos met. Pagtapos nun, syempre my mom had to pick me up after school so minsan nagkikita sila ni Carlos. One day sabi nalang sakin ni mama na gusto na nga raw manligaw ni Carlos sa kanya, I was in second year highschool that time”

I Haven't Gone Too Far (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon