"Hindi kita maintindihan! Ano bang pinopoint out mo dito?""Hindi mo ba talaga maintindihan o ayaw mong maintindihan kasi natatakot ka?"
"Wala akong kinakatakutan! Hindi ko lang talaga maintindihan kung bakit ka nagkakaganyan.. kung bakit nilalayuan nanaman ako ng boyfriend.. girlfriend.. mo!"
"Bakit ba napakamanhid mo, Karylle?!"
"I am not that type of person!"
"Then stop acting like one!"
Napabuntong-hininga nalang si Karylle dala ng stress sa pagtatalo nila ng lalaking kaharap niya.
"Matalino kang babae, Karylle. Pero sana naman gamitin mo din 'yang puso mo sa pag-intindi ng mga sinasabi ko."
"Ano ba sa tingin mo ang ginagamit ko?" mataray na tanong ni Karylle na nauubusan na ng pasensya sa kausap.
"May katangahan ka din pala talaga sa buhay, no? Utak. Utak ang ginagamit mo, Karylle. Ayaw ng utak mo na intindihin 'yung sitwasyon kaya ka nagkakaganyan. Ayaw ng utak mo na tanggapin 'yung katotohanan kahit puso mo na mismo ang nagsasabi nito sayo!"
Karylle closed her eyes firmly for a second, absorbing each and every word na binabato nito sa kanya. "You know what? Walang patutunguhan 'tong pag-uusap natin so it would probably be better if you'll just leave my office now, Mr. Collins."
Ilang segundo pa silang nagsukatan ng tingin bago pasukong lumabas si Zeus ng opisina ni Karylle.
Karylle made her way to her swivel chair at nanghihinang umupo at napasandal nalang doon. After 10 minutes ng pagpapakalma sa kanyang sarili, lumabas na siya at nagtungo sa katabing office, which is Vice's. Since naka-glass naman lahat ng opisina nila, agad niyang nakita si Vice na nasa loob at mukhang abala sa paper works nito. Kakatok na sana siya nang may mapansing kakaiba.
Kung dati'y punong-puno ang office table ni Vice ng pictures nila ni Zeus, ngayon tanging isang dosenang folders at isang laptop nalang ang makikita dito.
Wala sa sariling napaatras siya at napakapit sa isa sa mga divider.
Ano ba 'tong nangyayari satin, Vice?
--
"Pssst! Kurba! Huy! Karylle!" paulit-ulit na tawag ni Vice habang iniyuyugyog pa ang kaibigan na kanina pa tulala.
"AY MAY IPIS!" eksaheradang sigaw ni Vice sabay turo sa desk ni Karylle, "SAAN?!"
Sa wakas ay bumalik na sa ulirat si Karylle at napatayo pa from her swivel chair. Nanininingkit matang binalingan niya si Vice na tawa lang nang tawa sa naisip niyang kalokohan.
"Buti pa 'yung ipis pinansin mo, ako kanina pa ko nandito sa tabi mo di mo ko pinapansin." kunwari'y nagtatampong ani Vice.
"Napakabago ng hugot mo ah.."
Bumalik sa pagkakaupo si Karylle at yumuko sa desk niya kaya nahalata agad ni Vice na may problema ang dalaga, "Ano 'yan?"
Tinaasan siya ng kilay ni Karylle, "Hmm?"
"Tsk. Wag ako, Kurba. Alam ko kapag may problema ka. Ano nga dali sabihin mo na sakin. May ginawa ba sayo 'yung ungas mong manliligaw? Sabihin mo lang reresbakan ko 'yun. Walang pwedeng manakit sa Kurba ko no!" pagbibida ni Vice sabay higit sa leeg ni Karylle na tila inaangkin ito.
"Si Ian na nga lang nagpapawala ng stress ko sayo at sa boyfriend mong hilaw, bubugbugin mo pa." isip-isip ni Karylle havang nakatingin lang sa binatan/bakla/basta si Vice.
BINABASA MO ANG
Wedding Bells | ViceRylle
FanfictionHindi na bago para sa karamihan ang marinig ang ingay na gawa ng kampana ng simbahan, pero yung marinig iyon sa mismong araw ng sarili nating kasal? Hindi iyon ganon kasimple. Hindi ganon kasimple ang landas na kailangang tahakin bago makamit iyon...