WB#24

1.1K 51 7
                                    


Nagising si Karylle sa sinag ng araw na tumatama sa mata niya. She closed her eyes firmly and did some morning stretches hanggang sa may maramdaman siyang kakaiba.

"Aray!"

Napabalikwas siya at tinignan kung sinuman ang damuhong katabi niya. Bahagya siyang kumalma nung makitang si Vice lang pala iyon. "Anong ginagawa mo dito?"

"Nakikitulog, 'di pa obvious ba, girl?" tugon ni Vice na pinantayan ang kasungitan ni Karylle ngayong umaga.

"Hindi ka man lang nagsabi na pupunta ka pala dito. And don't you have anything else to do? Work?"

"Hindi naman halatang tinataboy mo 'ko, 'no? Sorry ka, girl pero wala akong appointment today kaya pwedeng-pwede ako umabsent."

"Puwes ako maraming kailangan gawin kaya bahala ka na diyan sa buhay mo."

Pumasok si Karylle sa banyo at wala pang 15 minutes ay natapos na ito at bihis na bihis na na ikinagulat naman ni Vice. "Bilis mo yata ngayon,"

Hindi naman siya pinansin ni K na abala lang sa pag-aayos ng bag nito. He was waiting for her to at least say goodbye to him pero dire-diretso lang itong lumabas ng kwarto.

Napakamot nalang ng ulo si Vice at bumangon na. Paglabas niya ng kwarto ay akmang kakausapin na niya nang seryosohan si Karylle pero mabilis ulit itong nakalabas kaya sumuko na siya.

"Problema nun?"

--

"Good morning— okay, morning nalang pala. Bakit lukot nanaman 'yang mukha mo, K?" masigla sanang salubong ni Christian pagkadating ni Karylle sa building.

"Mainit ulo ko ngayon, Christian ah." masungit pa ring babala ni Karylle nung makapasok na siya sa opisina niya at nakabuntot pa rin sa kanya ang binata.

"Wala pa nga 'kong ginagawa eh. Bakit nga kasi?"

"Wala ka na dun."

"Grabe. Nga pala, nakausap mo na ba si Vice—"

"Change topic! Ayokong pag-usapan 'yan ngayon."

"Sungit. Pero mukha namang gets ko na rin kung bakit."

Lumabas sandali si Ian at mula sa salamin ay kita ni Karylle na nakikipag-usap ito kay Mariel at pumasok rin naman ulit agad. "Ano inutos mo dun? Ikaw pati empleyado ko ginugulo mo na ah. Ipapaharang na talaga kita sa guard next time."

"Di pwede, edi namiss mo 'ko."

Mabilis na kumuha si Karylle ng lapis at binato iyon kay Ian na swerte namang nakaiwas. "Kapal mo!"

"I was just joking, K! Ang init ng ulo mo."

Sasagot pa sana si K pero parang nawala na agad ang init ng ulo niya nung pumasok si Mariel at nakita ang dala-dala nito.

"Oh eto na, baka sakaling gumanda naman mood mo, Wajee."

Karylle looked up to him and as expected ay lumiwanag nga ang mukha nito.

"Jollibee lang pala katapat mo."

Hindi naman siya pinansin ni K na madaling-madali pa habang kinukuha yung kanya. At dahil hindi naman ito ang unang beses na nakita niyang ganito ka-excited kumain si Karylle ay alam na rin niyang mawawalan na siya ng kausap for the next few minutes.

Wedding Bells | ViceRylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon