WB#1

4.1K 105 9
                                    

Vice

"Meme! 1 hour nalang kasal na nina Anne! Wala ka pa bang balak umalis?" rinig kong sermon ng isa sa mga kaibigan kong si Buern.

"Bayaan mo silang maghintay!"

"Meme, abay ka! Hindi ka pwedeng mawala dun!"

"Di mo ba nakikita na marami pa kong trabahong kailangang tapusin?"

Totoo naman kasi eh. Ang dami na ngang trabaho at designs na dapat gawin, pano ko pa magagawang pumunta dun? Oo at importante sakin sina Anne at Vhong, pero malaking kliyente kasi ang nakasalalay dito at sigurado naman na maiintindihan din nila ako. Babawi nalang ako pagbalik ng dalawang 'yun galing ng Greece pagkatapos ng ng kanilang honeymoon.

Tinignan ko 'yung gown na nakasabit malapit sa human-length mirror ko. Kay ganda! Bagay na bagay sakin!

Malamang eh para sakin 'yun at gawa ko 'yun eh!

Ako nga pala si Jose Marie Borja Viceral. Wait, ewwness! Sobrang manly ng pangalan! But I prefer to be called, Vice. Ako'y isang proud fashion designer at bakla!

Si Buern? Siya ang isa sa di kalakihang barkada ko. Ang Team Vice. Barkada ng mga confused at ng mga bakla.

Okay, tama na ang chika! Marami pang trabaho!

Karylle

Eto na! Eto na ang pinakahihintay na araw nina Vhong at Anne, ikakasal na sila!

Grabe lang ang ganda ng kasal. Bagay na bagay sa kanila.

Ana Karylle Padilla Tatlonghari. But most people call me by my second name, Karylle. I've been an architect for five years now at ako rin ang naturingang wedding coordinator nina Vhong at Anne, since we are very close friends din naman and Anne has always been the biggest fan of my ideas pagdating sa mga ganito.

Nagsimula na ang paglakad ng mga abay. Ako ang isa sa dalawang bridesmaid ni Anne. Si Vice ang isa. Pero dahil sobrang dami daw niyang tinatapos kaya mag isa lang ako ngayon. Pinasa ko nalang muna sa assistant ko ang pag-aasikaso ng kasal kahit dito lang sa simbahan, gustong gusto kasi ni Anne na abay din daw ako.

Nakakasilaw ang dami ng flash ng camera sa paligid. Sikat na modelo si Anne at mananayaw naman si Vhong kaya maraming tao from the media ang nandito.

Ilang oras pa ang lumipas at natapos na rin ang seremonya ng kasal.

Sabay-sabay kaming sumigaw nina Billy, isa pa sa kabilang sa barkadang, Fab 5, ng "Congratulations VhongAnne!" at nagsipalakpakan ang lahat. Hay. Sobrang perfect lang talaga ng bride and groom. I'm so happy na maganda ang naging bunga ng ilang buwang paghihirap at bangayan namin.

While on the way sa reception ay nakatanggap ako ng text from Vice.

From: Vice

Hi Kurba! I'm really sorry hindi ako nakaattend ah? Promise babawi ako kina Anne pati na rin sayo kahit alam kong pak na pak pa rin naman ang paglakad mo kahit wala ako! See ya soon and enjoy kurba!

Maya-maya pa'y may sumunod na isa pang message.

From: Vice

Enjoy pero umuwi nang maaga at mag behave kung ayaw mong pektusan kita bukas! Love ya!

Napangiti naman ako sa nabasa ko. Si Vice ang pinaka close ko sa Fab 5 (VhongAnne, ViceRylle, Billy). Siya ang lagi kong kasamang lumalabas at nagpaparty. Siya rin ang may pinaka maraming alam tungkol sa buhay ko.

Relationship? Hay napakadalas naming mapagkamalan! Pero no, I'm happy to be single and siya naman going strong sila ng boyfriend niya.

Third Person/General

Wedding Bells | ViceRylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon