Chapter 28

72 0 1
                                    

Chapter 28

“You look—“

“like a zombie? Yeah, don’t mention it.” Yan agad yung bati sakin ni Clarence pagkakita nya sakin sa booth

“I was gonna say you look so gorgeous, but then now that you said it, what’s the problem, mahal ko?”

“Wala. Hindi lang ako makatulog ng maayos this past few days”

“bakit? Kasi weekend?”napasimangot naman ako.

“labo mo, ano rin naman kung weekend?”

“syempre hindi mo ako makikita, that’s why” tapos ang taas pa ng ngiti nya. Mga banat talaga ng taong to minsan pilit na pilit eh

“ang korni mo! Hindi ka nakakatulong”

“edi subukan mong sabihin sakin kung bakit hindi ka makatulog, baka matulungan kita”

“ewan ko ba, pakiramdam ko nabobother ako about something na hindi ko naman maintindihan kung ano”

“may kinalaman ba to sa dinner nung Friday night?” napatingin lang ako sa kanya. “so meron nga?”

“w-wala ah!”

“may nangyari ba nung umalis ako?” biglang bumaba yung aura nya tapos nakatungo nalang sya

“wala naman. Ang alam ko wala naman”

“nag-away ba kayo? O nagtalo about something?”

“hindi. Nung umalis ka na, umuwi na rin naman kami. Hinatid nya lang ako sa bahay and then that’s it”

“ah. It’s kinda odd. Napansin ko kasi si JC ganyan din eh. Haggard tignan, palaging nakatulala, para bang—“ napatigil naman sya kaya tumingin ako sa kanya

“parang ano?” tumingin lang sya ng diretso sa mata ko

“parang broken hearted” natameme naman ako.

“sus. Walang kinalaman yun sa nangyari nung gabi” tapos tumayo na ako at pumwesto. 5 minutes nalang kasi on-air na kami.

“hey, I just want you to know, andito lang ako kung kailangan mong magvent out ng kung anuman. Hindi bilang manliligaw pero bilang not-friend mo” napangiti naman ako kasi sobrang unusual ata at seryoso sya masyado.

Niyakap ko nalang sya bilang thank you ko sa kanya.

Hindi ko talaga maintindihan yung sarili ko. Dati naman sa mga ganitong bagay sigurado ako eh, pero bakit parang ang hirap ata ngayon?

Pakiramdam ko mahal ko na si Clarence pero bakit parang ang sakit lang isipin na wala na kaming pag-asa ni Nikko?

Am I torned between two lovers? Ugh. I feel like a fool! Loving both of them is breaking all the rules.

Bakit parang nagkakatotoo yang kanta na yan sakin? At bakit ba andami ko atang tanong?

***

“hoy bruha ka, kelan mo balak sagutin yang si papa C?”

“che! Kakasimula palang manligaw, sasagutin agad?”

“pa-maria clara effect ka pa dyan! Mahal mo naman na diba? O edi go for the gold already!”

“mahal? Sinong may sabi sayo? Hindi pa ako sigurado sa bagay na yan. Ikaw nga, pinapasakit mo yung ulo ko eh! Ako tong dapat na maglalabas sayo ng problema tapos dinagdagan mo naman agad”

“eh sorry po. Kilala kita friend, hindi ka naman kasi papayag kung wala namang pag-asa yung tao unless—OH MY GULAY!” ang lakas pa ng tili nya kaya halos mabingi na ako

“naano ka?”

“don’t tell me umoo ka lang dyan kay papa C para pagselosin si papa N kasi present sya sa eksena nung oras na yon?”

“hoy gawa-gawa ka masyado! Bakit ko naman pagseselosin yung tao na sumuko na”

“kaizen, tell me honestly okay. Kasi sa tono ng boses mo, it seems like may something akong nasesense. Something na malansa. I can smell something fishy here. Tapatin mo nga ako friend, what’s up?”

“hindi ko alam! Hindi ko rin maintindihan. Wella, mali ba na pakiramdam ko mahal ko na si Clarence?—“

“AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!! OMG FRIEND! PUSH MO YAN?? BAKIT NAMAN MALI YUN?? HINDI NO! AAAHHHHHHHHHH!!”

“oo, feeling ko mahal ko na si Clarence, pero diba nga si Nikko yung roommate daw ni Clarence?”

“o eh ano namang connect ng lahat ng to kay Nikko?”

“kasi nung nakaraan, para bang nagpapaalam na si Nikko? Na para bang hindi ko na sya makikita ulit? Tapos bigla akong nalungkot, hindi ako makatulog, parang nasasaktan ako na isiping hindi na magiging kami?”

“wag mong sabihing…?”

“naguguluhan ako. Hindi ko alam kung sino yung pipiliin ko sa dalawa. Si Clarence o si Nikko?”

“I think you are in big trouble”

“talaga lang!”

“no, I think you’re in a big trouble without you knowing what the trouble is

“anong ibig mong sabihin?”

“May pagpipilian ka ba talaga? At dapat ka ba talagang mamili?”

“hindi mo ako naiintindihan eh. Sabi ko nga—“

“no, kaizen.  Hindi mo ako naiintindihan. Are you sure there are options? O baka naman you just wish there are, pero wala naman talaga? Oo malinaw na mahal ka ni Clarence at baka mahal mo rin sya. Alam ko rin na nalilito ka sa nararamdaman mo para kay Nikko, pero kaizen, paano kung sabihin nating si Nikko ang piliin nyang puso mo…

“sigurado ka bang may Nikko na sasalo? Sigurado ka bang dapat kasama sya sa pinagpipilian mo? Sigurado ka ba o ikaw lang yung umaasa? Bestfriend,higit sa lahat, sigurado ka bang mahal ka pa rin nya?”

Hindi ko na nasagot si Wella nun. Gumawa nalang ako ng excuse na magsstudy pa ako para lang maibaba ko na yung phone. I have never thought about that one, and I am sure I’ve never planned for that one to happen as well.

Paano kung tama si Wella? 

I Haven't Gone Too Far (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon