WB#4

2.7K 87 5
                                    

Tulad ng pinangako ni Vice, sinagot nga niya ang lahat ng bayarin ng out of town reunion nilang magkakaibigan. Si Karylle ang pumili ng resort at natuwa naman ang lahat sa lugar. May kalakihan ang resort lalo na't ito ay malapit sa dagat ngunit payapa pa rin ang paligid.

Matapos ang ilang oras na biyahe ay dumireto na rin agad sila sa kani-kanilang mga kwarto. Nagkasundo sila na ang magkakasama sa bawat kwarto ay sina Vhong at Anne, Billy at Coleen, Vice at Karylle. Wala namang naging isyu dito dahil komportable naman na sila sa bawat isa at dalahan ang kama sa bawat kwarto.

Naka halos dalawang oras na tulog din ang magkakaibigan bago sila nagsimulang maglibot sa resort. Una silang pumunta sa resto upang makakain na rin ng tanghalian at magkaroon ng sapat na lakas para sa lahat ng nakaplanong activities nila ngayon.

Una nilang sinubukan ang helmet diving at pagkatapos ay diretso scuba diving na rin sila. Nang magsawa na sa pakikipaglaro sa mga isda ay napagdesisyunan nilang bumalik na at maghanap ng mga posibleng bilhin sa paligid ng resort.

"Viceeee!! Ang cute nung jacket, oh."

"Jusko naman, Karylle! Nakakita ka lang ng sunflowers na design tinopak ka nanaman!"

"Ang ganda kaya!"

"Oh edi bilhin mo!" sagot ni Vice. Alam niyang kahit pa gandang-ganda si Karylle sa jacket ay magdadalawang-isip pa rin itong bilhin ang jacket dahil sa presyo nito na mabilis namang natanaw ng mata ni Vice.

"Ehh 2000 pala!!" disappointed na sabi ni Karylle. Pinagmasdan lang siya ni Vice na nagpipigil lang ng tawa imbes na maawa sa tinotopak na kaibigan. Naka-pout lang ito at parang batang pinagkaitan ng laruan.

Napakamot nalang ng ulo si Vice sa takot na baka hanggang bukas pa magmaktol si Karylle at siya na mismo ang nagbayad noong jacket.

"Kahit kailan napaka-kuripot mo talaga!" pasukong sabi ni Vice kaya nagliwanag naman ang mukha ni Karylle.

"Sige na, Ate, bibilhin ko na po 'yung gustong jacket ng babaeng 'to."

Mabilisang isinuot ni Karylle ang jacket at niyakap sa may bandang tagiliran si Vice.

"Thank youuuu!!" pasasalamat ni Karylle.

"Ang init-init naka-jacket ka! Dun ka nga!" kunwaring pagsusungit ni Vice.

May ngiti sa labing sumunod ang dalaga kay Vice na nauna nang maglakad pabalik sa resort.

Naabutan nila sina Vhong at Anne na nanonood lang ng movie habang sina Billy at Coleen naman ay parehong nakatulog na sa kwarto nila ni Karylle.

"Oh bakit kayo nandito? Mga walang pambayad ng sariling kwarto ganon?"

"Wag ka ngang madamot, brad. Ang laki-laki ng kwarto niyo ni bruh eh." gatol sa kanya ni Vhong. Totoo rin naman, mas malaki nga ang kwartong kinuha nina Vice at Karylle kumpara sa kinuha ng iba.

Pumwesto na si Vice sa right side ng kama at nagtaklob ng kumot sabay kuha ng cellphone at naghanap na malalaro.

Habang hawak-hawak ang laylayan ng bago niyang jacket ay nag-ala-ballerina si Karylle na may kasamang patalon-talon pa papunta sa balcony ng kwarto nila.

Nung mapagod na kakakuha ng mga litrato ay pumasok na si Karylle at humiga sa tabi ni Vice.

Siniksik niya ang ulo niya sa may kili-kili ni Vice kaya biglang natalo ang huli sa nilalaro nito.

"Kurba naman eh!!" reklamo nito pero hinayaan nalang din si Karylle na ipatong ang ulo nito sa braso niya at niyakap na rin siya ni Karylle. Marahan ding pinipisil ni Vice ang pisngi nito gamit ang kamay mula sa braso niya kung saan nakaunan si Karylle at ang isa naman niyang kamay ay abala pa rin sa paglalaro.

Wedding Bells | ViceRylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon