"Vice! You came!"Nilapitan naman ni Vice ang kaibigan at niyakap ito. "Congrats, Mrs. Uy!" nakangiti niyang bati dito.
It's been two weeks since that incident with Karylle at his office. Magmula noon ay hindi na sila muling nagkita dahil naging abala siya sa kaliwa't kanang welcoming parties kasama ang mga kaibigan niya at mga conference.
Ngayon naman ay nasa kasal siya ng isa na namang matalik na kaibigan. He wore a smile on his face the entire day pero alam niya sa sariling may kulang sa ngiting iyon. He was happy for his friends who finally settled down, pero hindi rin niya maiwasang makaramdam ng inggit.
Habang nakikinig sa vows ng ikinakasal ay hindi niya naiwasang isipin, paano kaya kung hindi sila naghiwalay ni Karylle noon? Kasal na rin kaya sila? Masaya pa rin kaya sila hanggang ngayon? He would never know the answers.
Magmula pa sa simbahan hanggang sa reception, bukod sa bagong kasal, ay nasa wedding coordinator at bride's team din ang atensyon ni Vice. Aligaga ang mga ito and they reminded him so much of her. Hindi mo aakalaing sideline lang nito ang pagiging wedding coordinator dahil sa sobrang hands on and passionate ni Karylle.
She has always loved weddings. At sa ilang taong magkasama sila ay palaging kasama sa mga dasal ni Vice na sana ay matupad ang dream wedding ng dalaga, he knew she deserved it. She deserves to be happy.
"Babe, what do you think of this motif?"
Vice was in the middle of finalizing one of his designs nang lumapit ang nobya at ipinakita sa kanya ang ilang wedding reception pictures sa laptop nito.
"It's nice. Sakto lang yung pagka-bongga. Everything blends together perfectly."
"Diba? And the venue looks good too," interesadong-interesado na tugon ni Karylle. Amusement was evident in her eyes which he noticed. Napangiti nalang si Vice.
"Ikaw ba? May naiisip ka na bang Church?" she asked him again.
"Huy, Karylle. Nagpaparinig ka na ba? Gusto mo na ba akong magpropose?" pabiro niyang tanong din nito which earned him a slap on the arm.
"Seryoso kasi!"
Kinuha niya ang laptop ng nobya and typed the name of the Church he had in mind. Pictures flashed on the screen and Karylle smiled as he handed her the laptop again.
"I love it."
"Once palang ako nakapunta diyan nung kinasal yung isa kong client, pero hinding-hindi ko na 'yan makakalimutan. Mas maganda kapag nandoon ka talaga," he shared. "Let's go there soon para makita mo rin."
"Okay. Last na! Sorry, I know you're busy." Hinalikan naman siya ni Vice sa sentido to assure her that it was fine. Kung may choice lang ang huli ay mas gugustuhin niyang mag-usap nalang sila tungkol sa kasal buong maghapon, but he had work to do.
"Ano sa tingin mo ang bagay sa 'king gown? I've been trying to picture myself in a wedding gown but I can't think of the right design."
Lalong napangiti si Vice. Lingid sa kaalaman ni Karylle, magkaibigan palang sila ay sinusubukan na niyang gumawa ng designs para sa wedding gown nito.
BINABASA MO ANG
Wedding Bells | ViceRylle
FanficHindi na bago para sa karamihan ang marinig ang ingay na gawa ng kampana ng simbahan, pero yung marinig iyon sa mismong araw ng sarili nating kasal? Hindi iyon ganon kasimple. Hindi ganon kasimple ang landas na kailangang tahakin bago makamit iyon...