dedicated to @myqueenvice nice meeting you sa omegle haha!
Anonymous
Payapa lang akong natutulog nung bigla akong naalimpungatan. Sinubukan kong bumalik sa pagtulog pero wala na talaga. Bumangon nalang ako at naglakad palabas ng kwarto ko.
Nagtimpla na rin ako ng gatas at saka umupo sa may living area. Ang payapa. Sa sobrang katahimikan ay hindi ko naman maiwasang maalala 'yung kwentuhan namin kanina. It was basically the story of how we met.
April 1. Oo, april fool's day kami nagkakilala. Nakakaloka diba? Pero mas nakakaloka pa rin 'yung mga nangyari na naging dahilan din para magkausap kami. I admit, noong una natakot akong makipagkaibigan, mukha kasi siyang delikadong tao, but I still managed to try and eventually trust that person. Sa tulong ng Diyos, nagawa ko ring kumbinsihin siya na mapagkakatiwalaan niya ako hanggang sa nagsimula na nga ang pag-open up at hingian namin ng advice sa isa't isa.
Binuksan ko 'yung radyo para naman mawala 'yung nakakabinging katahimikan dito.
Kundi nga ba naman mapaglaro ang tadhana, isang pamilyar na kanta na sa tingin ko ay sobrang akong makakarelate ngayon ang sumakto.
As the song started, our memories flashed in my mind.
General
FLASHBACK
(italicized - lyrics nung kanta sa radyo)Do you remember when I said I'd always be there?
Ever since we were ten, baby
When we were out on the playground playing pretend,
I didn't know it back thenRight after magkahiwalay nina Vice at Karylle sa may parking lot na iyon ay naisipan ni Vice na gumawa ng paraan upang muli silang magkita ng kanyang bagong kaibigan.
"Brad, bakit ba gustong-gusto mong mahanap 'yang Karylle na 'yan? Tinamaan ka no?" pang-aasar ni Vhong.
"Tumigil ka nga sa kalokohan mo! Gusto ko lang siyang makita at makausap ulit. Nararamdaman kong magkakasundo at pwede kaming maging magkaibigan talaga." depensa ni Vice habang tutok pa rin sa paghahanap ng information about Karylle sa kanyang laptop.
Pinabayaan na lamang ni Vhong ang kaibigan dahil mukhang hindi na nga ito magpapapigil pa. Mukhang nasa side nga naman ni Vice ang swerte dahil nagtagumpay siya at natunton niya kung saan nag-aaral si Karylle ngayon.
Kinabukasan, matiyagang naghintay si Vice sa may gate ng university at inabangan ang paglabas ni Karylle. Hindi rin kasi siya makalusot sa mga guard na nagbabantay sa lahat ng gates.
Nung sa wakas ay mamataan niya si Karylle ay agaran siyang sumigaw para tawagin ito, "Karylle!" Napalingon naman sa kanya si Karylle at maya-maya pa ay tumakbo na papalapit sa kanya.
"Vice? Anong ginagawa mo dito? Paano mo 'ko nahanap?" sunod-sunod na tanong ng dalaga.
"Kakamustahin lang sana kita.." nakangiting sagot ni Vice.
"You're weird." hindi makapaniwalang sabi ni Karylle pero tinawanan lang siya ni Vice.
"Bat ka ba tawa nang tawa diyan? Para kang baliw. Alis nga diyan!" tinaboy naman bigla ni Karylle si Vice kaya tumigil na ito kakatawa at hinigit ang isang kamay ni Karylle.
"Huy, huy. Wait lang naman. Nagpakahirap akong hanapin ka tapos lalayasan mo lang ako?" inirapan lang siya ni Karylle.
"Ano? Kamusta ka na? Nakagawa ka na ba ng desisyon?"
"Ganun pa rin. But honestly, ang dami kong narealize after natin magkausap last time." manghang sagot ni Karylle.
"Aba dapat lang! Sa sobrang talino ko ba naman mag-advice at magcomfort sayo.." mayabang na sabi ni Vice kaya hinampas naman siya ni Karylle nang mahina sa braso.
BINABASA MO ANG
Wedding Bells | ViceRylle
Fiksi PenggemarHindi na bago para sa karamihan ang marinig ang ingay na gawa ng kampana ng simbahan, pero yung marinig iyon sa mismong araw ng sarili nating kasal? Hindi iyon ganon kasimple. Hindi ganon kasimple ang landas na kailangang tahakin bago makamit iyon...