WB#12

1.8K 78 26
                                    

"K... I'm sorry.." pabulong na sabi ni Vice. Karylle's brows creased upon hearing his response.

"Sorry? Para saan?" tanong ni Karylle kahit deep down ay may naiisip na siyang ideya, sadyang hindi lang niya kayang tanggapin na baka iyon nga ang tunay na dahilan, o ang mas magandang sabihin siguro ay ayaw niyang tanggapin ito.

"For what I've said last night. Sorry kung nabigla kita, kaya rin siguro bigla ka nalang tumakbo palabas ng resto without a word. Gusto ko lang namang maging totoo sa nararamdaman ko sayo dahil hindi ko na talaga kayang itago.." paliwanag ni Vice.

Pakiramdam ni Karylle ay unti-unting gumuguho ang mundo niya sa bawat salitang binibitawan ni Vice.

He closed his eyes and gently kissed the top of her two hands as he whispered countless, "I'm sorry" 's non-stop.

Hindi panaginip lahat ng iyon?





Unti-unting bumilis ang pagtibok ng puso ni Karylle sa bawat segundong lumilipas. Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang maramdaman sa pag-amin ng taong tinuring niyang pinakamatalik at pinakamapagkakatiwalaang kaibigan niya.

"Karylle.. I'm sorry. Hindi ko sinasadya at hindi ko rin ginusto pero wala eh, I can't deny it anymore, K. I already fell in love with you long before I realized that you were more than just a friend to me.."

Dahan-dahang binawi ni Karylle ang dalawa niyang kamay kay Vice at tumayo ng hindi tinatapunan ng tingin ang kaibigan.

Mas lalong lumakas ang paghikbi ni Vice nang maglakad papaatras si Karylle hanggang sa tuluyan na itong tumakbo palabas ng unit ng walang binibitawang ni isang salita.

"K-Kurba ko.." paulit-ulit na tawag ni Vice na animo'y naririnig siya nito.

--

"Eto na! Eto na! Gabing-gabi wagas maka-doorbell natutulog 'yung tao— KARYLLE?!"

Biglang napalitan ng pag-aalala at pagkagulat ang inis ni Anne nang buksan niya ang pinto ng kanyang bahay at tumambad sa kanya ang kaibigang walang tigil sa pag-iyak.

"Oh my god. What happened to you? You look like a total mess, girl!" singhal nito at saka ginuide si Karylle paakyat sa kwarto niya.

Pinasandal niya ito sa may headboard ng kama at umupo siya sa harap nito, waiting for her to calm down and do the talking, pero mukhang wala itong balak tumigil sa pag-iyak.

"Mind telling me what happened?" panimulang tanong ni Anne. Pumikit nang mariin si K at pabulong na sumagot.

"S-Si Vice.."

"What about Vice? Did you two argue or fight again? Come on K, you can tell me."

"Umamin siya sakin, A-Anne.."

"Anong inamin niya?" tanong muli ni Anne kahit sa loob-loob niya ay nagegets na niya kung saan patungo ang usapan nila.

"H-He fell in love with his best friend, Anne. He fell in love with... me." Karylle burried her face onto her palms and continued sobbing. Anne then pulled her for one tight hug and started rubbing her back as a sign of comfort.

Wedding Bells | ViceRylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon