WB#15

2.3K 94 26
                                    


"Hello? Sorry sino 'to? Tyang? Napatawag po—ANO HO?! SI KARYLLE?!"

-*-

Matapos matanggap ang balita ay madaling nag-ayos ng sarili si Vice at nagmaneho na papunta sa St. Bridget's Medical Center.

"Sinabi na kasing umuwi na bago mag-ala una eh!!" magkahalong inis at pag-aalalang turan ni Vice.

Nang makarating sa ospital ay pinapark nalang niya ang sasakyan sa isang guard at tumakbo na patungong emergency room, kung saan posibleng naroroon ang kanyang pakay.

"Ah Nurse, alam niyo po ba kung nasaang kwarto si Karylle Tatlonghari?"

"Ay Sir, kakalipat lang po namin sa kanya sa private room. Kaano-ano ho ba kayo ng pasyente?"

"Kaibigan niya 'ko. Saang private room ba siya nailipat?"

"Eight floor po. Room 0822."

Hindi na nag-aksaya pa ng oras si Vice at agad na nagtungo sa nasabing kwarto. Pagkabukas niya ng pintuan ay bumungad sa kanya si Amy na halos makatulog na sa sofa.

"Tyang, ano po nangyari dito kay Karylle?" malumanay niyang saad habang naglalakad papalapit sa dalaga.

"Kukuha lang ata dapat ng kape 'yan kanina, Vice. Kaso ayun biglang hinimatay. Buti nalang naisugod agad dito sa ospital."

"Ano po sabi ng doctor?"

"Kulang lang daw si Karylle sa tulog at baka nalipasan din ng gutom. Idagdag mo pa na tambak 'yan sa trabaho ngayon."

"Sige, umuwi na po muna kayo, Tyang. Ako nalang po muna bahala magbantay sa bruhang 'to. Papadala nalang po siguro ako bukas ng mga damit namin dito kung sakaling hindi pa pwedeng umuwi si K."

Hindi naman na umangal si Amy at nilisan na ang kwarto. Hinila ni Vice ang sofa papalapit sa hospital bed ni Karylle at doon naupo, hanggang sa hindi niya na namalayan na matagal-tagal na rin pala siyang nakatitig sa maamong mukha nito.

"Late na nga ko nakauwi, ginising mo pa 'ko nang alas-tres nang umaga para lang puntahan ka dito sa ospital. Kundi lang kita mahal eh, bruha ka." bulong niya sa payapa pa ring natutulog na dalaga.

Matapos ang higit isang oras pang pagbabantay dito ay kusa na ring nakatulog si Vice sa sofa.

--

"Vicey.. Pogiii.. Psssttt Huuuy! Bays Gandaaaaa!"

Naalimpungatan si Vice sa narinig na sunod-sunod na pagtawag.

"Vicey, uwi na tayo. Ayoko dito." tila batang pakiusap ni Karylle dito.

"Nagpasaway ka eh magtiis ka diyan."

"Ehhhh! Pano na 'yung drafts ko sa opisina? Saka okay naman na 'ko eh."

"Hindi. Sa ayaw at sa gusto mo, magpapahinga ka dito."

Wala nang nagawa pa si Karylle kundi ang sumunod nalang dito. Todo alaga si Vice sa kanya kaya wala rin namang naging problema sa buong araw. Past 3pm nang sa wakas ay makumbinsi ni Karyllr si Vice na dalhin sa ospital ang ilang drawings ni Karylle at ganoon nalang ang saya nito nang sa wakas ay nakabalik-trabaho na rin siya.

Wedding Bells | ViceRylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon