WB#11

1.7K 74 9
                                        

Nagising si Karylle sa sunod-sunod na doorbell sa unit niya. Bakas sa mukha niya ang inis nang buksan niya ang pinto at bumungad sa kanya ang isang hula niya ay delivery boy.

May inabot itong isang bouquet ng bulaklak kay Karylle na ipinagtaka naman ng huli,

"Ah kuya, wala akong binili o pinadeliver na flowers."

"May nagpapabigay lang po niyan. Sige po mauna na po ako." tugon nito sabay alis na rin agad kaya hindi na naitanong ni Karylle kung kanino galing ang bulaklak.

Napansin naman niya na may nakaipit na card dito kaya kinuha niya 'yon at binasa ang nakalagay na note,

"You changed my life and now, allow me to change yours too :)"

Wala naman siyang maisip na posibleng nagbigay nito kaya minabuti niyang ilagay na ito sa isang vase at maghanda na sa trabaho.

Pagdating niya sa floor ng office nila ni Vice ay ang kaibigan kagad ang unang bumungad sa kanya.

"Good Morning, Kurba!" masiglang bati nito.

"Good Morning to you too, Vice. Anong meron at ang saya mo ata ngayon? May date kayo ni Zeus mamaya no?" usisa ni Karylle dito as they made their way to her office at nakabuntot pa rin sa kanya ang kaibigan.

"Date? Well, kay Zeus... wala." sagot ni Vice na may pilyong ngiti. Kumuha naman si Karylle ng isang lapis sa table niya at binato ito kay Vice.

"What do you mean na kay Zeus wala? Don't tell me you're cheating on your boyfriend?"

Tumawa naman ang kausap niya na halatang hindi maitago ang saya sa hindi naman alam na dahilan ni Karylle.

"Aayain kasi sana kitang magdinner mamaya sa labas. Date tayo, K." casual na aya ni Vice.

"Why so sudden?" tanong ni Karylle na naninibago pa rin sa kasiglahan ni Vice.

"Wala lang. Hindi ba pwedeng gusto lang kitang makadate?" hindi pa rin natitinag na sagot nito. Naningkit naman ang mata sa kanya ni Karylle pero nanatiling nakangiti si Vice. Karylle checked her schedule at nang masigurong clear ito for tonight ay muli niyang binalingan ng tingin si Vice.

"Fine. I'll go out with you tonight."

"Yes! Thank you, kurba. Seeee yaaaa!" ngiting-tagumpay na lumabas si Vice ng opisina ni Karylle.

"Weirdo... Di ka pa ba sanay K?" pabirong bulong niya sa sarili before she officially started working.

Naging mabilis naman ang oras especially for Vice na hindi pa rin mawala-wala ang excitement. Luckily, pareho silang walang masyadong trabaho kaya maaga silang makakauwi. 2pm palang ay umalis na si Vice para makapaghanda sa date nila ni Karylle samantalang ang dalaga naman ay umuwi ng 4pm.

Since 7pm pa naman ang usapan nila at wala itong kaakibat ni katiting na pressure dahil si Vice naman ang kikitain niya ay naisipan niyang matulog muna nang mahimbing.


Karylle later woke up with a smile on her face, excited sa lakad niya for tonight. She can't deny na namiss din talaga niyang makadate ang kaibigan, kahit pa magkasama na silang naggala kagabi. Araw-araw at halos gabi-gabi man magkasama, para sa kanila ay iba pa rin talaga kung outside of their working place and working hours sila nagkikita at nakakapagbonding.

Habang abala siya sa pagpili ng isusuot ay nakatanggap siya ng text mula kay Vice,


"From: Vice

Kuuurbaaaaa! Nandito na ko sa restaurant. 7pm ah? See yaaaaaa! :)"

Napailing nalang siya. Maski sa isang simpleng text kasi ay bakas pa rin ang kakaibang excitement ni Vice.

Wedding Bells | ViceRylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon