Two days na nawala si Karylle sa opisina para sa isang mahalagang trip with one of her new clients. Kailangan niyang puntahan yung lote na pagtatayuan nung panibagong bahay para ma-examine ito nang mas maigi at maging fit dito yung gagawin niyang sketch, tulad ng lagi rin naman talaga niyang ginagawa."So I guess that seals the deal? Here's my card, so you can contact me in case you have any questions or anything you need to inform me. I'll try to update you soon for any progress."
She was more than exhausted as she entered her hotel room. After a long day of work, ngayon ay parang gusto nalang niyang matulog for the rest of the week.
Pabagsak siyang humiga sa kama without even bothering to change her clothes. Masyado na siyang pagod para makakilos.
Thirty minutes of literally doing nothing and she finally had the urge to do her night routines. She got up from bed and took a quick shower then checked her laptop for a while, in case there were any urgent issues that needs to be settled back in Manila. Hindi na rin siya nagtagal at humiga na ulit sa kama and checked her phone next.
5 new messages from Tita Amy.
1 new message from Anne.
Aside from those ay wala naman na talagang importante.
Kahit walang nakitang notification ay binuksan pa rin niya ang conversation nila ni Vice. Baka naman natabunan lang..
Pero two days ago pa ang huli nilang conversation at siya pa nga ang huling nagmessage. She released a deep sigh as she turned her phone off and dazed herself to sleep that night.
She travelled home the morning after and went straight to her office. Iniwan nalang muna niya sa sasakyan yung iba pang bag at hindi na dumaan pa sa condo.
Pagpasok palang niya ay sinalubong na siya ni Amy na may dalang kumpol ng papeles na kailangan niyang i-review at pirmahan. Nakapatong din sa mesa niya ang ilang mga naiwang unfinished sketches. Napahilot nalang siya sa sentido bago pormal na sinimulan ang panibago nanamang araw sa trabaho.
Nung maabutan na siya ng lunch break ay nagpabili nalang din siya kay Amy at sa opisina na rin mismo kumain habang nagtatrabaho pa rin.
Around 6PM, sa wakas ay natapos na rin siya. Bago umuwi ay naisipan niyang daanan muna si Vice. Hindi pa rin kasi sila nagkikita simula nung dumating siya.
"Vice?"
Sumilip siya sa loob pero tanging si Mariel lang ang nasa opisina ni Vice. "Ay Ma'am K hinahanap niyo po ba si Sir Vice? May meeting po kasi siya ngayon eh."
"Ah ganun ba? Matatagalan pa kaya siya?"
"Hindi na po siguro. Patapos na rin po yun saka sandali lang po talaga yun kasi final meeting nalang naman po yun."
"Okay. Hintayin ko nalang siya dito. Thank you, Ma." ngumiti ito sa kanya at nagpaalam na rin.
Para malibang kahit sandali ay inikot nalang niya ang kabuuan ng office ni Vice. She found two novels sa magazine stand pero wala naman siya sa mood para magbasa ngayon.
Nadaan rin siya sa likod ng office table/swivel chair ni Vice kung saan may mababang cabinet at nakapatong sa ibabaw nito ang ilang trophies, other awards and picture frames. There were six frames; dalawa ay kasama ang nanay at mga kapatid ni Vice, isang picture ni Vice na kinuha noong unang beses siyang sumali sa isang international fashion designing competition. One with their common friends, Vhong, Billy and Anne.
At yung dalawang huli niyang napansin ay picture naman nilang dalawa, one taken during the ribbon cutting ceremony of KHLAC and VUDC kung saan kitang-kita ang malalaking ngiti nilang dalawa as they cut the huge ribbon. The other picture was then taken on the day of their first monthsary as a couple, naka-backhug si Vice sa kanya doon sa court kung saan nanalo si Vice as MVP sa volleyball game habang si Karylle naman ang may hawak nung trophy.
BINABASA MO ANG
Wedding Bells | ViceRylle
FanfictionHindi na bago para sa karamihan ang marinig ang ingay na gawa ng kampana ng simbahan, pero yung marinig iyon sa mismong araw ng sarili nating kasal? Hindi iyon ganon kasimple. Hindi ganon kasimple ang landas na kailangang tahakin bago makamit iyon...