WB#19

1.3K 60 2
                                    


Months passed and not much has changed in their relationship. Syempre hindi mawawala ang paminsan-minsang tampuhan at di pagkakaintindihan, but they never failed to give each other's the reassurance that they both need. Kahit anong mangyari, walang magbabago. Walang iwanan. Sila lang hanggang huli.

Ngayon ay kasalukuyang nasa loob ng meeting room si Vice, kasama ang board members ng VUDC at Worldwide Organization of Fashion Designing Companies.

After a successful presentation of VUDC's background and its current sales report led by Vice himself, a new contract has been signed by the two parties. Ang pagsali ng VUDC sa Worldwide Organization na ito ay maituturing na isang major expansion. Magkakaroon na sila ng representatives sa Paris, kung nasaan ang main building ng organization, kaya't tiyak na magiging mabilis ang pasok ng mga bagong kliyente sa mga susunod na buwan.

"Congratulations, Mr. Viceral."

Nakipagkamay siya sa lahat ng nandoon. And soon as nakalabas na ang mga bisita nila ay nanghingi naman siya ng group hug sa mga empleyado niya na nandoon din.

"Thank you everyone and congratulations to us. Lunch is on me, as promised!"

Natuloy ang celebration pero mas pinili ni Vice na lumabas na at pumunta naman sa opisina ni Karylle to tell her the big news.

He welcomed himself in and found her busy as usual with her sketches.

"Wala man lang ba akong congrats hug diyan?"

Pagkarinig ng boses nito ay nag-angat na ng tingin si Karylle. She noticed the huge smile plastered on his face kaya doon palang ay nagkaideya na siya at lumapit na nga kay Vice.

"How was the meeting?"

He placed her two hands on his shoulders then clung on to her waist to pull her closer to him. "We made it! Part na kami ng organization."

A proud smile formed on her lips. "I'm so proud of you. Natupad mo na yung isa sa mga pinakabongga mong pangarap for your company."

"Reward ko?"

Nagsalubong ang kilay ni Karylle. "May usapan ba tayo? Parang wala naman ako naaalala na kailangan kong pag-ipunan."

Natawa naman si Vice sa reaction niya.

"Di mo naman kailangan gumastos. Reward lang na kiss sapat na."

Napailing nalang si Karylle sa kapilyuhan nito but soon closed the gap between them as her hand made  its way to his hair and the other still on his nape.

"Ayun! Best reward na nga talaga!" ngiting-tagumpay na sabi ni Vice nung humiwalay na si Karylle.

He grabbed her hand to intertwine it with his as he led their way out to the function hall which was three floors below. Doon ay naghihintay na sa kanila ang lahat ng empleyado ng VUDC for the celebration.

"Sa tingin mo, kakayanin ko kayang panindigan yung expansion?"

Tanong ni Vice nung makapasok na sila sa elevator.

"Bakit naman hindi?"

"Kasi syempre mas dadami na yung magiging kliyente namin, lalo na internationally. Eh dito pa nga lang sa Pilipinas halos ikamatay ko na wag lang kami mapahiya sa lahat ng kliyente."

Wedding Bells | ViceRylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon