Chapter 15

71 0 0
                                    

Hindi ko pinansin sina mama pagkarating namin sa bahay. Buti nalang nga tumawag ulit sakin si Clarence at least may nakakausap ako maliban sa hangin.

And for the record, yes, I am thankful he called. Ngayon lang to.

“ito naman, niloloko ka lang ng mama mo”

“Alam ko, pero hello? Di pa nga ako ready. Sana lang kasi gets nila yun, diba?”

“eh kelan ka pa magiging ready?”

“ewan. Change topic” tumawa naman sya.

“ok. Uhm, sige, ito. What do you think about my ex?”

“ex mo? Ba’t gusto mong pag-usapan?”

“bakit? Selos ka?”

“che! Di no!” di naman sya umimik. “I think she’s a dominant person. Pero parang mali naman ako”

“why?”

“kasi kung dominant sya, it’s not theoretically possible na nagkagustuhan kayo”

“and why do you say so?”

“opposites attract right? Eh kung dominant sya, her partner’s supposed to be the opposite. WELLLLLLLL… Ikaw? I don’t think so.  ” Tumawa naman ako na parang witch. Sige tama yan! Sa iba ilabas ang pagkainis.

“oh, so meaning to say, itong si Nikko pala yang sobrang humble no? ang galing! See? I’m starting to know this guy more!” nawala nalang bigla yung ngiti ko. Kainis na to!

“panira ka rin no? okay na sana bumanat ka pa. Bahala ka nga!” then I hunged up. 

Hoy Kaizen! Ang puso. Ang puso.

“nak! Si Tita Cory mo nasa phone!”

*Clarence Calling…*

Geez. Bakit kailangan pa nilang magsabay? Oh well. Might as well ignore Clarence.

Since connected naman yung mga landline namin, sinagot ko nalang gamit yung phone ko sa kwarto.

“tita?”

“Kaizen, hija! Kamusta?”

“okay lang po! Long time no talk tita!”

“Naku! Di pa tayo pwedeng mag-usap ng mahaba-haba ngayon, itatanong ko lang sana yung tungkol dun sa sabi kong irereto ko sayo” oh please. Not now.  “bukas ba pwede ka? Umoo ka na rin naman diba? Eh kaka-oo lang nung pamangkin ko. Papunta nga sya rito today. So ano?”

"tita kasi—“

“walang ka namang boyfriend na magagalit, diba?”

“wala po, pero—“

“please, hija. Isang bese lang. Just meet each other. Kung walang mangyayari after, then that’s it.”Bakit na kasi nag-eexist yung ganitong bagay eh!

“fine, tita. We’ll just meet, then that’s it”

“thanks anak!”

Geez. Why does this thing makes me scared???

*Clarence Calling…*

Tindi mo rin tsong! Walang tinag kung tumawag! Di makaramdam na ayaw ko syang kausapin?

“o? bakit nanaman??”

“ganyan na ba talaga ang bagong way ng pagsagot ng phone ngayon?”

“may sasabihin ka ba o ibababa ko na?”

“ito naman! Ang sungit mo! Hoy! Yung new years resolution, tandaan”

“k. bye” nung ibababa ko na biglang sumigaw sya ng malakas.

“WAIT! ITO TOTOO NA!”

“ANO NGA KASI??” kala nya sya lang ang pwedeng sumigaw a

“I’m at the airport right now”

“paki ko?”

“well. I guess we’ll see each other for Christmas” di ko pa magets yung ibigsabihin nya until…

“See you there, Kaizen!” what the—?  

I Haven't Gone Too Far (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon