Chapter 39

39 1 1
                                    

Dapat ko bang isisi kay Tal na sya yung inaakala ni Nikko na ako? Hindi ko kasi alam kung paano ako dapat magreact eh. Ito na ba yung sinasabi ng lahat?

Hindi naman ako naglalalabas ng bahay after nun sa kabilang banda, sina Bianca naman at Wella yung nadadalas na pumupunta ng bahay. Nagtaka nga si mama kasi okay na pala raw kami ni Bianca after nung nangyari pero sinabi ko naman sa kanya na binibigyan ko lang ng second chance na maging kaibigan ko.

"kahit anong gawin nyo, hindi na ako dadalaw. Ayoko na. Tutal hindi naman ako yung hinihintay nya, edi bakit ba natin pagpipilitan, diba?"

"magsisimula nanaman ba tayo dyan, Kaizen?" Tinaasan ko lang si Wella ng kilay.

"Look, I know how much he loves you. Hindi yun basta-basta nalang mawawala nang dahil lang sa nagkaamnesia sya" dugtong naman ni Bianca.

"guys, remind me again why you're here? Kasi ang alam ko nagpapahinga ako at naghahybernate kasi nga summer." nagtakip naman ako ulit ng kumot. Ang aga-aga nanggugulo eh.

"Look, alam ko wala ako sa posisyon para sabihin 'to at hindi na rin dapat balikan pero kailangan mo lang talaga malaman siguro"

"be delicate. Andito ang bestfriend, at under-observation ka pa" joke naman sa kanya ni Wella.

"Nung hindi pa kayo naghihiwalay ni Nikko, nung mga araw na yun" nagets ko naman na yung tinutukoy na eh yung time na sinisiraan nya ako kay Nikko "tuwing pinag-uusapan ka namin, hindi maalis yung ngiti nya. Para bang paulit-ulit syang nananalo sa lotto tuwing binabanggit nya kung gaano ka nya kamahal. It made me envy you more. Tapos nung nagbreak kayo, kahit na sabihin nyang galit sya sayo, he can't. Tuwing nakikita ka nya, para syang napapako sa posisyon nya, gustong-gusto ka nyang yakapin at sabihin na mahal ka pa rin nya at wala syang pakialam sa kung anuman yung nangyari pero hindi nya magawa kasi alam nyang nasaktan ka nya. That very night when he told you it's over, gusto nyang tumakbo papunta sayo para lang bawiin yun. He told me that losing you was his biggest mistake." tahimik lang kami nun. Wala akong masabi. "ikaw? would you also commit the same mistake and regret it after?"

"But I cannot just depend on those feelings anymore, can I? Sige, sabihin na nating ganyan nya nga ako kamahal, pero ano rin ngayon? Don't you think I'm just hurting myself by knowing all these? Kasi umaasa ako eh. Tuwing nakikita ko sya, bitbit ko lahat yan, pero ang problema, hindi nya nakikita. Kasi hindi nya alam. kasi hindi nya maalala. Ngayon masisisi nyo ba ako kung sasabihin kong ayoko na? Kasi ang sakit-sakit na." nanlalabo na yung paningin ko dahil sa luha.

"Then iwan mo sa susunod. Bestfriend, ano rin kung nawala lahat ng memories nya? Wala namang rules na nagsasabing hindi kayo pwedeng magsimula ulit at gumawa ng panibago, hindi ba?"

Gusto ko silang sigawan nun pero hindi ko magawa kasi naiintindihan ko naman yung point nila. Ayaw nilang masayang kami. Ayaw ko rin naman pero pagod na kasi talaga ako. Sa dami na ng nagawa ko, siguro naman pwede na akong sumuko.

Wella and Bianca stayed for dinner kasi nagluto si mama ng sobrang dami, then I figured anniversary pala nila ngayon ni Carlos kaya may mini celebration. Nangako naman sina Bianca na hindi na nila ako kukulitin ever again tungkol kay Nikko kaya pumayag na rin akong magstay sila. Unfortunately, nakahanap naman sila ng ibang topic.

"Hindi mo pa nabubuksan yung sulat?!?! Don't tell me you do not know anything about what's happening tomorrow?" tinaasan ko lang si Wella ng kilay. Lately, nagiging sobrang galing ko nang magtaray!

"are you kidding me? open it" tinapon naman sakin ni Bianca yung sulat. Binuksan ko nalang para matapos na.

"Ms. Santiago, you are cordially invited to Batch 20**'s first reunion camp t--" tumigil naman ako sa pagbabasa nun "this is tomorrow?" nagroll lang ng mata yung dalawa. "nope, I'm not going"

"excuse me?!?"

"hindi nga ako pupunta" binato lang ako ni Wella ng libro na hawak nya. "ayokong pumunta, akala ko ba nagkasundo na tayo na titigilan nyo na ako"

"hoy, Kaizen. May amnesia yung tao. Sa tingin mo pupunta yun? At wag ka ngang KJ masyado!! Palagi ka lang nakakulong dito sa bahay nyo, summer te, baka nakakalimutan mo lang."

"I'd rather be here. My final answer's no. Gutom lang yan, guys. Tara at kumain na tayo"

wala naman na silang magagawa nun. Sayang lang sa oras at pera yung camp na yun. Mapapagod pa ako.

During dinner, sobrang tahimik ng mga tao kaya kinabahan naman ako. Akala ko pa may kung anong kalokohan silang balak sakin kasi parang nagkakaintindihan sila sa tingin lang. Until nagsalita na rin finally si mama.

"Anak, may gusto kaming sabihin sayo" then lalo akong kinabahan.

"wait, ma. Is this something that I want to hear? kasi kung hindi, okay lang naman kung tahimik nalang tayo the whole dinner"

"Hindi ko alam kung gusto mo itong marinig pero dapat mong marinig" tinakpan ko naman yung tenga ko

"oh, no. No, not again. Buong araw na akong kinukulit ng dalawang 'to, wag na ma please"

"it's not what you think"

"no, sa tingin ko alam ko kung ano--"

"Carlos and I are getting married"

.....

....

...

..

.

I choked on the food.

"kelan pa? Kelan pa kayo engaged?"

"Three weeks ago."

"so this is that something important that you were telling me? and this is why we had to go home? Bakit ngayon nyo lang naisipang sabihin?"

"you have a lot going on in your life"

"so you find it helpful if you delay the news because it might make everything less heavy? and what was that? you are getting married? Oh I get. You don't need my permission anymore, do you?" tumayo naman ako nun "busog na ako." dumiretso nalang ako sa kwarto. Di nagtagal, pumasok naman sina Wella sa kwarto ko.

"I was expecting to see you crying" sabi naman ni Wella.

"ha-ha. Nakakatawa"

"what was that? Hindi ako expert sa family issues pero alam ko na mali yung ginawa mo, Kaizen. And I know you know it too. So ano ba talagang problema? Bakit ganun naman kaharsh yung naging reaction mo?"

"Alam mo, ayoko munang pag-usapan yan" tumayo naman ako at nagpack ng gamit ko.

"hoy hoy! ganun lang maglalayas ka na? Bestfriend mo ako pero hindi ko itotolerate to"

"ang drama mo! I need sometime to think okay, sa inyo nalang muna ako matutulog"

"Eh bakit sobrang dami ng dala-dala mo?"

"we have a reunion camp for the next 4 days, don't we?" ngumiti lang sila sakin.

Tama 'to. I have to distract myself first from all the troubles I am in.

Let's do this.

I Haven't Gone Too Far (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon