WB#8

2K 75 10
                                    



Tending to Karylle's side, ilang oras na siyang nagpipigil ng luha dahil sa lahat ng nangyayari at hindi nangyayari.

11:30PM, wala na gaanong tao sa building ng VUDC at KLHAC, dalawang oras na ang nakalipas magmula nang matapos ang meeting, dumating din sa wakas si Karylle.


Dali-daling tumakbo ang dalaga papunta sa opisina ni Vice. Sa sobrang pagmamadali at pagkataranta'y nakalimutan na niyang kumatok at dumiretso na siya papasok.

"Diba sinabi kong bawal—"

Pareho silang natigilan ng makita ang isa't isa.

"Vice, let me explain.."

Dahan-dahan namang naglakad papunta sa pwesto ni Karylle si Vice at dahil seryoso pa rin ang ekspresyon nito ay unti-unti nang may namuong takot kay Karylle at napapaatras na rin siya.

"Wala naman akong ibang hiniling sayo kundi ang suporta mo diba? 'Yun lang Karylle, 'yun lang sapat na. Gaano ba kahirap ibigay iyon?"

"Believe me, Vice. I really tried my best---"

"Well guess what, hindi naging sapat 'yang best mo na 'yan this time! Alam kong may hindi tayo pagkakaunawaan at hindi tayo gaanong nag-uusap these past few weeks pero hindi ko inakalang magagawa mo 'to sakin, K! Mas pinili mo pang sumama sa Christian na 'yun! Ganun na ba talaga 'ko ka-walang halaga sayo?" 

"Ikaw ang pinakaimportanteng tao sa buhay ko, alam mo 'yun, Vice.." tugon ni Karylle na ngayon ay naluluha na. Napaiwas naman ng tingin sa kanya si Vice dahil hindi nito kayang makita siyang umiiyak, lalo na't dahil pa sa mismong pag-aaway nilang magkaibigan.

"Pero you failed to prove that to me this time, K. Kung kailan pa kailangan na kailangan ko ng kaibigan." huling sambit ni Vice bago nito talikuran si Karylle at bumalik na sa pagkaka-upo sa kanyang swivel chair ng hindi man lang pinapatahan si Karylle.

Nang maramdaman na unti-unti na siyang nahihirapang huminga dahil sa patuloy na pag-iyak ay mabilisang tumayo si Karylle at hindi na nag-abalang punasan ang mga luha niya habang tumatakbo papunta sa kanyang sasakyan.

Pagkarating sa condo unit niya ay pabagsak siyang dumapa sa kama at yumakap ng unan. Tila naubos na lahat ng luha niya at hindi na siya makaiyak ngayon. 

Bigla namang nagbeep ang cellphone niya,

"From: Christian

I waited for you sa labas ng building pero hindi kita makita kaya inisip kong umuwi ka na on your own. I hope you're doing well. Kung kailangan mo ng kausap nandito lang ako para sayo."

Lalo lang siya nanlumo nang maalalang kasama nga pala niya si Ian papunta sa opisina kanina.


FLASHBACK:

6pm na at may mahigit 1 hour nalang si K bago magsimula ang meeting at hirap na hirap na siyang tapusin ang inaayos na surpresa para kay Vice na plano niyang gawin sa kanyang condo unit, sa takot na baka magalit pa si Vice kapag pumasok siya sa unit ni Vice nang hindi nalalaman ng huli. Itong surpresang ito ay para sana i-congratulate si Vice sa panibago nitong kliyente pagkatapos ng meeting, kung sakali namang hindi ito mapagtagumpayan ni Vice ay gagamitin ni K ang surpresa upang mawala ang lungkot ni Vice. Minabuti niyang madaliin na ang sarili, sa takot na baka ma-late siya sa meeting ng kaibigan.

Sa kalagitnaan ng biyahe halos lahat na ata ng shortcut ay dinaanan na ni Karylle kahit wala naman talagang traffic. Kalmado siyang nagmamaneho nang biglang may isang truck na dumaan sa harapan ng sasakyan niya kaya't dali-dali niyang iginaya ang sasakyan niya papunta sa gilid ng kalsada. Hindi man nabangga sa truck, sa kasamaang palad ay nabangga naman si Karylle sa isang poste at ayaw na magstart ng sasakyan niya.

Wedding Bells | ViceRylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon