Nagising si Vice sa sinag ng araw na tumatama sa mata niya. He checked the time and it was already past 12 in the afternoon. Magpapanic na sana siya dahil alam niyang late nanaman siya pero nung maalala ang nangyari kagabi ay sandali siyang natigilan. He roamed his eyes around the whole room but there were no signs of her.Naghilamos siya nang mabilisan at palabas na sana ng kwarto nung maunahan na siyang magbukas ng pinto ni Karylle.
"Good morning, Vicey!"
She was carrying a tray of food as she greeted him gleefully. Nilakihan niya ang awang ng pintuan making it easier for her to get inside. Umupo si Karylle sa kama at sumandal sa headboard at nilagay sa harap niya yung tray.
"Hey, gising ka na ba talaga?"
She tapped the empty space beside her at nung matauhan ay tumabi naman sa kanya si Vice sa kama.
"You made this?" tanong sa kanya ni Vice na halatang bangag pa rin ng kaunti.
"Oo naman. I'm not like you na kunwari nagluto pero pinadeliver lang pala yung surprise na breakfast."
Confirmed. She really is back to her normal self. Inaaway na ulit ako eh..
He just shrugged his thoughts off at inenjoy nalang ang late breakfast nila. He wanted to hear it straight from Karylle but looking at her now and hearing how she repeatedly cracks up in laughter because of her own jokes, he knew she was finally doing fine, at least.
Ayaw pa sana nung una ni Vice na payagan itong pumasok sa trabaho but she was too persistent kaya sumama nalang siya papunta sa condo ni Karylle at nung matapos ito magpalit ng damit ay dumiretso na sila sa opisina.
Marami mang bumabagabag sa kanilang dalawa lalong-lalo na kay Karylle ay mas pinili nalang nila na huwag magpaapekto at magfocus nalang sa dalawang kumpanya like what they always end up doing.
And Vice being that one person who knows her best, alam niya na trabaho lang din naman talaga ang best solution para kahit papano ay panandaliang makalimot si Karylle sa lahat ng problema nito. But he tried to make sure not to let her drown herself too much in stress from work-related stuffs.
"Huy, kanina ka pa tutok na tutok diyan. Kumain ka kaya muna." sabi niya kay Karylle nung maabutan niya itong nagpapakalunod nanaman sa trabaho.
Nag-angat ng tingin si Karylle at awtomatikong nagliwanag ang mukha niya nung makita ang dalang lumpia ni Vice.
"Oh diba natigilan ka."
Inayos ni Vice yung pagkaing dala niya sa ibabaw ng mesa ni Karylle at himala namang hindi nagreklamo ang huli. Kadalasan kasi kahit kaunting galaw lang sa mga sketch niya ay nauulanan na ng sermon si Vice.
"Well this is something new, himala yata na ako ang pasaway at ikaw ang nagpupumilit sakin na kumain ngayon.." hindi napigilang puna ni Karylle na sinang-ayunan din naman ni Vice.
Since wala rin naman siyang gaanong trabaho, nagstay na si Vice sa opisina ni Karylle at buong maghapon na tumulong by giving her some ideas and his own thoughts sa bawat progress ni Karylle.
Magkatapat pa rin sila at abala si Karylle sa pagguhit at pagkukwento. "Sayang maaga kang umuwi, may pahabol pa silang games during the closing program-" napatigil lang siya nung mapansing wala na sa kanya ang atensyon ng kausap niya.
BINABASA MO ANG
Wedding Bells | ViceRylle
FanfictionHindi na bago para sa karamihan ang marinig ang ingay na gawa ng kampana ng simbahan, pero yung marinig iyon sa mismong araw ng sarili nating kasal? Hindi iyon ganon kasimple. Hindi ganon kasimple ang landas na kailangang tahakin bago makamit iyon...