After ng dinner nila ng kanyang boyfriend ay dumiretso na rin pauwi si Vice sa kanyang condo unit.
Nakahiga't handa nang pumikit para sana makatulog na nang maalala niya ang isang importanteng bagay.
He looked for his phone and dialed her number.
K: Hello? Vice?
V: Ahh, sorry, nagising ba kita?
K: Sort of, but anyways, bakit ka pala napatawag?
V: Nabasa ko 'yung text mo sakin kanina. Di lang ako nakapagreply since biglang nag-inarte si Zeus.
K: Baka namiss ka lang nun. What about my text pala?
V: So ayun nga, sorry din, Kurba. Narealize ko na baka nga masyado akong naging OA kanina. I should've just thanked that friend of yours instead na magalit sa kanya.
K: I'm glad na narealize mo 'yan, Vice. Hindi ko rin kasi maiwasang isipin na bakit parang wala ka man lang tiwala sakin nung sinabi kong okay na..
V: Maybe sadyang ganun lang ako ka-protective sa kumpanya, and of course sayo na rin. Alam mo namang ayaw na ayaw ko na may kinakaibigan kang hindi ko kilala man lang dahil baka kung mapano ka pa.
Lihim namang napangiti ng impit si Karylle sa kabilang linya dahil sa narinig kay Vice.
K: Well, the important thing is, okay na tayo.Ready na nga rin daw pala si Christian na makipag-usap sayo, para na rin ma-settle niyo 'yung pinag-usapan nila nung mga kliyente mo.
V: Tatawagan ko nalang siguro siya once malinis-linis na schedule ko. Thank you, kurba.
K: No problem. Good night, pogi!
Vice ended the call na mas panatag na ang loob. Tinext na rin niya ang secretary niya na mag-set ng meeting with Christian bukas para mas makilala na rin niya ang bagong kaibigan ni Karylle.
--
"Magstart ka naman please!" naiiyak nang sabi ni Karylle habang pilit pinapaandar ang sasakyan niya. Mahigit isang oras na kasi siyang late sa trabaho at tambak na tambak pa siya ng paper works kaya hindi na siya mapakali.
Nagulat naman siya nang may isang pamilyar na sasakyan ang pumarada sa tabi ng kanya. Bumaba mula dito si Vice at lumapit kay Karylle na nasa loob pa rin ng sarili nitong kotse.
"Vice? Bakit nandito ka? Diba dapat kanina ka pa nasa opisina?"
"Na-late lang ako ng gising. Tsaka ikaw rin naman ah.." sagot nito.
Nang mapansing stressed na stressed na si Karylle ay nagtaka naman siya. "Ano problema, Kurba?"
"Ayaw niya magstart." dismayadong sagot ni K. Pinababa siya ni Vice sandali para siya mismo ang magtest sa sasakyan pero tulad ni K ay hindi siya nagtagumpay.
"Sabay ka nalang sakin. Magpapadala nalang ako dito ng gagawa ng sasakyan mo mamaya." suhestyon ni Vice at dahil alam niyang ito nalang ang best option niya ay pumayag na rin si Karylle.
"Nagbreakfast ka na ba?"
Umiling naman si K.
"At bakit hindi ka pa nakain ah? Diba paulit-ulit kong sinasabi sayo na kumain ka ng almusal araw-araw? Paano ka makakapagtrabaho nang maayos kung ganyan ang lagay mo? Baka magkasakit ka pa niyan eh, bruha ka." panenermon ni Vice.
BINABASA MO ANG
Wedding Bells | ViceRylle
FanfictionHindi na bago para sa karamihan ang marinig ang ingay na gawa ng kampana ng simbahan, pero yung marinig iyon sa mismong araw ng sarili nating kasal? Hindi iyon ganon kasimple. Hindi ganon kasimple ang landas na kailangang tahakin bago makamit iyon...