"K, kailangan ko na pala nung copy ng sales report sa KLHAC. Ready na ba 'yung team mo for a meeting?"Abala si Karylle sa pag-iisip ng panibagong concept nang pumasok si Vice sa opisina niya. Halata sa binata/bakla na may kaunting hangover pa ito mula kagabi pero hindi tulad ni Karylle ay walang bumabagabag dito.
"Yes. Sasabihan ko nalang si Tyang Amy na i-finalize na 'yung report para mai-present na sa inyo bukas."
"Sa amin? Hindi ka kasama sa meeting?"
"Marami pa kasi ako kailangang asikasuhin na bagong kliyente kaya hindi muna siguro ako makakasama." palusot ni K na tumalab naman kay Vice.
"I see.. Okay then."
Akmang maglalakad na palabas si Vice nang may maalala siya. "Pano nga pala ako nakauwi kagabi? Pasensya ka na ah, nalasing kasi talaga ako kaya di ko na maalala lahat ng nangyari kagabi.."
Muling bumigat ang pakiramdam ng dalaga sa narinig. "Ano, hinatid ka namin ni Ian."
"Wala naman ba ko nagawang kalokohan kagabi? Knowing myself, alam kong—"
"Wala, wala. You were fine. Very fine." I guess..
"Huwaw! Well, buti nalang talaga ikaw ang kasama ko kundi baka napano na 'ko kagabi. Sige babush na, kurba!"
Nang maiwan mag-isa si Karylle ay napayuko nalang siya habang pilit nilalabanan ang mga nagbabadya niyang luha. Sakto naman ay sunod na pumasok si Christian.
"Wajee.. hey what happened? I saw Vice leave your office. Okay ka lang ba?"
"He asked me about last night.."
"And?"
"I told him everything was fine last night.."
Pinandilatan naman siya ni Ian. "You lied to him."
"I-I don't want to talk about it... Hindi ko alam pano."
"So you're just going to keep it all to yourself instead? K naman,"
"Para saan pa ba? Wala naman nang magbabago, Bajee. Wala nang magbabago sa nararamdaman niya, at nararamdaman ko."
"Eh ano nga bang nararamdaman mo?"
"Vice for me is... a friend. A special one I suppose."
"If you say so.." pasukong tugon ni Christian at tinulungan nalang si Karylle sa mga inaasikaso nito sa trabaho.
Kinagabihan, bagamat pagod sa trabaho at masama ang pakiramdam ay napilitang sumama si Karylle nang mag-aya si Vice na lumabas sila. Sa buong biyahe ay tahimik lang siyang nagmamasid sa labas, iniisip ang mga posibleng lugar na puntahan nila habang panaka-naka ring kinakausap ni Vice na siyang nagmamaneho.
"Hoy Mr. Viceral, may trabaho pa po tayo bukas kaya siguraduhin mong iuuwi mo ko—"
"—before 12. Hindi ko po nakakalimutan, Madam Cinderella." Karylle rolled her eyes at binalik na ang atensyon sa dinadaanan nila. This road looks familiar..
At hindi nga siya nagkamali. 10 more minutes later ay nakarating na ang dalawa sa destinasyon nila. Tulad ng dati ay pinagbuksan ni Vice ng pinto ang dalaga at saka ito hinila papunta sa favorite spot nila.
"Seriously? Bigla mo lang nanaman naisipang pumunta dito ng ganitong oras?" tanong ni Karylle nang makaupo na sila. Ilang segundo silang nabalot ng katahimikan, enjoying the calming atmosphere of Manila Bay.
"Never fails to revive me from all the stress." komento ni Karylle with both eyes focused on the bay, not minding Vice's stares.
"Kilalang-kilala mo na talaga 'ko no?" she managed to ask with a small smile nang mapagtanto niya ang rason kung bakit siya dinala ni Vice dito.
BINABASA MO ANG
Wedding Bells | ViceRylle
Fiksi PenggemarHindi na bago para sa karamihan ang marinig ang ingay na gawa ng kampana ng simbahan, pero yung marinig iyon sa mismong araw ng sarili nating kasal? Hindi iyon ganon kasimple. Hindi ganon kasimple ang landas na kailangang tahakin bago makamit iyon...