"K, kausapin mo na kaya?" pakiusap ni Anne sa kaibigan.It's been two weeks pero wala pa ring pagbabago. Vice has been trying to reach out to her pero naging mailap na si Karylle.
Anne was there since the day it all happened. Alam niyang kahit ayaw nitong sabihin, Karylle needs her now.
Karylle grabbed her phone and declined the call, again.
Missed Call
Vice (49)"Walang mangyayari sa relasyon niyo kung hindi mo siya bibigyan ng chance na magpaliwanag."
"Ayoko muna siyang makita, Anne," pirming saad ni Karylle nang hindi man lang nag-angat ng tingin mula sa ginuguhit nito.
Her deadlines are approaching and she has no time to deal with her personal issues. Hindi na niya alam kung ano pa ang gagawin niya kung pati sariling kumpanya niya ay magkaroon ng problema ngayon.
"But K—"
"I'm going home. Umuwi ka na rin. Thanks for dropping by again, but you don't have to."
Mabilis na inayos ni Karylle yung mga gamit niya at hindi na hinintay na magsalita ulit si Anne.
Dire-diretso siyang lumabas ng opisina, trying her best to stop herself from taking a glance at the office right beside hers.
Dalawang linggo na itong tahimik, walang nakabukas na ilaw, walang pumapasok na kahit sino. Dalawang linggo na simula nang huli silang nagkita sa condo ng binata at dalawang linggo na ring hindi pumapasok si Vice.
She went to her car and drove her way home. The whole ride was too peaceful it bothered her. Hindi siya sanay na wala siyang ibang kasama sa loob ng sasakyan tuwing uuwi siya galing sa trabaho. Hindi siya sanay sa ganitong katahimikan. Hindi na siya sanay mag-isa.
Kalagitnaan ng biyahe nang bigla niyang mapansin na hindi gaanong gumagana ng preno ng sasakyan niya. Ginilid niya ang sasakyan saka bumaba para i-check ito, pero nang mabuksan ang hood ng sasakyan ay wala ring pamilyar sa kanya.
She tried to call Anne and a few more pero walang sumasagot. Ala-singko na at unti-unti na ring dumidilim kaya hindi na niya maiwasang makaramdam ng takot.
An hour and a half later, mula sa rear view mirror ay may natanaw siyang pamilyar na sasakyan na tumigil sa likod ng kanya.
Bago pa man siya makapagpasya kung bababa siya o hindi ay nakarinig na siya ng pagkatok sa bintana. She averted her attention to whoever it was and to her surprise, it was the person she least expected to be there.
Ni hindi nga niya ito tinawagan kahit sobrang desperado na siyang makauwi.
She rolled her windows down and gave him a stern look, waiting for him to talk first.
"Nasiraan ka?"
"Obvious ba?" she scoffed.
"Sabay ka nalang sa 'kin, ako na maghahatid sa 'yo pauwi tapos itatawag ko yung sasakyan mo sa—"
"No thanks. I'd rather spend the night here, Vice."
Narinig naman niya ang pagbuntong-hininga nito. "Karylle, alam kong galit ka pa sa 'kin. Hindi naman kita pipiliting kausapin ako ngayon, eh."
BINABASA MO ANG
Wedding Bells | ViceRylle
FanfictionHindi na bago para sa karamihan ang marinig ang ingay na gawa ng kampana ng simbahan, pero yung marinig iyon sa mismong araw ng sarili nating kasal? Hindi iyon ganon kasimple. Hindi ganon kasimple ang landas na kailangang tahakin bago makamit iyon...