WB#27

864 45 7
                                    


Dalawang buwan. Dalawang buwan na simula nang magdesisyon siyang tapusin ang relasyon nila. Dalawang buwan na rin siyang nagkukulong sa opisina niya at kung hindi naman doon ay sa kwarto niya.

Ilang beses na siyang sinubukang kausapin nina Anne pero wala silang naririnig ni isang salita mula kay Karylle. Maski ang sekretarya nito ay nasanay nang tanging mga mata at pagtango o pag-iling nalang ang ginagamit ni Karylle tuwing nag-uusap sila patungkol sa kumpanya.

Si Christian na rin ang panandaliang nagtake over sa mga board and client meetings ng KLHAC.

Tuloy pa rin sa pagguhit si Karylle, parang iyon na nga lang ang kaya niyang gawin ngayon bukod sa walang sawang pag-iyak. Himala nga at hindi pa siya sinusugod sa ospital dahil sa dalang niyang kumain at matulog ngayon.

It was, then again, another quiet and lonely Saturday night for her. She forced herself to eat some dinner na ipinadala ni Anne then went back again to drawing new drafts for work.

Ngayon ay kakatapos lang niyang mag-ayos at naghahanda na siyang matulog, until she heard the door bell ring. Hindi na sana niya iyon papansinin ngunit tila wala ring balak tumigil ang sino mang nasa labas ng unit niya.

She heaved a deep sigh, went down from her bed and made her way to open the main door.

Pero ganoon nalang ang pagsisisi niya nang makita kung sino ang naghihintay.

She was about to close the door again but that person stopped her. "Hayaan mo lang akong magpaliwanag. Pagkatapos nito, hinding-hindi na kita guguluhin. Mawawala na 'ko sa mga buhay niyo."

Nilingon niya ito at nang makumbinsing seryoso at may matino naman itong pakay, nilakihan na ni Karylle ang awang ng pinto to let her guest in.

"I don't have much time to chat, so make it quick, Zeus."

Walang gana siyang umupo sa sofa at ganoon din si Zeus sa tapat niya. He can't help but feel a pang of guilt when he noticed her puffy eyes and lose of weight na malamang ay dahil sa bigat ng dinadala nito nitong mga nakaraang buwan.

"Hindi na 'ko magpapaligoy-ligoy. Karylle, patawarin mo na sana siya. Wala siyang kasalanan dito."

"Okay enough of—" akmang tatayo na si Karylle ngunit hindi nagpatinag si Zeus at muling nagsalita.

"Ako ang may kasalanan. Hindi niya ginusto yung mga nangyari. Maski ako. Kinailangan ko lang talagang gawin 'yon."

She looked at him, intrigued. "What do you mean? Sa lagay na 'yon? Hindi mo ginusto?"

"Hindi ako ang dapat mong makausap tungkol dito, please, hayaan mo akong patunayan sa 'yo na walang kasalanan si Vice sa lahat ng nangyayari. Pareho lang kayong napaglaruan."

"Kung hindi ikaw, sino?"

"Payagan mo 'kong dalhin ka sa kanya, masasagot lahat ng tanong mo tungkol sa mga nangyayari."


Hindi malaman ni Karylle kung ano ang sumapi sa kanya at nakumbinsi siya ni Zeus na sumama dito.

She didn't bother changing her clothes. Still in her pajamas, she followed him to his car and let him take her to wherever he planned to.

Wedding Bells | ViceRylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon