Chapter 24

72 1 0
                                    

The oldies have prepared barbecue for midnight swimming daw dahil pasko. Nung una balak ko nalang iditch yun kaso mama did not allow me since I owe her an explanation pa rin daw about Clarence and I pretending to be together.

Habang inihahanda ng oldies yung iihawin namin, nasa kwarto naman kaming girls at naghahanda yung dalawa kong roommates ng swim suit daw nila. 

“bagay ba sakin ang one piece?” tanong sakin ni wella habang pinakita nya yung suit. 

“pwede na. Sexy ka naman eh” para lang hindi na sya mangulit.

Nakatwo piece naman nang lumabas ng banyo si Jaime. She’s really sexy!

“whoa!” yan lang yung comment ni Wella

“thanks!” tapos tumingin naman sya sakin “bakit di ka pa nagbibihis kaizen?”

“nah, I don’t wear swim suits”

“bakit? May peklat ka ba?” sasagot na sana ako kaso lang nauhanan na ako ng spokesperson ko

“pag hindi nagsuswim suit may peklat na agad? Di ba pwedeng conservative muna?”

“conservative ka? Hindi halata”

“syempre di naman nya kailangang ipangalandakan sa buong kalawakan” tinignan ko naman ng masama si Wella.

“so anong susuotin mo? Shirt?”

“may tank top ako then shorts. Pero baka hindi ako maliligo, manonood nalang ako”

“you’ll miss the fun!” 

“marami namang paraan para mag enjoy” sabi ko nalang.

Bago pa man kami tuluyang magkapersonalan ni Jaime, una na kaming lumabas ni Wella

“what is the matter with that girl???”

“wala naman. Baka mahilig lang syang magcomment sa mga bagay-bagay”

“oh yeah? Iba ang opinionated sa naghahanap ng butas. Eh kung sugurin ko na kaya?”

“oi oi! Baka nakakalimutan mong ikaw ang nag aya dyan dito”

“at pinagsisisihan ko na. She sounds like she’s insecure with you for some reason”

“negative mo. Wala lang yan, hayaan mo na. Give love on Christmas day. Paskong pasko ang init ng ulo mo”

“ewan ko sayo. Walang kupas pa rin yang pagkanaive mo” 

“positive thinker lang”

“and before I forget, care to explain kung bakit never mong nasabi sakin na nanliligaw pala sayo si Clarence and most especially na sinagot mo na sya?”

“hahaha! I think naghihintay na sila satin sa beach”

“nope, girl. Hindi mo pwedeng baguhin ang usapan”

“I love you bestfriend pero pwedeng bukas nalang? On our way home, promise!”

“at bakit ako magtitiwala sa promise na yan?”

“kasi bestfriend mo ako. I am sure maiintindihan mo kapag naipaliwanag ko na, pretty please?”

“pasalamat ka sexy ako” tinawanan ko nalang sya. Feel nya eh

Nung dumating kami sa beach kung nasaan yung oldies pati na yung dalawang guys, nagkakantahan naman na with Clarence as the pasimuno. Nung makita nila kami na paparating saka naman tumigil si Clarence. 

I Haven't Gone Too Far (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon