Chapter 7

86 0 0
                                    

Sa buong shift namin, inoobserbahan ko lang yung sarili ko. Pinapakiramdaman ko kung paano ba talaga ako makitungo sa kanya nang hindi nagpipilit na magpakabait. I notice myself pulling away whenever I’m close to giving up being rude to him. Is this some kind of a disorder? 

“disorder? Ano? Psychological ba yan o physical?”

“psycho-emotional”

“ano ulit tawag mo?”

“Male-repulsive disorder” tumawa naman sya ng sobrang lakas nun. “hala ka! Baliw lang? hoy Carlos, ano sa tingin mo?”

“kaizen, doctor nga ako pero ng philosophy hindi medicine. At may kung anong disorder ka pang sinasabi”

“sabihin mo nalang kasi kung napapansin mo rin yun!” nagcross arms naman sya tapos tinignan ako na parang ine-x-ray nya yung buong katawan ko.

“di yun disorder” napatayo naman ako nun sa upuan ko tapos tumabi ako sa kanya. 

“TALAGA? TALAGA?” ang taas pa ng ngiti ko.

“man-hatter ka. Yun ang tamang tawag dun” hinampas ko naman sya pero mahina lang.

“pare-pareho kayo. Ako ba talaga eh pinagtutulungan nyo?” umakbay naman sya sakin nun na parang may boring na lesson for life nanaman syang ililitanya.

“accept the truth, kaizen. Sinasabi mong iba ang nakikita namin sa nakikita mo, diba? Kasi ikaw lang ang nakakakita ng nakikita mo. Why? Kasi yun yung gusto mong makita” medyo matagal naman bago ko naabsorb yung sinabi nya. 

“so yung nakikita ko slash gusto kong makita eh iba sa dapat kong makita?”

“sakto!” medyo naguluhan naman ako bigla sa sinabi ko.

“what?” hinawakan nya naman yung ulo nya na para bang binibigyan ko sya ng sakit ng ulo.

“o sige, ganito nalang. Bakit ayaw na ayaw mo kay Clarence? Dahil ba sinungitan ka nya nung una kayong nagkita? Nilait? Or what?” inisip ko naman kung anong nangyari nung una kaming nagkakilala.

“actually, hindi nya ako sinungitan”

“pero?”

“but he said something like ‘can I change partner?’ “

“and you hated him for that?”

“syempre! Nandun ako nung sinabi nya yan sa board. Kapal ng mukha!”

“hindi mo tinanong kung bakit?”

“hindi naman kami close para magtanong ako. Isa pa, that very moment, ginusto ko na rin na hindi sya yung makakapartner ko”

“see? Instead of asking before suspecting, you took it negatively that very instant. Hindi ka naman ganyan ka narrow-minded noon ah. I know a lot of judgementals, you were not one of them. Asan na yung kaizen na nakilala ko na sobrang optimistic?”

“eh ano pa ba ang pwedeng ibigsabihin ng sinabi nya maliban sa ayaw nya sa kapartner nya?”

“let’s see. Marami. Maybe kasi nahihiya sya sa babaeng kapartner nya? Maybe kasi hindi sya available that time? Maybe he’s more free on other days? Maybe he’s like you na umiiwas sa opposite gender? Maybe—“

“okay! I get it” lumipat naman ako ulit sa upuan sa harapan ni Carlos. “Enlighten me more”

“You know yourself more, Kaizen. Alam kong nakikita mo rin yung mga bagay na to pero hindi mo lang pinapansin. You just needed people to tell you to wake up. Now you’re wide awake. Ang natitira nalang para sayo na gawin eh yung tulungan yung sarili mo na bumangon. I won’t tell you to just trust everyone but I have to say that you should never forget to trust people”

I Haven't Gone Too Far (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon