Tutok na tutok si Vice sa pagmamaneho habang si Karylle naman ay nagmamasid lang sa mga dinadaanan nila, hanggang sa nanlaki bigla ang mga mata niya nang madaanan nila ang isang pamilar na ruta,"Vice sandali!" sigaw nito kaya't biglang napapreno si Vice sa gulat.
"Gaga ka! Grabe ka manggulat! Ikamamatay natin 'yang kakasigaw mo!" sigaw pabalik ni Vice pero hindi siya pinansin ni K na nakatingin pa rin sa isang eskinita.
"Ano bang meron dun?" usisa ni Vice.
She glared at him. "Don't tell me na nakalimutan mo na kung ano ang dulo ng kalsadang 'yun, Vice.."
"Of course naaalala ko pa rin. Gusto mo bang pumunta dun?"
Sunod-sunod na tango naman ang naging tugon ni Karylle na halatang sobrang excited na. Iminaneubra na ni Vice ang sasakyan at pumunta na nga sa tinutukoy nilang dulo ng kalsada.
Ang kalsadang iyon ay nagtatapos sa isang abandoned 2-floor open parking lot. Pumarada sila sa 2nd floor at saka bumaba at naupo sa isang bench sa may bandang dulo kung saan tanaw na tanaw ang napakagandang view ng city lights.
"Remember that night when you witnessed kung paano ako muntik nang magpakamatay dito?" panimula ni Karylle.
"Hinding-hindi ko makakalimutan 'yung kagagahan mo na 'yon. Saka 'yun ang unang beses na nagkita tayo diba?"
"Yeah. I never thought na magiging ganun ka-memorable ang gabing iyon, lalo na inakala kong huli ko na rin 'yun.." natatawang sagot ni K.
"Naaalala mo pa ba yung mga usual na ginagawa natin tuwing tumatambay tayo dito dati? Nung mga panahong hindi pa tayo gaanong tutok sa trabaho.."
"We used to compose songs here habang kumukuha ng inspirasyon sa view ng city. Nakakamiss na 'yun, ah!"
Sandali naamn silang nagkatitigan, mata sa mata, at doon ay nabasa na nila ang nasa isipan ng bawat isa. Pumunta si K sa kotse niya at kumuha ng isang notebook at ballpen at bumalik sa tabi ni Vice.
"What if subukan natin gumawa ulit ng kanta, but this time, 'yung memories naman nung early years ng friendship natin ang kunan natin ng inspirasyon.." suggestion ni Karylle. Vice agreed sa planong iyon and they started looking back to their old memories, specifically sa gabi na una silang nagkita sa parehong parking lot.
FLASHBACK:
(italics - lyrics na nagagawa nila. ps, di ako magaling gumawa ng kanta so di original song. just imagine the acoustic version of the song.)
Dati rati sabay pa nating pinangarap ang lahat
Kakagaling lang ni Vice sa isang bar kung saan siya nagparty kasama ng ilang kaibigan. May kalasingan man ngunit gising at matino pa rin ang huli. Tumigil at nagpark siya sa isang parking lot na ngayon lamang niya napuntahan at nadiskubre. Dala na rin ng curiosity ay umakyat siya sa second floor at tuluyang nawala ang kalasingan niya nang makakita ng isang babaeng nakatayo sa mismong ibabaw ng railings sa dulo ng second floor at mukhang may balak tumalon.
"MISS!" sigaw nito na ikinagulat naman ng babae, dahilan para ma-out of balance ito sa kinatatayuan. Natatarantang tumakbo palapit dito si Vice at saktong-sakto naman na sa pagbagsak ng dalaga ay nasalo siya ni Vice. Ilang segundo rin silang nagkatitigan bago natauhan ang babae ang dali-daling nagpababa kay Vice.
Akmang maglalakad na palayo ang babae nang higitan siya ni Vice sa braso, "San ka pupunta?" tanong nito. Tinignan naman siya ng babae na parang nawiwirduhan pa sa kanya.
BINABASA MO ANG
Wedding Bells | ViceRylle
FanfictionHindi na bago para sa karamihan ang marinig ang ingay na gawa ng kampana ng simbahan, pero yung marinig iyon sa mismong araw ng sarili nating kasal? Hindi iyon ganon kasimple. Hindi ganon kasimple ang landas na kailangang tahakin bago makamit iyon...