Magkasabay na dumating sa Tagaytay sina Vice at Karylle at ngayon ay nasa mismong hotel na sila kung saan gaganapin ang conference. They booked one presidential suite in the same place at dahil isa nalang ang available, ngayon ay nagtatalo pa sila kung paano ang magiging set-up nilang dalawa."Ikaw na nga nagdrive eh! Ako na nga lang dun sa extra bed, ikaw na diyan."
"Karylle, wag mo na 'kong alalahanin. Di hamak na mas sanay akong matulog sa maliit na kama kaysa sayo, wag ka na umangal diyan."
Pasukong humiga si Karylle at hinayaan nalang si Vice. She's too tired from their four-hour trip to argue.
"Ayaw pa pumayag, sarap-sarap nga ng higa niya." pabulong na sabi ni Vice while fixing his clothes in the walk-in closet. Sumunod rin naman agad si Karylle at inayos na rin ang kanya. Nung matapos ay bumawi muna sila ng tulog pareho at tulad ng napagkasunduan— Karylle on the queen-sized bed and Vice on the other smaller bed.
Karylle was the first to wake up, the program will begin at 6PM sharp and they only have two hours left to prepare. She took a quick shower and once she was already wearing her elegant dress for the event, she went out of the huge closet to wake him up.
"5 minutes, K."
"Vice, pang-apat na 5 minutes mo na yan. Malelate tayo niyan eh."
He lazily got up from bed at muntik pang bumangga sa pader habang pakusot-kusot ng mata papasok sa bathroom.
Her original plan was to let Vice do her make-up pero since late na nga sila ay siya na rin ang nag-ayos sa sarili niya.
They arrived at the venue at 5:25 in the afternoon. A few other invited guests greeted them as they entered the hall and walked to their reserved seats. Mabuti nalang at sa mga ganitong events ay automatic na rin na magkasama sila lagi sa iisang table. Seems like everyone in the same industry just knows them that well.
"Sir Vice, pwede na po ba kayong magproceed sa backstage para sa briefing? Ms. Belle Daza is already waiting for you po." one of the facilitators told him.
Kinalabit naman siya ni Karylle at nung makita na naguguluhan ang dalaga ay doon lang niya naalala. "Shoot. Oo nga pala... uhm, sige susunod na ako."
Nung makaalis na yung lalaki ay saka niya binalingan si Karylle.
"Sorry I forgot to tell you.. Ako nga pala yung napili nilang host ngayong gabi, and Belle is my partner. I hope okay lang sayo.."
"No biggie. Mas gusto pa nga kitang sermonan hindi dahil nakalimutan mong sabihin sakin pero dahil alam mo naman palang host ka ngayon, napakabagal mo pa kumilos kanina. Nakakahiya sa kanila kung na-late nga tayo."
"As if naman they can't find me a replacement. Pano, punta na 'ko dun sa likod ah? I'll get back to you kapag pwede na."
He left a kiss on the top of her head as Karylle nodded and they exchanged the sweetest smiles before he headed to the backstage as he was requested to.
The opening program for the conference turned out to be a success. Karylle was even taking pictures and videos of him with her own phone throughout the whole program. A lot of guests also approached Vice to commend him for hosting it well. Inimbitahan din siya ng ilang facilitators na makisali sa VIP table pero mas pinili niyang balikan si Karylle at sa table nalang nila magstay for dinner.
"Bakit ka bumalik agad? Belle's with the VIPs oh,"
"Hindi naman sila yung kasama kong pumunta dito eh, pabayaan mo sila dun. Mas gusto ko dito." simpleng tugon ni Vice habang busy na sa pagkain.
BINABASA MO ANG
Wedding Bells | ViceRylle
FanfictionHindi na bago para sa karamihan ang marinig ang ingay na gawa ng kampana ng simbahan, pero yung marinig iyon sa mismong araw ng sarili nating kasal? Hindi iyon ganon kasimple. Hindi ganon kasimple ang landas na kailangang tahakin bago makamit iyon...