Chapter 13

66 0 0
                                    

“O Carlos? Aga nating dumalaw ah”

“aga-aga din badtrip ka na? May muta ka pa nga o!” pumasok na ako sa banyo nun para maghilamos. Narinig ko pa na gulat si Wella dahil nandun daw si ‘Sir Calos’.

“Kayo na po pala??” ang lakas ng boses ni Wella.

“Nabanggit ko na yan sayo dati ah?” sabi ko agad paglabas ko ng banyo.

“Baka hindi ako nakikinig nun”

“obvious nga” nakita ko namang karga ni Carlos si Aikin. Himala ata.

Kaizen, ano yung nakita ko sa Facebook?”

“not again, please”

“badtrip yan, mamaya mo na ulitan”

“wow! Thanks ma!”

“You’re welcome! Magbihis ka na. Dadalhin natin si Aikin sa Vet sa mall. Mukhang may sakit ata. Kagabi pa ayaw kumain eh”

“ayun!” lumapit naman ako kay Aikin na nakasiksik kay Carlos. “Kaya pala sumama ka kay Carlos no?”

“Sama ako, bestfriend. Wala naman akong gagawin sa bahay”

“magpapalibre ka lang eh!”

***

Naghiwalay kami nina mama pagdating sa mall. Kami na ni Wella yung nagdala kay Aikin sa vet. Sobrang ingay nga naming dalawa eh. Parang 10 years kaming hindi nagkita.

“Eh ano bang bago sayo maliban sa parang may admirer ka pa ata na in all fairness eh gwapo”

“hindi ko yun admirer. Tsaka palagi kitang kinukwentuhan so I don’t think hindi ka updated sa buhay ko. Eh ikaw? Lumalovelife ka na ba?”

“wala. Zero pa rin! Tatanda ata akong dalaga eh”

“darating din sya. Hintay ka lang”

Habang hinihintay namin yung turn naming para mapatignan si Aikin, diretso lang si Wella sa kakakwento tungkol sa mga kaklase naming. Sandali lang sin, napunta na sya sa topic na two years ago ko pa huling narinig.

“sister, ang father ba nitong doggy junakis mo eh you know, still in contact with the mother?”

“wala na since before graduation”

“nagkita na kayo?”

“hindi pa rin”

“andito rin kasi sya ngayong Christmas break” bigla nalang akong napatingin kay Wella. “Nakita ko sya two days ago sa may Plaza. Pero di nya ako napansin, busy siguro sa kasama nya”

“may kasama sya? Mommy nya?”

“kahit na di ko maalala yung itsura ng mom nya, sure naman akong di ganun kabata yun. She’s about our age. Mukhang taga-manila eh. She’s kinda pretty”

“So, sa Manila pala talaga sya nag-aaral. Well, good for him”

“good for him? Yun lang? Tsaka wala ka na ba talagang alam tungkol kay Nikko? Seriously?”

“Yes po. Seriously.” Tinawag na kami nung nurse. Pinaiwan muna si Aikin at balikan nalang daw after an hour para sa diagnosis.

“Kain tayo? Shakey’s?”

“Ayan! Dyan ka magaling! Pasalamat ka gutom din ako”

“ang swerte ko talaga sayo!” niyakap-yakap nya naman ako nun. Tinakbuhan ko nalang. Chicken soup, mojos and spaghetti lang ang inorder ko habang si Wella naman eh yung equivalent ng dalawang snack size plus large tea.

Habang hinihintay naming yung order, nakita naman namin si Rico, yung isa sa mga breakdancer dati sa room.

“WHOA! Gumaganda ka lalo, Kaizen! Blooming eh! Lumalovelife!” sinimangutan ko naman sya

“sa facebook nanaman?? Meron bang tao rito na hindi nakakita nun?”

“nahiya ka pa. Okay lang yun”

“banatan kita dyan! Hindi totoo yun!”

“yeah. Confirmed. Joke-joke lang pala yun” bulong sa kanya ni Wella.

“ay joke!” tumungin lang sya sa relo nya. “sige! Kita nalang tayo ulit, section get-together daw before new year! Nagkita na ba kayo ni Nikko? Andun din sya sa dulong table, kasama yung friend nya ata”tapos nagbye lang sya at umalis.

Napatayo naman si Wella. Tumungo lang ako. Ewan ko ba pero yun agad yung naging reaksyon ko. Para bang ayokong makita yung kung anuman dun sa tinuro ni Rico.

“OH-EM-GEE! K-k-kaizen! Kaizen!” tinapik-tapik nya pa ako pero di pa rin ako tumitingin

“o, ano?”

“si Nikko nga kasama yung girl na sinasabi ko! Are they really dating or what?”

“Malay ko. Ang tagal naman ng order natin”

“oi! Ba’t ka nakatungo dyan? Tignan mo! Maganda lang sya ng konti sayo pero ano rin?” pinilit naman ni Wella na itaas yung ulo ko. Nakita ko tuloy yung ayaw kong makita. 

It’s him with a girl. Siguro kanina pa sila andito kasi parang patapos na sila kumain. Tawanan pa sila ng tawanan. I took another look at the girl. Familiar sya pero hindi ko alam kung bakit. 

“matunaw” hindi ko lang pinansin si Wella. Bigla nalang nang tumayo sila Nikko, aalis na ata. Nataranta ako kaya sabi ko kay Wella na magc-CR lang muna ako. Madaraanan kasi nila yung table naming, at kung sakali naman, di ko alam kung paano ko sya kakausapin.

Naghintay lang ako makalayo sila bago ulit ako bumalik sa table naming. Sobrang sakit pa ng ulo ko nun.

Parang sinumpa ata ang araw na to eh

“Yey! Nandito na yung food!” pineke ko naman para di na magtanong si Wella

“hoy! Iniiwasan mo ba yung ex mo?”

“Wella, gutom lang yan, kain na”

“Fine. Ayaw mong pag-usapan? Okay. Sinabi ko lang naman sa kanya na dinala natin sa vet si Aikin nyo”

“baliw ka! Bakit naman pati yung kinuwento mo???” hinampas-hampas ko sya hanggang sa hinawakan nya yung dalawang kamay ko

“wag kang maramot! Kailangan ni Aikin ng tatay sa mga oras na to! Tsaka may parental rights si Nikko!”

“tigilan mo nga yang parental chuchu mo! Aso si Aikin, hindi tao!”

“Wala ka nang magagawa nasabi ko na eh” kinagatan nya yung pizza nya. Paano kung magpunta yun doon? Sus ko! Wag naman sana!

ay, kung makapag-isip naman ako. As if naman affected sya. May girlfriend na nga sya eh.

“Oo nga pala, sabi nya—“

“please, Wella, kumain ka nalang! Pabayarin ba kita”

“init agad ng ulo? Sasabihin ko lang na sabi ni Nikko, titignan nya raw si Aikin later. Susunod nalang daw sya sa vet”    

“NOOOO!” Oh geez. Kill me now.

I Haven't Gone Too Far (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon